#BWChapter2

46.4K 1.2K 438
                                    

"Really? Sister Lucia, just so you know, at the end of the day, responsibilidad pa rin kita dahil asawa pa rin kita." Wika niya sa akin.

Napanganga ako sa sinabi niya sa akin. Ang weird na marinig na may tumatawag sa akin na asawa. Pero, mag-asawa nga pala talaga kami. Iyong ayokong mangyari sa akin ay bigla na lang naging totoo.

Atty. Tres, hindi ito ang pinag-usapan natin!

"Salamat, ginoo." Ang tanging naisagot ko.

Inabot naman niya sa akin ang kamay niya. "Let's go?"

Napatingin naman ako sa kamay niya. Ang lapad naman ng kamay niya. Sa totoo lang, ito ang unang beses na may makasalamuhang lalake. May kamag-anak naman akong lalake at may naging kaklaseng lalake pero ito ang unang beses na madikit ako sa isang hindi ko kilala na lalake. I mean, ang lakas talaga ng presensya niya.

Muli naman akong napatingin sa kanya. "Nakakahiya po. Salamat na lang po. Saka, kailangan ko pong hintayin si nanay."

Lumingon muna siya para tignan ang emergency door sabay tingin ulit sa akin. "It can be a long wait. We'll be back shortly naman. For sure, tututukan at hindi naman siya pababayaan ng mga doctors. So, while you wait, why not take this time to eat something nourishing?"

Bakit ba niya pinipilit na kumain kami? Hindi ba awkward bilang nadamay ko siya sa gulo ng fake marriage na set-up ko? Hiyang-hiya na nga ako dahil hindi ko na alam kung paano ko maaayos ang gulong pinasok ko dahil hindi pa sumasagot si Atty. Tres.

"Pero kasi..."

"Gutom na ako." Pagputol niya sa sinasabi ko. "Pambawi mo na lang for the stress you put me through."

D'yos ko. Nakokonsensya na talaga ako. Para matapos na ito kaya hinawakan ko na ang kamay niya para alalayan akong tumayo. Nagsimula na nga siyang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya.

"Sandali lang po." Sambit ko kay Ginoong Elias dahil nahihirapan akong maglakad sa slides niya na suot ko. Ang laki ng slides niya sa paa ko. Gaano ba kalaki ang paa niya? "Nahihirapan akong maglakad sa tsinelas mo po."

Nilingon naman niya ako at tinignan ang paa ko na lagpas na ang daliri sa slides niya. "Ano ba naman kasing paa 'yan, paa ng bata?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil grabe na ang pananalita niya sa akin. Iyong paa ko pa talaga ang may problema! Ang paa mo naman ay paa ng higante! Hindi ko lang masabi dahil may atraso ako sa kanya.

Naglakad naman siya palapit sa akin habang ako naman ay napa-atras dahil sa takot ko sa kanya. "Ah, okay na---ay!" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong binuhat ni Ginoong Elias. "Sandali, teka lang. Ano, ahmmm, ibaba mo na ako..."

Bigla akong nahiya sa ginawa niya. At parang wala siyang narinig dahil tuloy pa rin siya sa paglalakad habang buhat niya ako sa mga braso niya. Napapatingin tuloy sa amin 'yong mga taong nakakasalubong namin.

"Nakakahiya po, Ginoong Elias..." Sambit ko pa. "Ibaba niyo na po ako. Magpa-paa na lang po ako."

"Mas nakakahiya 'yong mag-mukha kang tanga sa paglalakad." Sagot pa niya. "Saka gutom na ako, ang bagal mong maglakad."

Nilait na naman niya ako. Sobra na siya. Huminahon ka Lucia, tandaan mo na nalalayo lang ng landas ang lalakeng ito. Ipagdadasal ko na lang na sana ay magbago na siya dahil hindi ito magandang pag-uugali.

Tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa pumasok na kami sa isang maliit na kainan na para kaming tanga dahil buhat niya ako. Napatingin din sa amin 'yong ibang kumakain hanggang sa dahan-dahan na niya akong binaba malapit sa lamesa. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa ginawa niya sa akin. Mukha kaming magjowa.

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now