#BWChapter19

42.1K 1K 82
                                    

Hindi ako mapakali habang nagro-rosaryo kaming mga madre. Gulong-gulo ang utak ko matapos kong malaman ang resulta ng check-up ko. Nawala na sa utak ko ang posibleng pagdadalang-tao ko dahil mas una kong ginawa ang kalimutan ang ama ng bata sa tiyan ko.

Ang bobo ko talaga sa part na hindi talaga kami nag-proteksyon. Ang dami ko ng kasalanan sa D'yos. Lumabas lang ako ng kumbento ay nawala na sa isip ko ang pangaral ng D'yos. Ang dami kong kasalanan. Nagsinungaling ako kay nanay, pumatol sa lalakeng may nobya, at magdadala ng isang bastardong bata sa mundo.

Gusto ko ng umiyak, pero mahirap na kung malaman ng mga madre ang mga kasalanan na nagawa ko. Nasa harap pa naman ako ng altar. Patawarin niyo po ako sa mga nagawa kong kasalanan. Pagsusumikapan ko pong palakihin ang anak ko nang maayos. Doon man lang ay makabawi ako.

Ano ba 'tong gulong pinasok ko? Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Sana na lang talaga ay hindi na ako lumabas sa kumbento. Payapa na sana ang buhay ko, kung hindi ko lang talaga nakilala ang isang Elias Villavicencio.

Napatingin ako sa paligid ko. Busy ang mga madre na magdasal. Kung sakaling malaman nila ang sitwasyon ko ay mapapatalsik talaga ako sa kumbento, at hindi ko alam kung saan ako nito pupulutin. Napatingin din ako sa imahe ni Mama Mary, sana ay bigyan niyo po ako ng sign or someone po na makakasama ko sa bagong journey ko na ito.

Matapos ang pagdarasal ng mga madre ay buong araw kong pinilit ang sarili kong maging okay. Gumawa pa rin ako ng gawain ng mga madre buong araw. Gusto kong kausapin si Luna at Sanaya pero hindi ko pa kayang magkwento. Nakakatakot mag-share dahil baka makarating kay Elias, at ayokong piliin niya ako dahil lang nabuntis niya ako. 

Ako ang lumikha ng gulong ito, kaya ako lang ang aako ng responsibilidad na ito.

.

.

.

.

.

Nagdaan pa ang mga araw na masama lagi ang umaga ko dahil sa paglilihi. Palihim akong lumalabas sa madaling araw para bilhin ang gusto kong pagkain.

Grabe ang gutom ko rin sa paggising kaya marami na akong binibiling pagkain na tinatago ko lang sa kwarto ko. Sobrang hilig ko ngayon sa ubas. Maya't maya akong kumakain ng ubas.

Ayoko man gawin pero ginagamit ko ang pera ni Ginoong Elias dahil nasa akin pa ang card niya. Hindi pa naman niya kinukuha. Kailangan ko ng pera dahil alangan namang sa donasyon pa sa simbahan ko kunin ang mga paglilihi ko, baka kidlatan na ako ng langit. Ibabalik ko na lang siguro kapag annulled na kami. Wala rin kasi akong pera saka anak naman niya 'tong pinapakain ko!

"Okay ka lang ba, Sister Lucia." Tanong sa akin ng isang madre kaya naputol ako sa mga iniisip ko. "Napapansin ko na parang wala kang gana sa umaga. May problema ka ba? May masama ba sa pakiramdam mo?"

"Ah, sister, ano kasi, ahmmm..." Hindi ko alam ang idadahilan ko, jusko. "Feeling ko dehydrated lang po ako. Opo, dehydrated lang po ako kaya lagi po akong mabilis mapagod, at mukhang walang gana sa umaga. Pero no worries po, palagian na po akong umiinom ng maraming tubig."

Tumango naman siya na tila naniwala sa palusot ko. "Alagaan mo ang sarili mo, Sister Lucia. Mahirap na ang magkasakit ngayon. Kung kailangan mong mapahinga, magsabi ka lang. Alam naming napagod ka sa pagbabantay sa nanay mo kaya h'wag mong pagurin ang sarili mo ngayon."

"Oo nga po, e." Ang tanging naisagot ko na lang.

Kung alam lang nila na sa ibang bagay ako napagod, bukod sa pagtatalik namin lagi ni Ginoong Elias, ay puro kasalanan ang nagawa ko at napagod din ang utak at puso ko sa lalakeng iyon. Dagdagan pa ng pagdadalang-tao ko ngayon.

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now