Chapter 37

1.8K 80 3
                                    

◆Ivy's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivy's Point of View

Bestfriends sila? Edi wow. Bestfriend ka na ng lahat. Pwede ka nang manalo ng Miss Congeniality.

Bigla namang tumawa yung kasama kong babae---na hindi ko nga alam kung anong pangalan niya.

Bakit ba siya tumatawa? Ah baka kasi nakakunot na naman noo ko. Madami akong tanong eh.

'Grooowwl' Ay yun naman pala kasi eh, kaya pala siya tumawa. Yung tiyan ko. Ano ba naman yan. Suspense na sana eh!

"Alam mo, dun kaya muna tayo sa cafeteria. Di ka pa nagl-lunch nuh?"

Tama naman siya. Tahimik ko siyang sinundan hanggang sa caf. Kahit hindi ko siya kilala, medyo magaan naman loob ko sa kanya.

Siya na nga nag order nung foods eh. Nilibre niya pa ako. Kakahiya naman. Kumain lang kami sa cafeteria tapos dinala niya ako sa mini coliseum.

"Dito nag umpisa ang lahat" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nagsimula ang alin?

"First year high school pa lang siya dito pero varsity na siya sa basketball. MVP pa nga eh. Lagi silang nananalo sa mga competition dahil sa kanya. Then Third year, Nagtransfer si Vincent dito. Kaibigan ko na siya nun. Madalas silang nagtatalong dalawa. Ayaw kasi ni Van na nalalamangan siya ng iba eh. Pero nagkakasundo rin sila minsan. Naging magbestftiend pa nga sila dati. Dati yun bago yung nangyari"

Van din pala tawag niya kay Ivan. Syempre naman yun tawag ng mga taong kaclose niya sa kanya. Teka, kaya ba masama na agad yung tingin ni Van kay Kuya nung first day pa lang?

"Na aksidente siya nun at na sprain yung right leg niya at nabalian din yung kabila niyang kamay. Galit na galit siya nun dahil sinolo lang ni Vincent yung pagkapanalo ng Clifford University pero hindi naman kasalanan ni Vince eh. Ipinalo niya yung game para hindi masyadong stressed si Van sa hospital. Para masaya man lang siya. Makitid din kasi utak ni Van eh. Haha. Antipatiko talaga yun. At ayun na nga nagtransfer na lang siya sa Northwell High at dun nag Fourth Year. Taga third section yun at First section kayo ng ate mo. Wala ka pang ka alam alam na siya yung boyfriend ng ate mo. Nakakasama ko sila lagi sa mga hang outs nun at lahat ng alam niya, alam ko rin. Pati yung sa inyo"

"Ahhh...Pero bakit siya tinatawag na playboy? Kanina kasi sa CR...Maraming Vandals about sa kanya"

"Ah. Simula nung mag high school siya, matinik na talaga yan sa chicks eh. Halos lahat na nga ata dito na magaganda eh naging girlfriend niya na kung hindi naman, flings niya or kalandian man lang. Pero Im sure na Apat pa lang ang babaeng sineryoso niya at isa ka na dun" So totoo palang playboy siya?

"Pero nung third year, medyo nagbago na siya nun. Namatayan siya ng dalawang girlfriend. Ayaw na sana niya nun eh kaso nakilala niya yung ate mo. Doon niya itinigil ang pagiging playboy niya. Pero nung...nung namatay si Shayne, Ipinapadate siya ng mom niya sa iba ibang babae. Eh ayaw naman na ni Van mangbabae. Naging Good Boy na siya nun eh."

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now