Chapter 13

2.4K 106 1
                                    

Ivan's Point of View 

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko yun. Yung mukha niya kasi. Tss. May naaalala na naman tuloy ako.

Ewan ko ba pero parang gusto ko talaga siyang yakapin, wala lang akong right timing. Pero nung dumaan yung kotse na pagkabilis nung takbo, ayun, nagkaroon ako ng pagkakataon at nayakap ko siya.

Hindi naman sa gusto kong i promote ang galawang hokage movement, pero gusto ko talagang mapalapit sa kanya. Gusto ko siyang yakapin in behalf of Shayne. Gusto kong alagaan ko siya dahil una, guilty ako sa nangyari at pangalawa, magaan talaga ang loob ko pag nakikita ko siya.

Argh! Sinuklay ko yung buhok ko ng daliri ko. Ano bang nangyayari sa akin? Nagdrive na lang ako papunta sa mall. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano na 'tong nararamdaman ko.

Naaalala ko kasi sa kanya yung EX ko. Kaya sa tuwing magkasama kami, parang kasama ko rin siya.

Sobrang sama ko ata na gamitin lang siya. Pero bakit ganun? Gusto ko siyang tulungan. I want to make it up to her dahil ako ang may kasalanan kung bakit namatay yung kapatid niya kahit na wala pa rin akong matibay na ebidensiya na siya nga yung kapatid ni Shayne.

Naglakad lakad na lang ako para maaliw. Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Mostly girls. I was rejected a few times tapos ngayon, tinitingnan ako ng nakakatunaw at malalagkit na tingin.

Ginagalang ko naman ang mga babae pero naiirita naman ako sa iba. Sorry for the term, Bakit ba kasi merong ipinanganak na mga malalandi?

Okay lang kahit narereject ako. Iba naman nagdedesisyon na gawin ko yun eh. Sino pa nga ba?

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad ng hindi pinapansin yung mga nakakasalubong ko.

Bigla akong napatigil sa isang cake shop. Nakita ko si Ivy kasama yung pesteng Vince na yun.

Ano bang meron sa kanila? Sa sobrang inis ko, Pumasok ako sa loob at hinawakan yung braso ni Ivy papunta sa akin.

"Huy Manong, ano bang problema mo dyan?" Ayan, manong na naman.

"Siya yung problema" sabay turo ko kay Espiritu.

"Pare, pwedeng bukas ka na lang manira ng moment? Wag naman sa birthday niya"

"B-birthday mo?" Bakas na mukha ko ang pagkagulat. Totoo ba talaga? Ang tanga ko. Panira daw ng birthday eh.

Tumango naman siya. Napatigil ako. Grabe. Bakit siya lang ang may alam. Ano ba talagang papel niya sa buhay ni Ivy? Nakakairita lang eh. Badtrip naman.

Tinungo ko yung counter at bumili ng cakes. Yung iba ibang flavors na tingin ko gusto ng tastebuds niya.

Hindi ako magpapatalo sa gagawin nito. No. Not again. Ayaw kong matalo na naman niya ako. I just can't take the fact na nakuha niya yung title ko. I won't let it happen again. One is enough, twice is too much.

"Manong grabe ka naman. Bibilhin mo na ba pati 'tong cake shop? Tsaka may girlfriend ka di ba?"

"Wala siyang girlfriend ngayon Shaine" sabay smirk nung gagong yun.

Grabe lang. Sinasadya talaga niya na tawaging Shaine si Ivy kasi alam niyang yun ang kahinaan ko. Crap! Bakit ba ang dami niyang nalalaman na hindi ko man alam kung paano niya yun nalaman?

Nagring yung phone niya. Sumenyas siya kay Ivy na sasagutin muna niya sa labas yung tawag at tumango naman si Ivy. Salamat naman at umalis muna siya.

Naupo muna kami sa sofa sa gilid nung bintana. Kinuha ko muna yung chocolate overload na mini cake at nilagyan ng number candle na 17 tsaka sinindihan yun.

"Sana naman ininformed mo ako na Birthday mo."

Imbes na sumagot siya ay kinuha niya yung DSLR niya at kinuhanan yung Cake.

"Ui Manong Sama ka ah. Say Cheese" hindi pa nga ako nakakakibo, knuhanan niya na ako ng litrato.

"Ang daya mo naman di ako ready dun at tsaka ba't ako yung kinuhanan mo ng picture eh ikaw yung birthday?"

"Heh! Wala ka na dun!"

"Akin na nga yan, ikaw naman. Ihipan mo yung kandila"

*Click * click * click *click at sunod sunod pang tunog ng shutter ang narinig ko. Ang cute niya naman pala, parang bata lang.

"Hala ba't ang dami mong kinuha?"

"Eh sa gusto ko"

"Wait lang ah" sabi niya at tumayo. Kinausap niya yung isang cashier nung cake shop at hinandle sa kanya yung camera. Umupo siya sa tabi ko at tsaka nag pose ng peace sign.

"Manong gayahin mo ako" napapayag na lang ako. Naku kung hindi mo lang birthday tsaka kung hindi ka lang maganda. Tsaka kung hindi mo lang kamukha si.... basta yun na yun.

*Click

"Manong Serious Mode naman"

*Click

"Manong Wacky"

*Click

"Yey! Thank you kuya sa pagtake"

"No Problem miss. Inggit naman ako dahil sobrang close niyo ng body guard niyo"

Ano raw? Sayang at umalis na yung lalaking yun. Makakatikim sana siya ng kamao ko kung nagtagal pa siya sa harap namin. Medyo familiar pa siya. Naiinis na talaga ako kanina pa. Konti na lang talaga.

"Oy wag mo na nga kasi akong tatawagin na manong. Namimisinterpret tuloy. Kung hindi ako sinasabihan na Driver, body guard naman. Grabe ah, sobrang gwapo ko naman ata para dun"

"Hooo hangin"

Natigilan ako. Line din yun ni Shayne. Nakakainis talaga ang tadhana. Yun bang pilit mong kalimutan ang nakaraan, gagawa ng paraan para maaalala mo yun?

"Oh siya Sige na nga. Kuya na lang."

"Hey!"

"Ok chillax. Sean na lang para hindi ka manggaya sa pangalan kong may IV"

Fudge. My ex used to call me that. Okay. Past tense yun.

"NO! I mean...Van, you can call me that. Yan ang tawag sakin ng mga taong close sakin" nahihiya akong sabihin yun kaya napatingin ako sa baba. Narinig ko namang tumawa siya.

"Close pala tayo Mano-- este Van. Haha. Close tayo kasi Body Guard kita hahaha"

"Hey stop that or else"

"Okay! Fine. Pero alam mo Van, Sobrang saya ko nung ginawa mo. Alam mo kasi, ngayon na lang ulit ako nakaranas ng birthday na may number candle sa cake. Last ko niyan nung 10 years old ako. Lagi kasing busy parents ko eh. Kaya...Thank you"

Ewan ko ba kung bakit ganun, nag change mood na lang ako bigla. Ang lakas ng epekto. Parang hinihila ako pabalik sa nakaraan.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now