#BWChapter29

44.2K 1.1K 385
                                    

Humarap ako sa salamin at sinubukang ayusin ang sarili ko dahil check-up ko ngayon kay Doc Iro. Binilhan kasi ako ni Elias ng maternity dress. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ibang damit. Maski noong wala pa ako sa kumbento, pants at t-shirt lang ang pormahan ko kapag umaalis. Ano pa n'ong nag-madre ako, iisa lang itsura ng sinusuot ko kaya hindi ko na natutunan ang mag-inarte sa sususotin.

Pero, lahat nagbago nang mapasama ako kay Elias. Kailangan kong lumevel sa kanya. Iyong mga suot pa lang niya, talagang pagtitinginan na siya ng mga babae. Kapag pumorma kasi si Elias, kahit simple lang ay nagmumukha siyang mayaman at artista. 

Inikot ko pa ang sarili ko sa harap ng salamin. Parang hindi bagay sa akin 'tong maternity dress. O, baka naninibago lang ako? Tas 'yong buhok ko, isa lang ang alam kong ayos, nakalugay lang. Nagtatali lang ako kapag pawis na ang leeg ko.

Pumasok naman si Elias sa banyo na bukas ang dalawang butones ng polo niya sa may itaas. Ang lakas maka-yummy ng suotan niya. Humarap din siya sa salamin at inayos ang wavy hair niya papunta sa unahan, para tuloy siyang may bangs.

Napatingin naman siya sa repleksyon ko sa salamin. "Gwapong-gwapo ka ba talaga sa akin? Lucia, ano ba, asawa mo na ako, nakuha mo na ako." Sabay ngisi niya.

Ang kapal ng mukha. Hindi naman ako maka-kontra dahil gwapo naman talaga siya. "Parang ang panget ko sa suot ko. Gusto ko na lang magpang-madre ulit." Nasabi ko na lang.

Kumunot naman ang noo niya sabay tingin na sa akin. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Walang Mama Mary na panget, Lucia. Alam mo, hormones lang 'yan asawa ko. Kung alam mo lang kung paano ka nililingon ng mga tao kapag magkasama tayo. Kahit ano pa ang isuot o kahit wala ka pang saplot, maganda ka."

Lumipad naman ang kamay ko papunta sa balikat niya para paluin siya. "Hindi ba talaga mababawasan ang kamanyakan mo? Talagang gusto mo akong walang saplot lagi, 'no?"

Natawa siya sabay sandal sa counter ng basin ng banyo. Nag-crossed arms and legs naman siya habang nakatingin sa akin. "Kasalanan mo 'to. Habang nabubuhay ka, sa'yo lang ako malilibugan kaya pagka-panganak mo sa panganay natin, ipagpi-pills na kita dahil baka maka-twenty five pa tayong anak. Kaya ko naman silang buhayin pero s'yempre mas okay kung mas konti para nafo-focus natin sila."

25?!

Ano'ng akala niya sa hiyas ko?! Come and go ng mga supling?!

"Subukan niyo kayang mga lalakeng magbuntis at manganak. Ewan ko lang kung gugustuhin niyo pang ma-experience ulit!" Singhal ko sa kanya.

Natawa siya sabay hawak sa kamay ko para dalhin niya ako sa may harap niya. Pinisil naman niya ang ilong ko. "Buti na lang ay hindi kami nanganganak kaya sorry na lang Lucia. Don't worry, alam ko naman ang family planning." Wika niya sabay dampi niya ng halik sa labi ko. "Kapag nasa five to seven years old na ang panganay natin, pag-usapan natin kung gusto pa natin siyang dagdagan or okay na tayo. Willing naman akong magpa-vasectomy."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. At least kahit malibog siya ay responsableng partner siya. Matapos ko talagang manganak ay sisiguraduhin kong magpa-inject. Tutal willing din naman siyang magpa-vasectomy.

"May tanong pala ako." Singit ko naman. "Nakita ko kayo noon ni Paula sa ospital. Iyon iyong araw na nalaman kong buntis ako. Curios lang ako. Hihi."

Napabuntong-hininga naman siya at napa-iling. "Akala ko ay tapos na tayo kay Paula. Pero para matapos na 'to, ikaw talaga ang pinunta ko roon dahil naka-received ako ng text kay Tito Iro na nagpapa-check up ka nga raw. Agad akong nagpunta sa ospital para i-check kung okay ka pero sa parking pa lang ay nagkita na kami ni Paula. Check-up niya rin daw kaya nagpa-alalay papasok ng ospital. Hindi na kita naabutan, at ayaw din sabihin ni Tito Iro ang result ng check-up mo dahil for confidentiality. Ang sabi lang niya ay okay ka naman daw so napanatag na ako."

Bachelor Wifey (Rewritten)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant