Chapter 26 Version 2.0 (very short update)

1.7K 80 8
                                    

◆Vincent's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◆Vincent's Point of View

Ginagawa ko naman lahat para mapalapit sila. Alam kong Mahal na rin nila ang isa't isa.

Ginagawa ko rin naman ang lahat para ilayo sa katotohanan si Ivy para makasama niya yung mahal niya dahil kapag nalaman niya yun, masasaktan siya.

Pero bakit ngayon, parang ako yung nahihirapan? Hindi na sila nagpapansinan simula nung maclinic si Ivy.

At ang pinaka nakapagtataka, Apat na araw na silang Close ni Vanessa. Shet. Nagseselos ako. Bakit niya ba 'to ginagawa sakin? Dahil ba nagseselos na siya pag kasama ko si Ivy? Ano 'to, Ginagantihan niya ba ako para patas kami?

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, kaaway parin tingin niya sa akin.

Kitang kita ko rin kung paano magselos si Ivy. First time niyang magkaroon ng lalaking espesyal sa kanya.

Apat na gabi na siyang di makatulog at di kumakain. Pati ako mag aakala na may relasyon si Vanessa at si Ivan. Sobrang close na nila talaga.

Uwian namin ngayon. May papasyalan kami ni Vanessa. Nakita ko siya sa di kalayuan parang may hinahanap siya kaya kumaway ako.

Akala ko ako yung hinahanap niya, Hindi pala. Lumabas si Ivan sa room at sabay silang lumabas. Nginitian niya lang ako at tsaka linagpasan.

Ang sakit ah. Nakita ko naman si Ivy papalabas din sa room. Nakita niya sila Ivan. At kitang kita ko sa mata niya na nalulungkot siya.

Kinabukasan, Sabay na pumasok ai Vanessa at si Ivan. Saglit na nagtama yung mga mata namin pero umiwas din agad siya. Okay lang.

Magkatabi naman kami. Pero mali na naman ako. Dun sila umupo ni Ivan sa likod. Nagkukulitan. Nag aasaran. Nagtatawanan. Nagbubulungan. At nakakainis na talaga. Napipikon na ako.

Bahala sila. Tumingin ako kay Ivy at nakahalumbaba siya sa upuan niya.

Ang bilis ng oras pero ang boring. Lunch time na. Sabay na kumain si Vanessa at si Ivan. Nakakawalang ganang kumain.

Nung hapon na, hindi kami magkaklase ni Vanessa. Nauna siyang umuwi. At ano pa nga ba? Sabay na naman yung dalawa.

Tinawagan ko siya. Kukumustahin ko man lang kung nakauwi ng maayos pero iba ang sumagot sa tawag niya. Boses ni Ivan. Magkasama pala sila.

Di na naman ako makatulog. Lalo na si Ivy na nasasaktan ng sobra. Bakit ba nila 'to ginagawa sa amin?

PE time namin ngayon. Hindi pumasok yung dalawa. Grabe. Magka cutting na lang, isinama pa yung girlfriend ko.

Uwian namin ngayon. Punong puno na ako. May activity kami. Naunang natapos si Ivy kaya pumunta na siyang library. Hihintayin niya raw ako para sabay kaming dalawa. Parehas lang naman kasi kami ng inuuwian.

Pagkatapos ng ilang segundo, Natapos na rin ako. Tumambay muna ko sa labas ng room. May unfinished bussiness ako dito. Nalalabuan ako sa nangyayari. Parang may mali dito eh.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Where stories live. Discover now