Chapter 35

1.8K 71 2
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivy's Point of View 

"Okay ka lang? Baliw ka na ata" sabi yan sa akin ni Chinito Guy.

Eh paano naman kasi, tawa ako ng tawa ngayon. Nakakatawa naman talaga yung hitsura nung babae kanina habang iniwan siya ni Ivan.

Kahit na iyak ako ng iyak, at least that girl made my day. That Priceless face.

Haha. Antipatiko talagang Ivan na yun. Lang hiya. Kaya nga mahal ko yun eh. Hay naku, paano na ako mag momove on ngayon?

"Baliw na kasi yan sa akin. Na paralyze nung killer smile ko"

"Tsss. Inunahan mo lang ako kaya pala pinabili mo ako ng ice cream kanina kasi alam mong papasok YUN sa salon"

Nagtinginan sila ng masama. Teka, magkaaway ba sila? Akala ko ba Best Cousins Ever sila. Parang magkapatid ang turingan sa isat isa pero bakit ang talim nilang makatitig ngayon?

A-ako ba tinutukoy nila? Teka tinawag nila ako na 'YUN'? Ano ako, bagay?

"Ako naman talaga kasi ang naunang nakakita sa kanya noon bago pa niya sinama yung driver niya"

Driver? Si Ivan ba?

"Nakakapikon ka na ah. Ako kayang nagturo sayo"

"Eh bat ikaw hindi?"

"PWEDE BA TAMA NA? PAREHAS KAYONG NAKAKAPIKON"

"Sorry" sabay nilang sabi sa akin. "Una na ako. May pasok na ko bukas sa bago kong school. Marami pa kong gagawin"

Umuwi na ako sa bahay at sinalubong nung dalawa. Si Vince at yung Girlftiend niya. Tss. Ang sweet nila. Nagsusubuan ng cake habang nanonood ng movie. Nakakainggit.

Padabog akong umakyat ng hagdan, sinara yung pinto kaya kumalabog yun ng malakas.

Kumatok si kuya sa pinto. Grabe naman, lumipad ba siya papuntang second floor?

"Shaine anong nangyari? Buksan mo nga 'to"

"Kuya, JUST LEAVE ME ALONE!"

nagbasa na lang ako ng libro at Maya maya, nakatulog na pala ako.

*~*~*~*~*~*
Maaga akong nagising at nagprepare. Sakto pagkatapos kong mag ayos ay may kumatok sa pinto. Si Kuya Pala.

"Okay ka na ba Ivy?" Nginitian ko siya. Wala naman to kuya. Okay lang ako.

"Kain ka muna sa baba ah? Nagluto na ako. Gigisingin sana kita eh. Mukhang di na kailangan. Haha" Ginulo niya yung buhok ko.

"Kuya naman eh! Nag aayos pa lang ako. Hmp!" Tinawanan niya lang ako. Nagsuklay na lang ako habang bumababa ng hagdan. Bagong ayos pa naman buhok ko. Kumain na lang ako ng breakfast. The best talagang magluto si kuya.

"Kuya una na ko ah?"

"Sure. Hintayin mo na kaya ako, hatid na kita"

"Okay lang ako. Kaya ko na sarili ko noh!"

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now