Chapter 16

442 18 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay nabigyan ako ng tatlong araw na punishment na mag linis ng campus namin. Tuwing uwian ako ng hapon nag lilinis. Huling araw ko na ito ngayon at hindi ko alam kung nasaan ang kamay sa kasama ko mag linis ng corridor. Tapos na ako mag mop  sa sahig ng library pero wala pa din ito.

Bumalik ako sa pag m-mop ng sahig nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Napatingin ako sa ibaba nang makita ko si Favio. Nasa second floor na ako ng building namin. Kumaway ito saakin at nag signal na tataas ito.

Sa mga nag daang araw na nag lilinis ako ng campus namin ay lagi itong nag hihintay saakin  at sabay kaming uuwi.  Nang nasa harapan ko na ito ay hinihingal pa ito habang nakatingin saakin.

"Tumakbo ka pataas ng hagdan!" sabi ko sakanya.

Ngumiti ito at agad lumapit saakin. Hinila nito ang kamay ko palapit sakanya at agad sinunggaban ng halik ang labi ko na agad ko naman tinugon. Nang mag hiwalay ang mga labu  namin ay agad akong ngumiti sakanya.

"Gusto agad kitang makita. " sagot nito. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag m-mop. Kinuha nito mula sa kamay ko ang mop St say na mismo ang nagpatuloy noon. Nanatili akong nakaupo sa hagdan habang tinitingnan ito. Tanging puting t-shirt nalang ang suot nito at ang pang ibabang uniform nito.

Nang matapos naming ma-mop ang lahat ng corridor ay sabay kaming lumabas ng school.

"Salamat po sa paghintay. " nakangiting sabi ko kay manong guard. Tuwing alas sais kasi ng gabi ay isasara na dapat ang school pero dahil natagalan kami ni ngayon ay natagalan din ang pag uwi nito.

"Nauna nang umalis ang mga kasama mo sa pag linis. " sabi nito.

Ngumiti ako. " Hayaan nyo na po. Last day naman po namin ngayong araw. " sagot ko sakanya bago sumakay sa kotse ni Favio.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay agad akong tumingin sakanya. "Sige na. Salamat sa pag hatid. " nakangiting sabi ko sakanya. Dumukwang ako para mahalikan ito sa labi. Ngumiti ito bago hawakan ang mukha ko at muling ipaglapat ang mga labi namin, ngunit tumagal ito ngayon.

I closed my eyes and felt his tongue touched mine. I felt him bit my lower lip that made me moan. Nang naghiwalay ang mga labi namin  ay agad akong nahiya dahil sa ingay na lumabas sa labi ko kanina.

"Good night! " sabi nito.

"Good night! " sagot ko bago bumaba ng kotse nito  at pumasok sa loob  ng bahay. Nang makarating ako sa loob ay sabay kaming kumain ng hapunan ni mama at ako na mismo ang nag presinta na mag hugas ng pinag kainan namin.

***

Maaga akong gumising kinabuksan dahil ngayon ang foundation day ng school namin. Susunduin ako ng Favio ngayon para sabay kaming pupunta sa campus nila. Nang marinig ko ang busina sa labas ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Sinara ko ang pinto ng  bahay namin. Maagang umalis kanina si mama dahil sa trabaho nito.

Nang makapasok ako sa kotse ni Favio ay agad ako nitong sinunggaban ng halik. Napangiti ako dahil doon. Habang nasa byahe kami ay lumalabas din sa radyo ang kantang Those eyes.

Nang makarating kami sa tapat ng campus ay agad kaming lumabas ng kotse. Hindi naka uniform ang mga estudyante dahil foundation day lang naman. Habang nag lalakad kami ay nakahawak si Favio sa kamay ko. Huminto kami sa isang gazebo kung saan anduon sina Angela. Ilang buwan ko din itong hindi nakita simula nang mag simula ang klase.

Nang makita ako nito ay agad ako nitong sinubong ng yakap. "It's nice to see you again, Ascella. It feels like a year. I missed you!" Pag lalambing nito habang nakayakap sa bewang ko. Nakaupo ito habang nakatayo naman ako dahilan kung bakit nakabaon ang mukha nito sa tiyan ko.

Everything in BetweenWhere stories live. Discover now