XVIII

16 1 0
                                    

Kapag ginagawa nila ito sa school ay pakiramdam ko ay naalala ko ang ginagawang palusot ng mga kandidato. Palusot dito, palusot dyan. Mga smooth talker para makakuha ng pogi points. Pero ang tanong: ginagawa ba nila?

May mga nagagawa naman pero madalas ay palihim lang. Pero 'yung highlights nila, mukhang malabong matupad. Something like pabahay sa mga mahihirap o kaya matapos ang krimen and so on.

Pero kahit ayaw ko man, wala akong magagawa. Ang school ay isang lugar kung saan ine-encourage ang socializing. Kung may socializing, ibig sabihin may politics. From your typical groupings to the wide-scale global level. And I guess nandito na ang dahilan kung bakit ko naisip ang mga iyon.

"Good afternoon, Fitzgerald," bati sa'min ni Sir Albores. Bumati naman kaming mga estudyante. Nilagay ni Sir Albores ang kaniyang gamit sa lamesa.

"So gaya ng nakikita niyo ngayon, wala ang USCP teacher niyo dahil may magaganap na class elections."

At nag-celebrate ang ibang mga kaklase namin dahil walang magaganap na lecture. May nagpalakpakan habang ang iba ay nakahinga ng maluwag. Nagsisimula na ring magdaldalan ang iba. Bago pa ito lumakas ay sumitsit na ang guro namin. Tumahimik naman ang buong klase.

"Ang mga advisers ay sinasabi ang similar sa mga sinasabi ko ngayon," he continued, "Gaya ng inaasahan ay magbobotohan kayo kung sino-sino ang mga nararapat na tao para sa mga posisyon. Ngunit hindi lang iyon, kailangan may dahilan kayo para i-nominate ang taong iyon."

"Ha?!"

"Ano?!"

"Sir naman! Walang ganyanan!"

"Hephep!" he exclaimed, subsiding their chattering. "Kailangan maging convincing ang magiging palusot ninyo dahil kung hindi ay hindi ko tatanggapin ang ino-nominate niyo."

Hm... sounds convincing. My left brow arched. At least, hindi basta-basta ang mga ino-nominate sa mga posisyon. Karamihan kasi sa mga nilalagay sa positions ay puro mga payaso lang. 'Yung iba naman napipilitan o para abusuhin ang authority.

Nagsiingayan muli ang mga kaklase ko. Nahati na sa tatlo ang buong klase. Ang mga taong walang pakialam at ang mga taong puro reklamo. Ako? Kasama ako sa neutral.

"Hindi na masama kung tutuusin," Reiza muttered.

"Yeps," I agreed, "Ano pa bang aasahan sa mga taga-HUMSS."

Habang sila ay problema ang magaganap na class election, ako ay may isang trivial na problema. Ang mas malala, nasa mismong harapan ko pa. Halos naalala ko lahat ng nangyari n'ung araw na iyon. Simula paglabas niya ng kwarto ang hanggang sa pag-uwi.

Mukhang kahit siya ay hindi rin makatingin sa'kin ng maayos. O ako lang itong nagiging self-conscious. Ito na yata ang mga panahon na tatanungin niya ko. 

I sighed. Of course, pareho ang pag-e-elect nila ng officers. Ako lang itong nag-a-assume. Gan'on ba ang tama ng nangyari sa'kin? 

"Dapat inaasahan niyo na ito sa HUMSS dahil lahat kayo ay kailangang magkaroon ng kapal ng mukha para makipagsabayan sa madla," Sir Albores explained. "Lalo na kapag debate dahil hindi pwedeng basta salita lang kayo pero walang pruweba."

"Dahil isang buwan na kayong magkakasama ay dapat alam niyo na ang mga ugali ng bawat isa." Hindi lang yata ako ang naramdaman ang pagiging seryoso ni Sir. Nang tumikhim ito ay nagsitahimik ang klase. "Dapat alam niyo na rin kung sino ang karapat-dapat sa mga posisyon. Kung sino man ang mag-aaral ng Major in Political Science sa inyo at may balak na maging politiko, dapat alam na ang ibig kong sabihin. At the same time, ganito rin ang sana ang tandaan niyo dahil magiging botante na kayo sa susunod na eleksyon. Naintindihan?" 

When The Night Sky Becomes LivelyWhere stories live. Discover now