Chapter 12

425 12 0
                                    

Galing ako sa palengke para bumili ng hapunan nang mapadaan ako sa eskwelahan nina Favio. May mga nag lalabasan nang ibang estudyante para sa uwian nila ngayong hapon. Napahinto ako at nilibot ang paningin sa paligid.

Ilang araw na din simula nang nangyari sa ilog. Lagi naman kaming nagkikita pagkatapos ng pasok nito sa hapon, pero hindi na muli nasundan ang halik na iyon. Nang makita ko si Favio kasama sina Garrett at Angela kasama ang ibang kaibigan nito. Mukhang nakabalik na din galing bakasyon si Fare.

Nasa isang balikat ni Favio nakalagay ang isang strap ng backpack nito habang nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Nasa kabilang kalsada ako kaya hindi nya pa ako napapansin. Nang magtama ang mga mata namin ay humigpit ang hawak ko sa plastic na dala ko.

Agad itong kumaway saakin dahilan kung bakit napatingin saakin  sina Angela na kumaway din saamin. Napaawang ang labi ko nang makita kong tumawid sa kalsada si Favio papunta saakin. Nang makarating na ito sa harap ko ay agad itong ngumiti.

Hahalikan sana nito ang noo ko pero agad akong umatras. Ramdam ko ang mga mata saamin hindi lang ng kaibigan ni Favio maging ang ibang estudyante. He smiled at me before shaking his head.

"Don't mind them! " he whispered before kissing my cheeks. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa nya. Hinawakan nya nag kamay ko at sabay kaming tumawid papunta sa pwesto ng mga kaibigan nya.

"Ascella! Galing kang plaza? " takang tanong ni Angela habang nakatingin sa dala kong plastic bag. Ngumiti ako sakanya bago tumango. Ngumiti din saamin  si Garrett.

"Namalengke si misis. " namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ni Favio sa harap ng mga kaibigan nito. Nakahawak ito sa bewang ko.

"Gusto mo ba ng fishball? " takang tanong nito. Kumunot ang noo ko sakanya.

"Kumakain ka nuon? "

He smiled. "Tao din ako, Ascella. " sagot nito bago hilahin ako papunta sa cart na may tinda ng mga street food. Sya na mismo ang tumusok ng fish ball at binigay iyon saakin.

"Mainit pa. " paalala nito. Hinipan ko iyon bago kainin. Kumuha din ito ng stick at tumusok ng kikiam. Ngumiti ito saakin habang kumakain kami. Habang dumadaan ang mga araw ay marami akong bagong nalalaman tungkol kay Favio.

Nang matapos kaming kumain ay sunakay kami ng tricycle pauwi sa bahay namin. Nauna akong ihatid ng driver dahil mauunang madadaanan ang bahay namin kaysa sa bahay nila.

"Ako na ang magbabayad. " sabi nito. Habang nasa byahe kami ay hawak lang nito ang kamay ko. Minsan ay nasasanay na din ako sa mga ginagawa nito.

Nang huminto na ang tricycle sa tapat ng bahay namin ay agad akong nag paalam. Kumaway ako sakanya bago pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si mama na napaupo sa sala namin. Nagmano akk sakanya.

"Si Favio ba iyon? " takang tanong nito saakin.

"Opo " sa tingin ko ay may alam na si mama tungkol sa kung ano ang pagbababgo saamin ni Favio pero hindi pa namin iyon napag uusapan.

"Basta ang mga limitasyon. Ascella. Huwag na huwag mong kalilimutan. " ngumiti ako sakanya bago tumango at dumiretso sa kusina para magluto. Pagkatapos naming kumain ay agad kong humiga sa kama ko at agad nakatulog.

Kinaumgahan ay hindi ko na naabutan si mama, baka maaga itong pumunta sa bukid. Nagluto ako ng almusal ko na itlog na pinalaman ko sa pandesal. Naligo na din ako. Sabado ngayon kaya walang pasok si Favio. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ngayon o saan kami pupunta. Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang dress na pasalubong pa saakin ni Angela. Napatingin ako sa salamin at hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil sakto lang sa katawan ko ang dress. 

Everything in BetweenWhere stories live. Discover now