Chapter 4

4.2K 129 12
                                    

◆Ivan's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆Ivan's Point of View

Marami akong tanong na gustong hanapan ng sagot. Bakit sa tuwing nakikita ko ang babaeng yun, naaalala ko yung ex ko?

Bakit sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, natutulala na lang ako bigla? Bakit parehas silang gumalaw? Bakit parehas silang ngumiti? Bakit pati flavor ng ice cream, parehas sila ng gusto? Bakit lagi na lang kaming pinagtatagpo ng tadhada? Bakit pa kami nagkita? Bakit magkahawig sila ni---nevermind.

Tsaka bakit lagi na lang kaming nagkikita tuwing may kasama akong babae at nirireject ako?

Sige, sabihin na natin na okay lang yun at wala akong pakialam dahil yung mom ko naman ang nagsiset up ng mga babaeng yun. May pinapabantay pa nga para siguraduhin na nagconfess talaga ako. Buti na lang at nireject nila ko dahil kung hindi, ipapadate sila sa akin. At ayoko naman nun! Hindi pa nga ako nakakamove on sa nangyari.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Sobrang dami ko na naman na pinag iisip. Two weeks na ata akong nagmumukmok sa bahay. Bumaba na ako papunta sa garahe. Gamitin ko kaya 'tong kotse na 'to? Sayang naman kung di ko ito gagamitin. Ito yung pinakabago kong Lamborghini eh.

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin yung susi ng kotse. Sinalubong naman ako ng aso kong puti. Naalala ko tuloy kung paano ko 'to nakuha-- na ayaw ko nang balikan.

"Van saan ka pupunta, may ipapakilala ako sa---" lumabas na lang ako ng bahay at hindi na siya pinansin. Sinabi nang ayokong ipakilala sa kahit na sino eh. Naiinis na ako sa kanya. Naiinis ako sa mom ko. Bakit kasi tutol siya sa naging relasyon namin ni--- basta past is past.

Nagdadrive ako ng biglang may babae na naka-bike na humarang sa dinadaanan ko kaya napapreno ako nang wala sa oras.

Tsk! Tatanga tanga na nga lang, sa kalsada pa? What the hell naman oh. Lumabas ako sa kotse to check if there were damages. It's a relief na wala naman.

Pero teka, sumemplang yung bike at nahulog yung babae. Hindi ko naman kailangan na tulungan siya kasi wala pang isang minuto eh nakatayo na siya. Automatic ah.

"Hey! Watch where you're going miss, my car is more precious than you're clumsy life."

Napaharap siya sa akin at natulala na naman ako. Siya na naman?

"Ha? ay naku sorry po! Di ko po ala--wait hahahaha manong, is that you?! Sorry ah di ko naman sinasadya. What a coincidence, sinusundan mo na naman ako." sabi niya sabay ngiti ng malapad.

Sus, maka-smile naman wagas, sa kagwapuhan kong ito, tinawag na naman niya akong manong? The eff! Bawas pogi points kaya yun.

"It's not my fault that you are a reckless driver and I'm not following you either. Nagkataon lang na parehas tayo ng dadaanan." Ayan na naman siya sa nagkataon na yan. Pagkatapos noon, bigla naman siyang umiyak. Teka, napaiyak ko ba siya?

"M..manong...Na flat..yung gulong.. H-hindi ko na.. alam... kung A-anong gagawin... ko... hindi na yata.. ako makaaalis.. dito." What is she doing? Naguiguilty tuloy ako. 

"Then, put your bike there at the back. I'll ride you home"

"Yeheeeeeey!! Thank you manong!!"

What the heck?! I'm not trying to be nice here. Kamukha lang siya ni-- Nevermind! Guilt is taking over my conscience!

Tsaka bipolar ata siya eh. Umiiyak palang kanina tapos ngayon, tuwang tuwa. Ang galing mag-drama. At nauna pa talagang pumasok sa kotse ko?! Tss. 

"Hey, take it easy. I don't want your dirty hands touching my neat car. And don't you dare touch any buttons or else I will definitely throw you out the window."

"As if naman noh! Hindi ako kasya sa bintana."

"Whatever, just tell me where you live."

"H-ha?"

"Are you deaf? I said I'll take you home, otherwise, pabababain kita in the middle of the road. You're like a snail... perhaps a turtle maybe. Too slow."

"Hindi ako pagong noh! Ang cute ko naman para maging pagong, At isa pa, masasagasaan ako niyan. Edi, konsensiya mo pa yun pag nagkataon." Natigilan ako sa sinabi niya. Mamamatay na naman ang isang babae dahil saakin?

Isa pa, Ito yung street ng bahay ng ex ko ah. Napaapak tuloy ako sa preno.

"Papatayin mo ba ako! Ibaba mo na lang kaya ako. Malapit na bahay ko."

Bumaba na siya dala yung bike niya. Bumalik na lang din ako sa bahay. Wala na akong ganang gumala. Tsaka wala din naman akong kaibigan eh. I dont want some bullsh*ts to happen again because of me.

Hindi ko alam at ipinark ko muna yung kotse ko sa gilid at sinundan siya. Nabigla naman siya nung tulungan ko siyang dalhin yung bike niya. Pati nga rin ako, nabigla sa ginawa ko eh.

"Oh, bakit mo na naman ako susundan?"

"Dun muna tayo." sabi ko at itunuro yung malapit na drugstore. Wala naman siyang nagawa dahil dala-dala ko naman yung bike niya kaya sumunod na lang din siya. Umupo muna siya sa gilid ng hagdan at hinintay akong bumili.

"Miss!"

"Yes ser?" sabay pa-cute nung babae, hindi nga niya inintindi yung mas naunang customer at inuna ako.

"Povidone Iodine, cotton, band aid tsaka ethanol"

"Sige po"

Ibinigay naman yun sa akin at binayaran ko na. Napatingin ako sa kanya at nakakunot yung noo niya. "Bakit ka bumili niyan?" 

"Basta, magtatanong ka pa ba? nakokonsensiya ako okay? kaya wag ka na diyang magreklamo. Buti na nga lang at nagmamabuting loob ako"

"Antipatiko ka talaga."

"Oo na nga. Tara doon tayo."

Umupo kami sa bench ng waiting shed sa gilid ng highway.

"Akin na nga yang sugat mo"

"Wala naman ah"

"Ang kulit mo din eh, akin na nga yan!"

"Sabi nang wala eh.. aray ko!! aray ano ba?"

"Eh anong tawag mo dito? hindi ba 'to sugat? sayang lang may gasgas ka na oh."

"Oy manyak ka ba? Naglasing ka na naman ba?"

"Ako? Sa gwapo kong 'to, manyak?"

"tsk! sige na nga."

Ginamot ko na lang yung mga sugat niya tss. Kasalanan ko 'to eh.

"Aray! dahan dahan naman sa paglalagay niyang alcohol"

"Oo basta huwag kang magalaw diyan"

"Grabe ka, may ethanol at Povidone Iodine ka pang nalalaman diyan. eh if I know, betadine at alcohol lang naman yan. Kulang na lang isama mo yung Gossypium hirsutum, cotton lang naman."

"Anong pake mo?"

"Wala. Thank you sige una na ako"

"Sige. Ingat ka." nabigla siya sa sinabi ko. Pati nga ako nabigla din eh. Bakit ko ba iyon sinabi?

Paalis na ako and I heard my phone ringing. Sasagutin ko ba 'to or hindi? It's my mom again.

"Hello?'

[Van I would like you to meet Elsa. She's beautiful and I can see that you'll get along well. Meet her at the Coffee Shop]

"Whatever."

I told you. Siya ang pumupili ng mga ka-fling ko. She doesn't like my ex girlfriend whom I loved so much. She did everything to keep us apart. Kahit sino na lang daw na babae wag lang siya.

Ugh! What is wrong with these people? Imbes na uuwi na ako, naudlot pa. I want to take some rest kasi papasok pa ako bukas, or maybe not.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon