Chapter 21

501 16 2
                                    

Sabado na at ito ang araw ng speech ni Don Miguel. Napatingin ako sa salamin para tingnan kung maayos na ba ang itsura ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad kaming nag paalam kay mama na aalis na kami ni Karen. Sumakay kami sa tricycle papunta doon. Nang makarating akmi ay madami na ang tao sa basketball court at puno na din ang ibang pwesto sa bleachers sa gilid. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid pero hindi ko makita si Favio. 

Nang dumating ang mga kandidato ay agad nag ingay ang mga tao para supurtahan ang gusto nila bilang gobernador ng bayan namin. Nasa tabi ni Don Miguel ang asawa nito na si Donya Asuncion. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad bumaba ang tingin nito saakin na mukhang sinusuri ang damit ko. Tanging simpleng short at t-shirt ang suot ko. 

Nang mag simula ang speech ni Don Miguel ay agad kong nakita si Favio na katabi si Marina. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa harap. Hinihintay ko na tumingin ito sa pwesto ko pero hind iyon nangyari, napaawang ang labi ko nang makita kong tumabi sakanya si Fare. Nakaramdam ako ng selos nang may ibulong si Fare sa tenga ni Favio at hawakan ni Favio ang bewang nito. Lagi nya din iyon ginagawa saakin. 

Nasa kalagitnaan na ang speech si Don Miguel nang bigla kaming nakarinig ng putok ng baril. Sa tingin ko instinct na ang nag utos saamin na umupo sa sahig para hindi matamaan ng bala. Agad akong napatingin sa stage nang makita ko si Don Miguel na binubuhat na ng mga guards nito habang dumudugo ang parteng tagiliran nito na doon tinamaan ng bala. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar pero hindi ko na nakita si Favio. Bigla akong kinabahan dahil doon. 

Hinila ako ni Karen paalis doon. Sumakay kami sa tricycle dahil nag kakagulo na ang mga tao dahil sa nangyari na iyon. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama. 

"Narinig ko ang putok na iyon. Sa basketball court ba iyon?' takang tanong nito habang sinusuri ang katawan ko. 

"Opo." sagot ko sakanya. "Tinamaan po ng bala si Don Miguel sa tagiliran." sagot ko. Napahawak ito sa bibig nya. Nag paalam ako na matutulog na. Nang makarating ako sa loob ng kwrto ay agad kong tinawagan si Favio pero hind iyon sumagot. 

Naging maugong ang nangyari noong sabado at hanggang ngayon ay hinahanp pa din ang suspect na gumawa noon. Nasa palengke ako ngayon at bumibili ng lulutuin ko nang marinig ko ang usapan ng dalawang tindera ng gulay.

"Balita ko ay matagal na daw nakakatanggap ng mga death threat ang pamilya na iyan simula nang malaman na tatakbo si Don Miguel." 

"Oo, at ito pa ang malala, nahanap na daw kung sino ang bumari." bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito. Nang makarating ako ng bahay ay agad kong tiningnan ang cellphone ko nagbabakasaling may text si Favio pero wala. 

Ako:

Sana okay lang kayo at ang lolo mo. 

Matapos ko iyon sinend ay nagluto na ako ng hapunan namin. Tapos na akong mag luto nang may kumatok sa pinto namin at bumungad saakin ang dalawang lalaki. 

"Sino po kayo?" takang tanong ko. 

"Pinapasama ka ni Donya Asuncion sa mansion nila." napaawang ang labi ko dahil doon. Hindi ko inaasahan na papapuntahin ako ni Donya Asuncion sa mansion nila. Sumama ako sa dalawang guard, habangnasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Napatingin ako sa malaking gate ng mansyon nila. 

"Timendi causa est nescire" basa ko sa naka engrave sa gate nila. Nang huminto ang kotse ay agad bumukas ang pinto at napaikot ang tingin ko sa buong paligid. Ito ang pinaka unang makakapasok ako sa mansiyon nila. Napangiti ako nang makita ang buong lugar. Sa tingin ko ay may kaunting salo-salo dahil sa mga kotse na nakaparada sa gilid. Sumunod ako sa guard na papasok sa loob ng bahay at pumasok sa isang kwarto. 

Everything in BetweenWhere stories live. Discover now