Chapter 39

1.9K 74 3
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivy's Point of View 

"Oh bakit ngayon ka lang? At ba't bigla kang bumaba kanina?" Tanong kaagad sa akin pagkabukas ko nung pintuan. Napatalon ako sa boses nung nagsalita. Si Kuya Vince pala nasa sofa at nanonood ng TV.

"Emergency kasi kuya. No biggy. Akyat na ko ah?"

Pagkatapos kong makapag shower at mag freshen up, dumeretso na ako sa baba. Nagugutom na ako eh. Pagabi naman na kasi. Tamang tama at kumakain si kuya ng sandwich..huhu di man lang ako inalok na kumain. Hmp!

Naalala ko tuloy yung eksena kanina. Nakakahiya. Talagang antipatiko yung Van na yun. Icompare ba naman ang sandwich sa ano..ano alam niyo na kung ano. Hahaha bumili daw ako ng sandwich?! Nakakatawa.

"Kuya pahingi nga niyan! Nagugutom lang ako"

"Anong pahingi? Pasalubong mo 'to sa akin tapos hihingi ka? Huwag ganun nuh! Kung gusto mo gawa ka na lang ulit diyan sa kusina"

A-anong Pasalubong ang pinagsasasabi niya?

"Eh hindi naman ako bumili ng---Wait!!! Saan mo yan nakuha kuya?"

"Sa isang paperbag na hawak mo kanina galing convenience store. Diba dalawang paperbag hawak mo? Diba pasalubong mo 'to sa akin?" Sabi niya sabay nagpa cute. Tiningnan ko yung paperbag. May isa pang sandwich. Kukunin ko na to. Galing naman 'to kay Ivan. Mabait naman yun ngayong araw eh...Kahit ngayon lang.

Di kaya...Di kaya binili yun ni Ivan? At sekretong inilagay sa mga binili ko? Bakit parang...Ah wala! Bakit niya naman yun gagawin diba? Hay! Napagkamalan ko pang yung sinasabi niyang sandwich ay yung ano...Hayy

"Kuya labas muna ako ah? Magpapahangin lang"

Naglakad lakad ako sa village. Safe naman dito eh. Maraming security guard na nag iikot at hindi sila nagpapapasok ng kung sino sino lang diyan na wala namang bahay dito. Katulad niyang dalawang naglalakad na kasalubong ko ngayon oh. Yung magpinsan lang naman.

Teka...Yung magpinsan? Si JC at si Ryo? Kasalubong ko? May bahay sila dito?

"Bakit kayo nandito? Lagot kayo! Baka makita kayo nung guard"

Nagsmile lang si JC at si Ryo naman parang pinipilit tumawa. Baka dahil ata sa Reaction ko. Sorry naman.

"Dahan dahan lang Ivaby. Haha dun muna kaya tayo?" Sabi niya at itunuro yung playground na napapalibutan ng Rose Garden. Ang ganda nga dito. Mala fairytale. Natutuwa talaga ako dahil nagkaroon ako ng bahay dito sa Monte Cielo Village.

Sumunod naman ako sa kanila at umupo kaming tatlo sa tig isa isang Swing.

"Bihira ka namin makita na lumabas kaya hindi mo kami nakikita. Tsaka first time mo ata na maglakad lakad dito sa Village" Sabi ni JC

"Hmm...Oo nga eh" I nodded

"Tsaka isa pa, Daddy ni JC yung may ari ng Lupa ng Village na 'to. May bahay kaya kami at medyo malapit sa bahay niyo"

"Alam ba ni Kuya Vince na dito kayo nakatira?"

Wala silng reaksiyon sa tanong ko. Siguro magkaaway talaga sila. Hay. Hindi ko na nga sila kukulitin.

"Mabuti pa umuwi na tayo. Gabi na rin kasi eh. Baka hanapin ako ni Kuya. Sige una na ko ah?"

"Teka lang Ivy!!" Lumingon ako. Si Ryo Pala

"Bakit?"

"Samahan mo kami bukas ah? Dun lang sa bagong bukas na aamusement park. Susunduin ka namin ng 8:30 sharp."

"Teka, Bakit naman ako----"

"Basta sumama ka na lang" sabi ni JC.

Tumango na lang ako. Eh ano pa bang magagawa ko? Ano kayang gagawin namin bukas? At saan naman ang bagong bukas na sinasabi nila? Makauwi na nga.

*~*~*~*~*~*
"Kuya alis na ko ah?"

"Saan? Sama ako ah? Wait for me. May bibilhin din kasi ako"

"Sorry Kuya. Isama mo na lang si Vanessa. Hindi pwede eh. Bye Kuya!"

Lumabas na ako sa bahay. Mag e eight thirty naman na. Kaso bakit wala pa sila JC? Ang lapit kaya ng bahay nila dito.

5 minutes.....

10 minutes....

15 minutes.....

Wow lang ah? Yan ba ang sharp na tinutukoy nila. Ang aga naman grabe. Hindi ba halata na sarcastic na ako?

Balik nga muna ako sa loob ng bahay. Humarap ako sa likod baka sakaling sumulpot na silang dalawa baka kasi pinagtitripan lang ako nila Ryo eh, pero nagulat na lang ako dahil saktong pagharap ko, tumama ako sa isang dibdib...at pamilyar sa akin ang amoy ng kanyang pabango. Bakit siya nandito? Di kaya....

Hindi pa ako nakakagalawa sa posisyon ko mg bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng gate.

Natauhan naman ako bigla kaya bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

"Ivan wait!!"

Ngumisi siya ng nakakaloko. Grabe talaga 'tong lalaki na 'to. Tss. Naalala ko tuloy yung about sa sandwich. Namula tuloy ako ng wala sa oras. Eh kasi naman eh!

"Ivy you need to come with me"

"Nope. Im Not going with you. May hinihintay ako eh kasi ma--"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi sakto dumating si JC.

"Magdedate kami....." lumapit siya sa amin at pumwesto sa harap ko. I mean, nakatalikod siya sa akin at kaharap niya ngayon si Ivan. Humakbang siya ng ilang steps paharap. "Kaya ikaw..." Tinuro niya si Ivan. " Alis ka na bro" hinawakan niya kamay ko at hinila na papasok sa kotse niya.

Kawawa naman tuloy yung mokong na yun. Hahahaha okay na yan na wala siya. Maalala ko na naman yung about sa sandwich. Nakakahiya talaga. Mabuti munang wala muna siya. Hindi niya naman alam kung saan kami pupunta....O alam niya siguro?

FLASHBACK...

Pauwi na ako sa bahay. Umalis na kasi sila JC. Ihahatid daw sana nila ako kaso ayoko ko. Ewan ko kung kaaway talaga yun ni Kuya Vince or joke joke lang. Ewan siguro Oo. Kaaway din kasi ni Kuya si Van eh. Hahahaha. Okay back to normal.

Wait...parang may nakalimutan siguro ako? Bumalik ako sa may playground malapit sa rose garden at dumeretso sa swing na inupuan ko kanina. Andun yung paperbag. Yes! Makakakain na din ako. Hahahaha. Sa bahay na nga lang.

Paalis na ko ng bigla akong may narinig na malakas na tunog. Teka, parang...parang may nahulog ata?

Lumingon ako. May nakajacket na black na may hoodie at nakashades. Di ko makita yung mukha niya.

"Kuya okay ka lang?"

"O-Okay lang ako..."

Hahawakan ko na sana siya ng tinapik niya yung kamay ko. Okay? What was that? Tutulungan na nga lang ayaw pa. Antipatiko. Tsk!! Tumakbo na siya palayo. Pero may naiwan siya. Isang Panyo. At alam kong panyo ko yun. Yung panyo na ipinahiram ko sa kanya nung una kaming magkita. Bakit niya ba ako sinusundan? Narinig niya kaya usapan namin? Teka, iniistalk niya ba ako?

End of Flashback

Ngayon alam ko na. Sinusundan niya nga ako. Mahal niya pa kaya ako?

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now