Chapter 28

1.8K 85 9
                                    

◆Ivan's Point of View 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Ivan's Point of View 

Hindi ko alam pero may part sa utak ko na nagsasabi na may mali dito. Minahal ko si Via, at kahit nalayo kami sa isa't isa,

Alam kong may connection parin ako at may konti akong mararamdaman kapag nagkatagpo kami ulit. Pero ngayon kasi wala akong nafeel eh.

Im doubting kung siya nga talaga itong nasa harapan ko ngayon. Kaya dahan dahan ko siyang itinulak.

Nakita ko si Ivy na namumugto ang mata at nabigla sa kanyang nakita. Alam kong masakit para sa kanya ang nakita niya.

Masisira na kami ni Ivy ngayon lalo na at nalaman niya na ako nga yung gagong pesteng lalaking dahilan ng pagkawala ng ate niya. pero wala pa kong proof na ang babaeng ito ay talagang si Via.

Kinaladkad niya ako papalayo sa school. Di ko alam kung saan. Ang tanga tanga ko.

Naiwan dun si Ivy at kahit malayo na kami sa library building, halata naman na umiiyak si Ivy. Patuloy lang ang paglingon ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked her coldly

"Bakit ka ba ganyan? Hindi ka ba masaya na nagkita na ulit tayo? Matagal kitang hinanap! At nagpapasalamat ako dahil andito ka na kasama ako. Bakit ganyan ka makipagusap? Ang lamig mo!! Ha? Bakeeeet?"

Hindi ko alam pero sa tuwing buksan niya ang bibig niya, Sa tingin ko ay puro ito kasinungalingan.

Tsaka hindi naman ganyan magsalita si Via eh. Ang hina nung maki usap na parang si Maria Clara. Pero ito naman, daig pa ang mga psychopatic eh. Parang baliw!

Tiningnan ko na lang siya at naglakad na ulit. Pero bigla akong napahinto dahil dito. Dito mismo sa lugar na ito nangyari yung aksidente.

"Natagpuan ako dito. Buhay ako Sean! Nabuhay ako. At sa tingin ko ayaw pa akong kunin ng diyos dahil ibinigay niya ako sayo para mahalin ka at pasayahin ka. I Love you Sean!"

Siya lang..Siya lang ang taong tumatawag sakin ng pangalan na iyon.

"I...I Missed you so much. Naranasan ko nang mabaliw kakabalik dito sa lugar na ito umaasa na bang araw babalik ka. Halos mawalan na ako ng pag asa pero ngayon..Andito ka na ulit."

Hinila niya naman ako papasok sa kotse at dinala sa isang bahay. Walang nakaka alam ng bahay na ito maliban sa aming dalawa ni Via. Medyo tago kasi ang lugar at bihirang daanan. Napaka peaceful.

At sa lahat ng pag alanganin ko kanina, Sa lahat ng pag dadalawang isip ko, sa lahat ng inisip ko na nagsasalita siya ng kasinungalingan, Sa lahat ng pagdududa ko, Sa isang iglap lang, Napalitan ng pagtiwala ulit. Patunay na yun na siya nga.

I hugged her tightly and she hugged me even tighter. Then our lips met.

◆Vanessa's Point of View 

I can't believe it! Akala ko patay na siya. We even got some newspapers proving us na wala na soyamg buhay. Isang araw umalis na lang siya ng walang paalam.

Tapos ngayon, Makikita ko siya na kahalikan ni Ivan? Naguguluhan ako sa nangyayari!

Napansin kong humahagulgol na si Ivuly sa tabi ko at tumakbo papaalis.

Sinundan naman siya ni Vincent pero pinaalis siya ni Ivy. Gusto niya raw mapag isa. Wala naman kaming nagawa kung hindi ang hayaan na lang siya.Nasa Park na kami ngayon ni Vincent.

"Vin Bakit hinalikan ni Ate Yvonne si Ivan?"

"May sasabihin ako sayo. Wag mong ipagsasabi kahit kanino." tumango naman ako at nagsimula siyang magsalita.

May kakambal pala si Ate Yvonne which is Via and she's Ivan's Ex who died. So hindi nga namatay si Ate Yvonne. Nagpakalayo layo lang sa ibang bansa.

"May hidden desire yun si Yvonne kay Ivan kaya sinet up niya ang lahat. Siya ang may pakana nung aksidente sa Yate na sinakyan nila. Hindi naman yun dahil sa bigat kaya nag sink eh, kinontrata niya yung mga tao dun at binigyan ng malaking amount ng pera para magkaroon ng aberya sa barko. Nalaman ko yan dahil aksidente ko siyang nakita kahapon sa mall habang may kausap sa telepono at narinig ko lahat ng sinabi niya. . Kababalik niya pa lang dito galing US"

"So siya ang dahilan ng pagkamatay ng kambal niya and came back to pretend?"

"Exactly! Pero hindi ko naman inaakala na sa araw pa na magtatapat si Ivan kay Ivy. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayaw ko silang mapalapit sa isa't isa. Napaka komplikado na ng buhay nila"

"Pero pwedeng buhay pa si Via di ba?"

"No. Narinig ko rin kahapon na sa states inilibing yung bangkay ni Via kaya pumunta si Yvonne dun. Tsaka halata naman na siya si Yvonne eh, may nunal siya sa gilid ng kilay niya"

"I see. Ang sama niya namang kapatid!"

"Kaya siya naging ganyan dahil gumanti siya sa nangyaring fire accident nung bata pa sila. Si Via at Ivy lang kasi ang natagpuan nun. Tapos si Yvonne naman, napulot ng mommy at daddy mo. Kaya nahiwalay silang tatlo"

"Paano niya nalaman ang tungkol kay Ivan?"

"Di ba nakatira sa bahay niyo s i Yvonne?. Magkapit bahay kayo ni Ivan kaya alam ni Yvonne na nag eexist si Ivan at attracted siya sa kanya ng sobra. hindi mo lang alam kasi bumili ng sariling bahay na si Ivan nun kaya umalis agad kaya ayun, hindi mo nakilala. Nagalit siya kasi hindi na niya makikita ulit si Ivan kaya sinundan niya ito hanggang sa bagong bahay niya. Mas ikinagalit niya na kaya pala bumili ng bagong bahay si Ivan dahil kasama niya si Via"

"Grabe pala ang nangyari. Ang liit talaga ng mundo"

"T-totoo ba ang la-lahat ng-ng na-rinig k-ko?"

"Ivy?..."

"Kanina ka pa diyan?"

"Oo!! NARINIG KO LAHAT! WALANGHIYA KA!.SAGUTIN MO KUYA!! TAMA BA LAHAT NG ALAM MO? BAT MO ITINAGO SA AKIN?"

tumango na lang si Vincent as a reply

"I HATE YOU! I HATE YOU ALL! HOW COULD YOU DO THIS TO ME? HOW DARE YOU!"

Tumakbo na lang ulit siya. Ni hindi na nga kami nakapagsalita ulit. Patay. Alam niya na ang lahat.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now