Chapter 23

2K 88 4
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivy's Point of View 

Ang aga kong nagising pero pagbaba ko wala ng tao. Buti na lang at hindi na masakit yung ulo ko.

Dumeretso ako sa kusina at may luto ng breakfast-- Pancakes with butter and Syrup tsaka Hot Chocolate.

Nagtext sa akin si Vanessa na nauna na raw siya kasi maaga ang practice nila para sa cheerdance.

Kumain na rin ako at naligo. Nag ayos na rin ako. Casual lang. Bibisitahin ko si Ate. Birthday niya Ngayon eh.

Kinuha ko na yung Motor ko at Andun parin pala yung Helmet na binigay sakin ni Van. Bumili muna ako ng bulaklak sa Flowershop at tsaka pumunta ng East Cemetery.

Pinark ko sa Waiting Shed yung motor. Weird! May motor na ring nakapark. Aga naman ah. Pero parang familiar yung motor eh. Nevermind na nga!

Dumeretso ako sa puntod ni Ate. Ang Weird talaga! May nauna na kaagad ditong pumunta.

May kandila na kasing nakasindi at may bouquet. Sino kayang naglagay nito dito?

Hindi naman pwedeng si Daddy kasi busy daw sila hay!.

Inilagay ko na rin yung bulaklak na dala ko at sinindihan ko na rin yung kandila. Nilagyan ko rin ng Bulaklak sa puntod ni Eve.

"Hi Ate!! Happy Birthday Sa'yo! Alam mo Ate di ko parin nakikilala yung mokong mong boyfriend. Ano bang hitsura niya? Sana hindi siya katulad nung lalaking manong na kilala ko. Super paasa" napangiti na lang ako.

"Gusto ko sana siya eh pero hanep napaka antipatiko nun. Haha. Buti ka pa ate. Enjoy ba sa langit? Hayz. Naglalado ata kayo ni eve dun. Ang saya niyo ata... sige ate babye na muna. May gagawin po ako sa school na report eh. Di ko nagawa kahapon. Sige po"

Pumunta na ako dun sa Waiting Shed pero wala na dun yung motor na isa. Ang creepy naman. Kanino kaya yun? At sino bang naglagay ng bouquet dun? Boyfriend kaya yun ni Ate?

*~*~*~*~*
Dumeretso akong nagdrive sa treehouse doon ko na rin pinark yung motor. Wait-

Yung Motor na 'to, yung nakita ko sa waiting Shed, ba't nandito na sa school? Teka, Ano ba yan, Ang dami namang magkaparehas ng motor di ba?

Hahaha oo nga kung ano anong iniisip ko. Coincidence lang yun. Pero teka ulit, marami bang magkaparehas na motor na may sticker na 'S.I.D.G' sa harap? I don't think so.

Pumunta na lang ako sa PhotoGraphics at busy silang buhatin yung mga exhibit papunta sa stall namin. Nakita ko naman yung mga ka Org ko at binati nila ako. Tumango na lang ako sa kanila.

"Hinahanap ka ni President" sabi ni Myla na ka-member namin.Hala Sino? President ng Org or...

"Sinong President? Si Ivan?"

"Si President Ninoy! Haha Joke lang Si Mr. President ng school natin. Nag announce siya kanina sa stage. Hinahanap ka"

Uh oh! May nagawa ba akong kasalanan? Ba't may special mention pa? Lord alam kong marami akong maling nagawa, pero kay Pres, meron po ba?

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now