Chapter 33

612 17 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay tanging trabaho lang ang inatupag ko. Laging nasa bar si Favio at hinahatid kami pauwi. Kung minsan naman ay hindi ito nasa bar pero naghihintay na ito sa labas kapag tapos na ang shift namin. Hindi natatapos ang gabi na hindi nito hahalikan ang tiyan ko.

Ngayong araw ay may check up kami ngayon. Two months na ang tiyan ko at maliit palang ang umbok noon at hindi pa masyadong halata. Alam ni Ate Nez na kasama ko sa pag pacheck up ko si Favio. Napatingin ako sa salamin at tiningnan ang suot ko. Isang simpleng t-shirt lang at jeans ang suot ko.

Wala ngayon si mama dahil may trabaho pa din ito. Nag paalam ako kay Ate Nez na aalis na ako. Nag text ako kay Favio bago ako umalis ng bahay na palabas na ako. Naghihintay ito sa kanto sa labasan ng apartment ni Ate Nez. Nang makita ko ang itim na kotse nito ay agad akong naglakad papunta doon at pumasok sa loob.

Bumungad saakin ang gwapong mukha nito. I smiled at him  before looking outside. Nag simula na itong mag drive papunta sa Hospital. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe papunta doon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Favio kapag nasa loob na kami.

Nang huminto ang sasakyan ay agad kaming lumabas at sabay na pumasok sa loob. Hindi ko alam Peri pakiramdan ko ay sobrang tagal ng elevator habang pataas kami sa floor kung saan ang OB Gyne ko. Nang bumukas ang elevator ay nauna akong lumabas. Napatingin ako sakanya na seryosong nag lalakad at mukhang malalim ang iniisip.

Kumatok kami sa pinto at agad itong bumukas at bumungad saamin ang office ng doktora. Ngumiti ito saamin bago kami papasukin sa loob. Umupo ako sa visitors chair soon at tumabi saakin si Favio.

"Good morning, mommy. " Bati saakin ng doktora. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Nanatiling tahimik si Favio at hindi nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung kinakabahan ito o ano.

"Is he the father? " napatingin ako sa doktora nang itanong nya iyon habang nakatingin kay Favio. I cleared my throat before nodding my head. Ngumiti ito saakin bago tumango.

"Mukhang magiging maganda ang lahi ng mga magiging anak nyo. " Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi nya.

Nag simulang mag sabi ang doktora ng mga pwede kong maramdaman ngayong dalawang buwan na akong buntis. Minsan ay tango at ngiti ang mga sagot ko sakanya pero kapag may mga tinatanong ito ay sumasagot naman ako sakanya.

"Can we do another ultrasound? " napatingin kami parehas kay Favio nang mag salita ito. Seryoso ang mukha nito habang nag hihintay ng sagot ng doctor. Napatingin ako sa doctor at tumango naman ito.

"We can. " sagot nito. Tumayo alo at sinundan ang doctor papunta sa Kama kung saan din kami nag ultrasound ni Ate Nez. Bumalik ang kaba sa dibdib ko habang nakahiga ako doon.

"Pakitaas ng t-shirt, mommy. " Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ng doktora. Ngumiti ito saakin. Nagtama ang mga mata namin ni Favio. Naghalo ang kaba at hiya ngayon na andito na si Favio at manonood ng ultrasound.

"For sure nakita na ng asawa mo ang lahat sa katawan mo, kaya huwag ka na mahiya, mommy. " mas namula ang mukha ko dahil sa sinabi ng doktora. Tinaas ko ang shirt looks at agad napatingin sa kisame. Nilagyan ulit ng doktora ang tiyan ko ng malamig na parang jelly. Tumingin ako sa monitor kung saan makikita ang baby namin. Naninibago pa din  ako kapag sinasabi kong baby namin.

Nag simulang magpakita ang medyo blurry na image sa monitor. Tinuro ng doktora kung nasaan ang baby namin. Ang liit nya. Napatingin ako kay Favio na nanatili ang tingin sa monitor. Ngumiti ito at agad tumingin saakin at agad tumayo at hinalikan ang noo ko.

"Thank you! " he whipped on my ears. Matapos ang ultrasound ay bumalik ko sa visitors chair doon.

"Ano ang nararamdaman mo?" tanong ng doktora.

Everything in BetweenWhere stories live. Discover now