III

42 7 88
                                    

Nang makapasok kami ay tumama ang inaasahan ko. Napakaraming tao lalo't malapit na ang dinner rush. Idagdag pa ang labasan naming mga estudyante. May mga nakikita rin akong schoolmates naming dito rin nagpapalipas ng ulan.

Mahaba rin ang pila kaya siguradong matatagalan kami bago makakain. Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang kabahan. Pag-uusapan? Pakiramdam ko ay magde-date kami. Alam kong nagiging assuming na ko at-

Wait. That's not right. Hindi ako basta-bastang magbase sa assumptions. Baka epekto lang 'to ng aircon.

"Okay. So prolly I should be the one who-"

"Go find some seats, ako na ang pipila," she said sternly, cutting my words. Kinuha ko naman ang pitaka ko ngunit hindi pa rin nagbago ang tingin niya. Ibinulsa ko muli ang pitaka ko.

"At libre ko na 'to," she added, "Sabihin mo na lang ang order mo."

"Ah...okay? A chicken fillet, coke float and regular fries, thanks." Ipinaubaya ko na lang sa kaniya ang pagpila at naghanap ng mauupuan. Sana lang ay hindi gan'on kamahal ang total fries ng pagkain ko.

Kahit madami ang tao ay nakahanap pa rin ako ng spot sa ground floor. Katabi nito ang bintana kaya kitang-kita ang pag-uunahan ng mga patak ng ulan at ang nangyayari sa labas.

Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan. Salamat sa pagsilip ko sa weather forecast kanina kaya hindi ko dinala ang bike ko.

Nanatili lang akong tahimik habang pinapatugtog ang aking playlist. Pakiramdam ko ay matatagalan pa si Delos Reyes bago pumunta rito. Sa dami ba naman ng tao ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ko nga bang hinayaang maging gan'on kalapit si Delos Reyes? Bakit nga ba ulit ako nandito?

Ang alam ko lang ay may importante kaming pag-uusapan. May general idea na ako sa magiging topic namin. Kaso masyado pang maaga para mag-conclude.

Matapos ang mahigit kumulang sampung minuto ay nakarating na si Jasmine na may dalang hindi inaasahan para sa isang stereotypical na babae.

"Wow," I deadpanned. But in reality, my eyes bulged. Jasmine sat opposite from me, ignoring my expression. "Sundae, spaghetti, chicken, medium fries, cheeseburger. Sana hindi ka maadik dyan. Alam mo bang parang droga ang tama sa'yo kapag masobrahan ka?"

"Huh?" She tilted her head. "Bihira lang naman ako kumain ng fastfood kaya sinusulit ko na."

Sa dami ng calories ng order niya ay kailangan niya yatang mag-ehersisyo araw-araw. O sadyang mabilis lang ang metabolism niya kaya hindi siya tumataba. Mas matakaw pa siyang kumain kaysa sakin. I cleared my throat.

"So what are we talking about?" I asked. I took my order. "You would not ask me kung 'di 'to importante."

Nanatiling tahimik si Jasmine, iniisip kung paano sisimulan ang usapan. Kung ganito ang aksyon niya, the situation really bothered her. Napapansin ko rin ang pagdadalawang-isip niya. Actually, I felt the same. Sino ba naman ako para gawing guidance counselor?

Normally, I would grill her for information. But I felt like she was choosing her words. Hesitation, doubt, confusion. Hindi na ako magtataka. Ganiyan din ang nararamdaman ko sa kaniya. At wala pang dalawang linggo ang pagiging friends namin kaya naiintindihan ko. Gayunpaman, walang mangyayaring diskusyon kung papailarin niya ito.

Ba't nga ba ulit ako nandito? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. Not in a literal sense. Kakain lang ba kami dito at mag-uusap sa kung anumang bagay o may mahalaga kaming pag-uusapan? Hindi. Ang dapat na tanong ay...ba't ko siya sinamahan?

"Iba na talaga ang panahon ngayon, 'no," Jasmine muttered. Sumubo naman ito ng kaniyang pagkain. She's somewhat solemn that she usually was.

I halt my intrapersonal brainstorming and spoke, "What...do you mean by that?"

When The Night Sky Becomes LivelyWhere stories live. Discover now