XIX

3 1 0
                                    

Groupings. Isang salita pero sumasalamin ang isang parte ng realidad. Talaga namang kahit ang eskwelahan ay hindi makakatakas sa ganitong mga gawain. May mga gawaing kailangang gawin bilang isang grupo.

And at the same time, maging weapon 'yung ng mga tamad para makapasa. Ang mahirap sa groupings ay hindi 'yung distribution ng works. Ang pahirap lang sa groupings ay ang mga taong tamad.

I've been there once. Lalo na kapag on the spot ang reportings at kailangan pa ng manila paper bilang susulatan sa reportings. May mga pagkakataon pang kailangan pang madami ang manila paper na idikit sa pisara.

And currently, we're doing the same thing again. As much as I hate groupings, wala akong magagawa dahil basehan ito para sa grades. Lalo't senior high na kami kaya kailangan naming seryosohin ng kaunti.

Sigh. Sana lang walang pabuhat. Sana lang talaga. Karamihan dito ay kaya namang makasabay. 'Yung iba lang talaga ay hindi magseseryoso if they haven't felt like it. O sadyang kailangan ng assistance 'yung iba para ma-absorb niya ang topic.

"May mga absent ba ngayon bukod sa mga suspended?" Tanong ng teacher namin sa blank. The other students confirmed that there were none.

"Class, nakikinig ba? Naisipan ko na magkaroon kayo ng reportings by group. Hindi na pwedeng isang miyembro o matatalino lang ang magdadala sa grupo lalo't senior high students na kayo. Kaya para maging patas ay hahatiin ko kayo sa walong grupo.

Wala na kaming nababalita sa pinaggagawa ng mga iyon. Not that I care about them either way. Hanggang ngayon ay hindi pa sila pwedeng pumasok. But I bet na mag-self destruct na ang mga iyon at mag-dropout. Especially that Maricar.

Dumako ang tingin ko sa blangkong mga upuan sa column namin. Dalawa sa third row at sa window seat sa second row. The suspension was still effective 'til now so ang groups 6-8 ay magkakaroon ng apat na members.

"Serves them right, huh," I muttered.

"There are consequences in every action after all. They should be grateful that it's only a suspension," Alcantara retorted. I was a bit surprised that those cold words were said in a usual manner.

"But you could have expelled them, pero bakit mo pa binigyan ng chance?" Reiza joined the conversation.

"I will not be that cruel. Besides, there are problems that cannot be resolved with logic alone."

That's... That's something I would call a "sound argument". It wouldn't hurt if she gave her another chance. She just gave her time to reflect on their actions. A good way to compromise.

But I doubt they would change after that suspension. Sa experience ko bilang Pinoy, malabong magbago ang tao sa ganoon kaikling panahon. Lalo na yung mga taong kagaya nung Maricar na 'yun.

Unfortunately, may mga bagay na kahit subukang baguhin ay hindi agad-agad mababago. Lalo na kung gan'on ka pinalaki at para na itong tradisyon.

"Count from one to eight. Simulan mo, Delos Reyes."

At sinimulan na nga ni Jasmine ang pagbibilang. After I said "eight", sinubukan kong alamin na kaagad ang mga kaibigan ko. Mukhang alam ko na ang magiging mga kagrupo ko.

Kung pagbabasehan ang bilangan, yung dulong kanan sa row ni Alcantara ang magiging kagrupo ko.

Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa kanang dulo ng fourth row.

Robinson Gonzalez. Sa pagkakaalala ko ay kasama siya sa tropang makukulit ng klase. Mga bandang 5'7 ang height, medyo tadtad ng pimples ang mukha at naka-undercut. Kung hindi lang siya nakaupo sa pwesto niya ngayon, baka tahimik siyang tao. Still, I wouldn't expect him that much. He's already displayed that he's not useful. IQ-wise.

When The Night Sky Becomes LivelyWhere stories live. Discover now