Chapter 23

499 15 0
                                    

6 years later...

"Larisza, may customer sa table nine, kunin mo daw ang order " agad kong kinuha ang tray at ang ballpen at papel ko habang papunta ako sa table para kunin ang order nila. Ngumiti ako sa apat na lalaki na nasa mesa.

Agad kong sinulat ang order nila at agad bumalik kay Marco para ibigay ang order ng apat na lalaki kanina. Nilagay nya ang bote ng scotch at apat na baso sa ibabaw ng tray bago iaabot saakin. Nag lakad ako papunta sa apat na lalaki na nag order at agad binigay ang order nila. Simula nang mag trabaho ako dito ay Larisza na ang tawag saakin ng ibang emplyedo, pwera nalang kay Ate Nez.

Aalis na sana ako nang hawakan ng isang lalaki ang kamay ko. Ngumiti ito ng nakaka akit saakin pero halos ngumiwi na ako dahil may katandaan na din ito.

"May kulang pa po ba sa order nyo? " magalang na tanong ko sakanya.

Ngumiti ito saakin. "Dito ka muna. Bibigyan kita na tip. " ngumiti ako sakanya bago umiling.

"Waitress lang po ako dito. Mag tatawag po ako ng pwede nyong i-table, lolo. " nanlaki ang mga mata nito at mukhang nagulat dahil sa tinawag kong sakanya. Narinig ko ang pag halakhak  ng tatlong lalaki na kasama nito. Umalis na ako sa table nila at naglakad pabalik sa bar counter.

"Bastos ulit? " napatingin ako kay Marco nang itanong nya iyon. Inabutan ako nito ng tubig at agad kong ininom.

"Oo, pero madali ko namag nalagpasan. " sagot ko sakanya. Sa anim na taon na pag t-trabaho ko dito sa The Haven ay hindi mawawalang hindi ka mabastos. Sa mga unang buwan ko dito ay umiiyak pa ako sa banyo dahil sa paghipo ng isang lasing na hita ko pero sabi ni Ate Nez ay kung mahina daw ako sa trabahong ito ay lagi daw akong babastusin ng mga iyon. Kaya simula noon  ay kung hindi ko tinayarayan ang mga nang babastos ay binabara ko sila katulad ng lalaki kanina na tinawag kong lolo.

"Ascella! Tawag ka ni sir Philip sa office nya  " agad akong tumango kay Ate Nez at agad nag lakad pataas ng hagdan papunta sa opisina ni Sir Philip. Hindi na ako kumatok dahil hindi nya naman iyon maririnig dahil sa lakas ng music sa baba. Naabutan ko syang may kahalikan na babae. Hindi na bago saakin ang ganitong eksena nito tuwing pupunta ako sa office nito.

"Pinatawag mo daw ako. " sabi ko sakanya bago umupo sa visitor chair nito. Napatingin ako sa babaeng kahalikan nito. Maputi ang balat nito at mapula ang labi pero may lumampas na dahil sa pag halik ni Sir Philip.

"Bago nanaman ito" sagot ko sakanya. Kumunot ang noo ng babae at agad umalis dahil sa sinabi ko. Narinklig ko ang pag ungol ni Philip dahil sa ginawa ko.

"Inalisan mo nanaman ako ng karapatan para magkaroon ng katabi ko sa pagtulog. " reklamo nito. Umiling-iling ako sakanya.

"Bakit mo ako pinatawag? " takang tanong ko sakanya. Sinandal nito ang baba sa kamay nito bago tumingin saakin. Sa ilang taon na pag ta-trabaho ko dito ay naging kaibigan ko din si Philip. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito naging kaibigan bukod sa lagi nya akong nililigtas kapag may nag babastos saakin  ay wala na akong makitang kaaya-aya sakanya.

Nag pinapatawag ako nito sa opisina nito at lagi ko itong nakikitang may kahalikan na babae. Kulang nalang nga mag sex sila sa harap ko.

Tumayo si Philip at lumapit saakin. Umangat ang tingin ko sakanya, nang makita ko itong ngumisi ay mas lalo akong nainis. I crossed my arms against my chest.

"Huwag ka nang mag selos." I rolled my eyes at him. Halos maluwa ko ang kinain ko kanina dahil sa sinabi nito. Sa tagal naming mag kasama ay ni katiting na feelings ay wala akong naramdaman sakanya. Gwapo naman kasi si Philip, maayos at natural ang pag papakulot ng buhok nito at maninipis ang mga labi.

Everything in BetweenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin