XXII

1 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. And before I knew it, dumating na ang araw para sa celebration ng Buwan ng Wika.

Pakarating ko sa school campus ay 'tila nagbago ang aura ng eskwelahan. Bukod sa mga naglilipanang mga decoration kahit saan man ako tumingin, nagsisilabasan din ang mga makukulay na filipiana at baro't saya ng mga babae. Ganoon na rin ang mga lalaking naisipang magsuot katipunero.

Nagmumukhang ginoo naman ang ibang mga lalaking naisipang mag-barong tagalog.

At gaya ng inaasahan, iyon na ang mitsa upang sabihin na talagang nagsimula na ang event.

At ito ako, naiisipang hindi makisabay sa pagsuot ng barong tagalog. Ang huli kong suot n'un ay junior high pa. Not to mention oversized pa ang pinasuot na barong sa'kin.

I shook my head and sighed. Dati na 'yun, huwag na nating balikan. Kahit magsisigaw pa ko sa kahihiyan, wala ng mangyayari.

Unti-unti ang pagsikat ng araw kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Ngunit nagtataka rin ako at kung ano ang pumasok sa mga kokote nila't nagsuot kaagad sila niyan kahit malamig. Para sa class points, perhaps.

Gayunman, nagbabadya nga lang ang mala-abong mga ulap. Itinaas ko ang aking kamay. As expected, wala pa akong nararamdamang patak ng ulan.

"Uy! Legaspi! Ano na?!"

I lowered my head, seeing a girl wearing her baro't saya. Mayroon din siyang parang panyo na nakatali sa ulo. Mapapagkamalaman mo talaga siyang taga-probinsya. Ang babaeng nasa harapan ko ay walang iba kundi si Alyzha Alfonso.

"Pati ba naman ikaw?" Those were the words that first came into my mouth.

"Anong pati ba naman ikaw? Syempre, buwan ng wika ngayon. Ano pa bang aasahan mo?"

I started to walk with her beside me. She's quite jolly sometimes. Talagang sinusulit ang pagkakataon. "Ilang litrong malamig na tubig ininom mo today? Sana hindi ka mapaos mamaya ah."no no

"Sus, wala nga akong ininom na malamig na tubig kanina eh. Puro tubig sa galon ang ininom ko." She cleared her throat and did a short vocalization.

Yeps, kasali siya sa singing contest. Bukod sa mga literary arts ay isinama na rin ang iba pang contests kagaya ng pag-awit at pagsayaw.

"Kung mananalo ka mamaya, ililibre kita ng isang galong chocolate ice cream."

"Sabi mo yan!" she exclaimed. Pero bigla niya akong pinalo ng may napagtanto siya. "Ay hindi! Kupal ka, gusto mo kong mawalan ng boses"

"Pwede naman," I smirked mischievously.

I looked at my left when someone called her name, she waved me goodbye and went to them. Pinagpatuloy ko na rin ang paglalakad ko papunta sa room.

Pakarating ko ay nagkabihis na rin ang mga kaklase ko. Nangibabaw naman ang iba't ibang kulay ng mga Filipiniana ng girls. Karamihan naman ng boys ay nagmukhang mga Katipunero. May iba naman na kagaya ko na hindi na rin nagsuot ng mga damit na tinatawag na mga "pambansang kasuotan".

"Good morning! Or should I say, Magandang umaga, ginoo."

Alcantara, wearing her red floral baro't saya, greeted me with her usual energy. She's also wearing bakya, giving an impression of a province girl. I nodded in response, strolling to my seat.

"Yeah, morning. Musta ang pagsusuot ng baro't saya at bakya? Sana hindi ka nanibago kasi kimono or maid dress ang madalas mong suotin.. "

"I haven't wore a maid dress before!" she exclaimed, putting her hands on her waist. "Not even in a cultural festival!"

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Nov 15, 2022 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

When The Night Sky Becomes LivelyKde žijí příběhy. Začni objevovat