Chapter 27

542 18 0
                                    

Tatlong araw ang nakalipas matapos kong malaman ang nangyari kay papa ay hindi na ako mapakali kaya naisipan kong umuwi sa probinsya namin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako nasa bus ngayon habang papunta ako sa probinsya namin.

Bago lahat ito nangyari ay noong gabing sinabi saakin ni Favio ang nangyari kay papa ay nakatanggap ako ng message mula kay Titania, sa una ay hindi ko alam kung kaninong number iyon at kung paano niya nakuha. Sinabi nito na iniimbitahan nya daw ako sa birthday ng anak nilang babae. Naisip ko na magandang paraan din iyon para makausap ko si papa.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din sinasabi kay mama ang kalagayan ni papa. Siguro kapag naging maayos na ang lahat at kapag nakabalik na ako ay masabi ko na ang lahat kay mama.

Binilin ko kay Cassian at kay Ate Nez na samahan si mama kapag pupunta ito sa psychiatrist nito kapag hindi sila busy. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus habang hinahangin ang maikli kong buhok. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang iniisip kong makikita ko ulit ang papa ko.

Nagising ako na papasok dahil sa maingay na boses ng konduktor. Dala-dala ang bag na dala ko ay bumaba ako sa bus. Sumakay ako ng tricycle. Hindi ko inaakalang malaki ang naging pag babago ng probinsya simula nang umalis kami. May mga grocery store at mga mall na. Pero narito pa din ang matataas na puno, kapatagan at mga burol.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito at nilabas ang pangalan ni Titania. Agad ko iyong sinagot.

"Hi, Ascella. Nakababa ka na ba sa bus? Hintayin mo nalang yung kotse na susundo sayo para hindi na hassle sa pag hintay ng tricycle. "napangiti ako dahil sa sinabi nito.

"Hindi na kailangan, Titania. Nakasakay na ako. Sabihin mo nalang kung nasaan ang bahay nyo para masabi ko sa driver." sagot ko. Nang sabihin nito kung nasaan ang bahay nila ay agad kong sinabi iyon sa driver ng tricycle.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay agad akong nag bayad sa driver. Nag door bell ako sa harap ng gate nila na medyo may kataasan. May naka engrave sa pinakatuktok na part ng gate nila na pangalan nina Fabian at Titania.

Nang bumukas ang pinto ay niluwa noon si Titania habang buhat ang lalaki nilang anak. Manang-mana ito kay Fabian. Sinalubong ako ng yakap ni Titania.

"OMG! Mabuti naman at hindi ka napagod kakahintay ng tricycle. " nakangiting sabi nito habang papasok kami ng bahay nila. Hindi kasing laki ng mansion ng Abuela at Abuelo nila ang bahay nina Titania pero masasabi mong magara pa din ito. Malaki ang bakuran nila at maglalakad ka pa para makarating ka sa pinto nila.

Binuksan nito ang pinto at bumungad saakin ang portrait nila ni Fabian. Mukhang mas bata sila dito. May mga ngiti sa mga labi nila habang nakatingin sa camera.

"Noong birthday ko 'yan. Sinurprise kasi ako ni Fabian sa van na may mga regalo sa likod. Mga libro pa ang regalo nya saakin kasi napunit nya yung isang copy ko kaya binili nya na lahat ng libro ng author. " halatang kinikilig pa din ito habang kinukwento iyon.

Bumaba sa hagdan si Fabian habang hawak ang kamay ng babae bilang anak. Hinalikan agad ni Fabian ang noo ng asawa at ang noo ng anak na lalaki ang makalapit ito saamin. Ngumiti ito saakin at ganuon din ang ginawa ko.

"Glad you came, Ascella. " Bati nito.

"Hindi ko din matanggihan si Titania dahil sobrang kulit. " napangiti si Titania dahil sa sinabi ko.

"Gusto ko din maka bonding si Ascella. "

"Ang bonding bang sinasabi mo ay magbasa ng libro? " takang tanong ni Fabian na mukhang kilalang-kilala ang asawa.

Everything in BetweenWhere stories live. Discover now