Chapter 12

2.7K 113 4
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ivy's Point of View 

"Ivy gumising ka na, ano ba?"

"Ivy bilisan mo na diyan malelate na kami oh, di pa kami kumakain"

Sumubsob ako sa kama ko at nagtakip na lang kumot. Hindi ko pinansin ang mga ingay mula sa labas at kung makakatok naman sa pintuan, parang yung mga zombie sa train to Busan.  Ayoko na talaga dito. Sawang sawa na ako sa ganitong set up. Lagi na lang maabutan ko sa bahay ang sandamakmak na labahan, mga maduduming pinggan na dapat hugasan, marami ring kalat sa sahig at higit sa lahat, mga gusot na damit na dapat kong plantsahin.

Imbes na magreview ako ay naglilinis ng restroom at sinabihan pa ako na dapat ni isang sulok sa bahay ay walang makikitang alikabok na kapag nahulugan ng karayom sa sahig, mahahanap kaagad. Dapat daw ganun kalinis. Hindi lang yun, kahit na sobrang pagod na ako kakaayos, hindi pa rin maiiwasan na apihin ako ng magkapatid na pinsan ko.

Bakit naging ganito ang buhay ko? Simula ng mawala si ate, sabi ng daddy ko dito na daw titira ang kapatid niya para may kasama daw ako. Mas pipiliin ko pa nga na maging independent kesa maging katulog sa bahay namin.

At pag sinasaway ko sila na sumosobra na ay magpapakampi naman kay Tita Rebecca. Kaya sa huli, ako parin nasasaktan--physically at emotionally. Lagi na lang ganito. Pagod na ang katawang lupa ko.

Nakatulog na lang ulit ako habang basang basa na yung unan ko kakaiyak.

*~*~*~*~*
Nagising ako sa biglang pag vibrate ng phone sa ilalim nung unan ko.

» 1 Message Received from Daddy

[ Hey Princess. How are you? I really miss you so much. Can't wait to see you. We'll be back next week. Happy Birthday! I wish I could make it up to you. I love you my princess]

Tears raced down my cheeks as I read each line. I really miss my Dad. Nakakamiss ang pagtawag niya saakin ng princess. Tuwang tuwa ako ng malaman ko na makakauwi sila next week. Birthday ko nga pala ngayon?  17 years old na ako ng hindi ko napapansin. Buti na lang may nakaalala. Hindi ko naman maaasahan sina Tita tungkol dun. Hindi nga ata nila alam na birthday ko ngayon. Well, ako nga muntik ko nang makalimutan eh.

Sabado ngayon kaya naligo na ako't nag ayos ng sarili. Hindi naman siguro bawal kung mamamasyal muna ako sandali. Bithday ko naman tsaka at least makakatakas ako kanila tita.

Palakad lakad lang ako sa village namin hangang sa naisipan kong umuwi at kinuha yung bike ko. Nakarating ako sa sunod na village malapit sa school. 'Elite Ville' ang pangalan at may nakita ako na cute na Bahay. Para siyang two storey doll house yung design, may rose garden at May fountain sa gitna. Basta ang cute talaga lalo na at turquoise ang pintura nito na may pink.

Sana ganun yung sarili kong bahay. Gustong gusto ko talaga na may sarili na akong bahay eh. Sayang naman at may sign na 'Reserved'. Hmmm. Naisipan ko tuloy. Birthday ko naman ngayon eh. Pwede naman atang humingi ng favor kay Dad? Or should I say, Birthday Gift?

*~*~*~*~*
[Ok baby whatever you want]

Yes! Confirmed na. Bibili ako ng bahay sa third Village mula sa bahay kong inaangkin na ni tita Rebecca.

Wala na kasing slot dun sa Elite Ville eh. Maganda pa naman sana doon at nandun yung bahay na parang doll house. Pero Okay lamg. At least may bahay na ako. Gusto ko namang mabuhay ng maayos at gusto ko na ring takasan ang pagiging mala maid ko sa hell na yun.

'Monte Cielo Village' Yun yung nakita kong name. Maayos ang lugar at Napakapeaceful. Maganda rin ang design ng mga bahay.

Sabi ng mga boy dun sila na lang daw maghahakot ng gamit para sakin. Okay din. Friendly din ang mga maintenance crew nila.

Naimpake ko naman na lahat ng dadalhin ko. Dinala ko na rin yung motor ko. Natatawa pa nga ako sa naging hitsura ni tita Rebecca at nung magkapatid nang malaman nila na aalis na ako sa bahay na yun. Hindi na madrawing yung mga mukha sa inis at galit. Bahala sila dun kung maging malapig pen yung tinitirhan nila. Aba, kailangan din nilang maging malinis at matutong magluto na walang inaasahang ibang tao, o kaya naman mag hire sila ng bagong maid, basta wag lang ako. Naku talaga! Matuto naman silang mag alaga ng bahay noh! Sila na nga yung pinatitira.

"Ma'am magpasyal muna po kayo. Para mafamiliarized niyo lugar. Aayusin lang po namin lahat ng kailangan niyo"

"Ah Sige"

Nag joyride ako paikot sa Monte Cielo. Aba't Pagkakataon nga naman. Anong ginagawa ni manong dito? Nakasakay siya sa kotse niya at may kasama na babae. Siguro...

Girlfriend niya?

Oo nga naman Ivy, hindi ba pwedeng magkagirlfriend yang si manong? mahitsura naman eh tsaka ang ganda kaya nung babae. Makinis ang balat, ang puti puti. may dimples siya tapos parang may half siya. Basta ang ganda niya.

Nakita ko na hinalikan siya ni manong sa cheeks kaya napaiwas ako ng tingin. Bumaba na yung babae at kumaway si manong sabay flying kiss nung babae at pumasok na sa loob nung bahay malapit sa bahay ko. 

Nagulat na lang ako ng may bumusina sa harap ng bike ko. Muntikan na akong masagasaan. Mabilis na bumaba yung may ari ng kotse at galit yung expression ng mukha niya.

"Sisirain mo ba kotse ko?"

"Papatayin mo ba ako?"

"Eh sino kasing tatanga tanga ang magpark sa gitna ng crossing?"

"Eh manong, bakit ka kasi nandito?"

"I live here in this neighborhood and I live in that house" sabay turo biya dun sa bahay na pinasukan nung babae kanina.

Yung kiniss niya sa cheeks? Oh my gosh! Dont tell me na live-in partners sila. OMO! Kaya pala okay lang sa kanya na mareject ng mga----

"Ikaw dapat ang tanungin ko kung bakit ka nandito" Sabi niya sabay park nung Carrera GT niya sa gilid kaya napa gilid na rin ako dala yung bike ko. Nasa ilalim na kami ng puno sa gilid ng kalsada malapit sa waiting shed.

"I live here too you know"

"Di ba dun ka nakatira sa ikalawang village mula dito?"

"Ha?! Paano mo nalaman? Siguro, Stalker ka ba?"

"Huh? stalker ka diyan. Naflat yung gulong niyang bike mo dati kaya nagpahatid ka dun sa village niyo. Pero I don't know kung saan yung exact location ng house niyo"

"Whatever."

Tumalikod sana ako sa kanya pero may kotse na dumaan.

Grabe ang bilis nung pagdrive nung kotse kasing bilis ng takbo ng puso ko ngayon. Siguro kung mag re race kami nung kotse, puso ko yung nanalo.

Muntikan na akong masagasaan kung hindi lang ako hinila ni manong papunta sa kanya. Nakayakap na siya sa akin kaya merdyo nakakailang at ang awkward ng posisyon naming dalawa.

"So bakit ka lumipat? Namiss mo ko?" I felt his breath. Ang bango niya. Inilapit niya yung mukha niya sakin hanggang sa magdikit ang matatangos naming ilong at nakatitig siya sa mata ko "Perhaps, you wanted to move closer..." Nakapikit na rin ako ngayon "...To me" 

Ano ba 'tong sinasabi niya nakakaloka! Mababaliw talaga ako nito.

Nakatulala lang ako dun at iniwan niya ako at pumasok na sa kotse niya. Ni hindi ko nga namalayan ang pagkilos niya. Hindi rin ako nakapag thank you sa pagsagip niya sakin. Umalis na siya habang ako, nakatulala parin sa nangyari.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now