Chapter 42: I Am Mr. Antipatiko's Official Girlfriend

1.9K 83 5
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivy's Point of View 

"Ako yun...."

Yung nasa parking Lot Ba?

"Ako yung magmamahal sayo araw araw. Ako. Ivy. Ako walang iba. Antipatiko man ako minsan, hindi parin mawawala sa akin na mahal kita Ivy. I really do"

Anong sinasabi niya?

"Ivy hindi ako yung kahalikan ni Mica sa Parking Lot ng mall kanina. Boyfriend niya yun. Hiniram ko lang yung jacket niya at cap para di niyo ko marecognize dahil sinusundan ko kayo nila JC. Mahirap na. Baka maagaw ka pa nila. Nung nasa parking ako nga yung nakita mo pag lingon mo. But Im not the guy kissing Mica. I forgot something on the pocket of the jacket that's why hawak ko na yung jacket na yun....pauwi na ako nun eh. Balak ko ngang isurprise ka dun at ihatid sa inyo, kaso naunahan ako ni Vincent"

"I-Ivan...." yun lang ang lumabas sa bibig ko. Wala akong masabi.

"Kaya sana wag mong itapon yang kwintas na yan okay? I think I would be hurt if you did. Cause throwing that means you are throwing away your feelings for me...So ano? Itatapon mo pa ba or hindi? Would you be mine again? Im waiting for an answer Ivy"

Hindi ako nakasagot. Tumingin na lang ako sa baba. No. Hindi ko kayang itapon. Hindi ako makakapunta sa lugar na to kung hindi dahil sa tunay na nararamdaman ko sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko at kinuha yung kwintas. Isinuot niya ulit sakin yun.

"Silence means yes. So I take that as a Yes"

Then he cupped my face then he kissed me.

*~*~*~*~*~*~*
"OMG Girls!!! Narinig niyo ba? Babalik na daw si Van!!!"

"Whaaaat? OMG for Real? I missed him na"

"Really? Sana magmeet ulit kami"

"I hope na kilala niya pa ako kyaaah OMG I missed him too"

Tsk! Umagang umaga yan ang madadatnan ko sa Campus. Ang iingay tapos crowded pa sila sa Gate ng Clifford. Nahirapan pa tuloy akong makapasok sa school.

Dumeretso muna ako sa Restroom para makapag ayos. Nagulo kasi yung buhok ko. May sumabunot ba naman sa sobrang kilig. As if naman noh!

Three Days na ang nakalipas. Medyo marami na ring nangyari. At tama pala talaga si Mica. Babalik siya dito after three days. Well I guess I have to trust her na from now on. Namissinterpret ko kasi siya. I feel bad naman.

Pati ba naman sa CR, may nagchichismisan parin about kay Ivan, Oh well, hindi ko naman siya masisisi. Yun din sabi sakin ni Mica eh, na halos lahat dito may connection kay Van. Pero at least he changed for the better di ba?

Pumunta na ako sa Room namin. Nasa third floor yun at kitang kita dun yung Gate ng campus. Malayo pa lang kilala ko na kung kaninong kotse ang dumadating. Nag make way yung girls para makadaan yung Kotse at syempre sinundan siya nung mga babae. Hayy. Kanina pa nga nakasara yung kamay ko eh gusto kong manuntok hahaha

Pumunta muna ako sa canteen. Di kasi ako nagbreakfast eh. Nandun pala sila JC at Ryo. Kumaway sila sakin at kinawayan ko rin sila. Nakausap ko pala sila kagabi. Nagsorry dun sa nangyari sa mall. Okay lang naman. At least nalaman kong mahal pa ako ni Ivan. And that's what matters to me.

"Ivaby!! I Heard Babalik na daw dito si Van?"

"Hmm yeah"

"We're letting you go now. I dont want to get hurt...I mean literally"

"Hahaha kasi naman binalaan kami ni Ivan eh. Nanununtok daw siya ng mang aagaw"

"Im happy for you guys."

"Thanks Ryo...Thanks JC" kahit hindi nagsasalita si JC. Si Ryo Lang kausap ko eh.

"Dito ka na muna kumain for the last time. Libre na namin. Dispidida mo kasi" At last nagsalita na rin siya.

"Ha? Di naman ako aalis ah?"

"Aalis ka na kasi sa Puso Ko"

Hahaha kahit kailan talaga ang Corny nilang dalawa. So ayun pinagbigyan ko na lang silang dalawa.

Nafeel kong ang sasama ng tingin ng lahat sa akin dito. Well exposed kasi na ako yung dinidate ni Ivan sa William. Kasi diba nga before daw ako magtransfer dito, Kilala na nila ko? Binilisan ko na lang yung pagkain ko. Baka maissue pa ko dahil kasama ko pa sila JC at Ryo.

"I've gotta Go. Bye Guys. Thanks sa lahat"

"Ingat Ivaby!!! See yah around."

On the way na kong classroom. Mukhang Quiet ah, nasa baba kasi yung mga Girls pala. Di naman na ko nag aalala kay Ivan kasi Antipatiko yun hahaha kaya niya na ang sarili niya.

Tahimik akong naglalakad ng biglang may humawak sa balikat ko dahilan para lumingon ako

"And where do you think you're going?"

"Ahhh....Sa Room?"

"Girls oh this Flirt is Flirting with JC and Ryo but I heard that she's Van's ugly dead Ex's Little Sis and Van's Ex?"

Lumabas naman yung limang babae out of nowhere.

Ugh! Seriously? this girl is ugh! Basta siya yung tipong gusto kong sampalin

"How dare you insult my sister!!"

Magaganda silang lahat. Best faces I've seen so far sa school na 'to. Baka sila yung sinasabi sakin ni mica na beware daw sa magaganda dahil baka daw mapahamak ako.

Tumakbo na lang ako. Alam ko kasing papalibutan nila ako at sasaktan eh physically. Alam ko na yan...

Hindi pa naman ako masyadong familiar sa school na to kaya naliligaw pa ako. Paano na yan? Hinahabol nila ko? Bumaba na lang ako. At super malas ba naman. Nahulog ako sa last four steps ng stairs. Nakaheels pa naman ako. Kahit masakit na yung paa ko at feeling ko may bali na ko sa kamay at legs tumakbo parin ako. Hindi nila ako tinitigilan eh Nakadating ako sa Canteen..sheez wala na sila JC. Nakita ko sila hinahabol parin ako. Sa school grounds ako naka abot. And I reached my limit. Napaluhod na lang ako sa Carpet Grass dun. At pumikit. Ready na akong masampal. Nafefeel ko rin na palapit na sila ng palapit. Sobrang sakit na rin ng katawan ko.

"Hey Girl. Kami ditong anim ang pinakamatagal ni Van sa School na 'to. We call Ourselves, Ivan's Girlfriend. At wag ka nang makisama okay?"

Tss Sinungaling. Si ate kaya pinakamatagal. Pero kasi may gusto pa akong sabihin sa kanila.

"Una sa lahat, hindi ugly si ate at ikalawa, Hindi ko nilalandi si jC at Ryo and most importantly, Hindi ko Ex si Van!"

"Kung Hindi mo Ex si Van? Who do you think you are?"

Sasampalin na niya ako. Ayan na........

"Shit! And who is this trying to stop me from slapping this bitch?"

Huh? May pumigil?

Tumingin ako sa taas at...

"Who? Me? Im Sean Ivan De Guzman, Just Call Me, Mr. Antipatiko"

Sabi niya sabay kindat sakin. Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ako ni Ivan?

Tinulungan na ako ni Ivan na tumayo. Napansin kong super dami na rin ng tao sa paligid namin. Oh. Nasa school grounds pala kami. Live na Live.

"Ehem..." I cleared My throat

"Your question...If I am not his Ex, Who do I think I am? Well...." tumingin sakin si Ivan at tumingin din ako sa kanya. Then tumingin ulit ako sa babaeng yun.

"IM MR. ANTIPATIKO'S OFFICIAL GIRLFRIEND"

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now