Chapter 18

426 14 0
                                    

Sabado ngayon kaya ako ang namalengke, naiwan si mama sa bahay dahil binigyan ito ng day off dahil lagi itong pumapasok sa trabaho nito sa bukid. Hawak ko ang binili kong isda na uulamin namin mamaya nang marinig ko ang malalakas na pag kabasag ng mga gamit sa loob ng bahay namin. Biglang bumilis ng tibok ang puso ko at agad tumakbo papasok ng bahay namin. Pag karating ko sa loob ay agad kong nakita si papa. 

May mga luhang tumutulo sa mga mata ni mama. Nagkalat ang mga basag na baso at plato sa paligid. Agad hinila patayo ni papa si mama gamit ang buhok nito. Napasigaw si mama dahil doon. Hindi ko maiwasang hindi maiyak nang makita ko ang mga bagong pasa ni mama sa legs nito. 

"Tama na, Berto!" umiiyak na sabi ni mama. "Parang awa mo na! Darating na si Ascella. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo at gusto mo pa talaga ipakita sa anak mo." pagmamakaawa ni mama. Nasundan ng hikbi ni mama ang malakas na suntok ni papa sa tiyan nito dahilan kung bakit napaubo si mama. 

Pupuntahan ko sana ito para tulungan.Hindi ako makalakad dahil sa sumunod na sinabi ni papa kay mama, parang naging yelo ang mga paa ko at hindi makagalaw dahil doon. 

"Anak? Hindi ko sya anak! Anak mo sya sa una mong kasinatahan! Malandi ka!" sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko nang lumabas iyon sa bibig ni papa. Dahan-dahan akong umatras at agad na tumakbo palabas ng bahay namin. Hindi ko alam kung saan ako ngayon pupunta basta ang malinaw saakin ay gusto kong mapag isa.

My heart break into a million pieces because of my father's confession. Hindi niya ako anak, kaya ganuon nalang ba ang turing niya saakin? 

Napatingin ako sa paligid at nag babakasakaling mag papakita s Favio at tutulungan ako kagaya nang unang beses ako nitong makitang umiyak pero hindi. Nag lakad ako papuntang bukid at umupo sa ilalim ng puno ng mangga. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad tinawagan ang numero ni Favio pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. 

Bumuhos ulit ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa dumaan na babae habang may dala itong basket at mukhang galing sa palengke. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. 

"Titania!" gulat kong bulalas sa pangalan niya. Agad itong lumapit saakin at umupo sa tabi ko.

"Anong nangyari sayo?" gulat na tanong nito habang mariing nakatingin saakin. 

"S-si papa sinasaktan nya si mama, gusto ko syang tulungan pero ang sabi ni mama ay umalis na ako." hindi ko alam kung bakit kasinungalingan ang huling mga salita na sinabi ko sakanya. Siguro dahil hindi ko matanggap ang mga narinig ko kanina. Mabuti nalang dahil hindi ako nakita kanina ni mama nang dumating ako dahil alam kong mag-guilty lang ulit ito dahil nag sinungaling sya saakin.

Napatingin ako sa humintong itim na kotse at agad niluwa noon si Favio. Agad lumapit saakin si Favio at hinila ako para mayakap. Binaon ko ang mukha ko sa leeg nito habang nag sisimula nanamang mamuo ang luha sa mga mata ko. Pinasok ako ni Favio sa kotse nito at mukhang nag pasalamt din ito kay Titania. Mukhang nagtataka na si Titania kung anong meron saaming dalawa ni Favio. 

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Napatingin ako kay Favio nang hawakan nito ang kamay ko na nakalagay sa kandungan ko. Marahan niya iyong pinisil bago tipid na ngumiti saakin. Hindi ko namalayan na huminto na pala ang kotse, napatingin ako kay Favio at agad itong lumabas ng kotse at ganuon din ang ginawa ko. 

Nilipad ng hanging ang mahaba kong buhok, nalutang siguro ako sa byahe at hindi ko namalayan na papunta na pala kami sa kabilang bayan. Napatingin ako sa malawak na lupain na punong-puno ng puting dandelions. Tumabi ako kay Favio sa hood ng kotse nito. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa putulin ko ito. 

"Nasaan ka ng mga nakaraang linggo?" takang tanong ko sakanya. Tumingin ito saakin. "I'm sorry, I didn't tell you na pumunta kami sa Manila with my cousins." sagot nito. Tipid akong ngumiti sakanya bago muling ibalik ang tingin sa mga bulaklak. Pwede naman i-text nya saakin kung nasaan sya? 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon