#BWChapter4

46.3K 1K 268
                                    

Hindi ako makakain nang maayos habang itong lalaking 'to na nasa tabi ko ay sarap na sarap sa hapunan na hinanda ko. Wala ba silang pagkain sa kanila at dito pa talaga siya naghapunan? Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko dahil hindi ko siya pwedeng ilabas sa kusina dahil nasa kabilang kwarto lang si ate kasama si nanay.

Napatingin naman siya sa akin. "Hindi ka kakain?"

"Ano ba kasing ginagawa mo rito sa amin?" Tanong ko sa kanya. "Sana kasi nagsabi ka muna na pupunta ka para nakipagkita na lang ako sa'yo sa labas."

Nagkibit-balikat naman siya sabay tingin ulit sa plato niya para magpatuloy sa pagkain. "How? Eh, I don't even know what your phone number is. I even looked you up on social media, but you don't appear to have any accounts. That's why I just came by. Nadagdagan ba ang utos Niya na bawal kayo sa social media? In our modern fast-paced technological world?"

Bakit ba siya nakikialam kung wala akong social media? At desisyon ko 'yon, hindi ng D'yos! "Please, h'wag mo ng uulitin 'to, ha? Hindi ka pwedeng makita ni nanay. Alam mo namang pekeng kasal at pekeng lalake lang---"

"Hindi ako peke." Pagputol niya sa sinasabi ko. "At totoo ang marriage certificate natin, Sister Lucia. Gets ko ang problema mo dahil baka mabuko ka ng nanay mo---I mean ni mother in law."

"Hindi mo siya mother in law." Sagot ko naman sa kanya.

Ngumisi naman siya sabay taas ng kilay niya. "Again, in terms of our legal system, because our marriage is legal, which implies our marriage is bound by Philippine marital laws, that makes your mother my lawful mother-in-law."

Napatitig naman ako sa mapang-asar niyang mukha. Lagi na lang siyang may sagot. Oo nga pala, matalino nga pala ang lalakeng ito. May pinsan pa siyang abugado. Kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil mauubos ang dugo ko sa kanya.

"Ginoong Elias," Seryoso kong banggit sa pangalan niya. "Ayoko nang lumaki pa ang gulong nilikha ko. Kaya hangga't maaari ay hindi ka makita ni nanay dahil lalo pa siyang kakapit sa kasinungalingan ko na mag-asawa nga tayo. Ang alam lang niya ay nasa kalagitnaan ka ng karagatan at nagta-trabaho?"

Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya. "What? Paano ako napunta sa gitna ng karagatan?"

Huminga ako nang malalim bago siya sagutin. "Ang alam niya ay seaman ka, para madali lang sabihin na mahirap kang makontak dahil walang signal at naka-kontrata ka ng isang taon bago bumaba ng barko."

Napatingin naman siya sa suot niyang button down bago ako muling tignan. "So, kailangan ko pang mag-adjust sa damitan ng mga seaman bago harapin ang pamilya mo?"

"Hindi ka nga pwedeng humarap sa kanila!" Gigil kong sagot sa kaniya. Nawawalan ako ng gana ganitong makakasama ko siya sa kwarto ngayong gabi. Pero, hindi ko pa nasasabi sa kanya dahil baka saniban siya ng masamang elemento kapag nalaman na niya.

"Si Ate..." Pagsisimula ko ulit pero hindi ko magawang matapos.

Nakatingin pa rin siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko. "O, si sis-in-law na dumating kanina, bakit?"

Isa pa 'to sa kinaka-stress ko sa kanya. Kung maka-sis-in-law 'tong lalaking 'to kala mo wala siyang girlfriend! Sasagutin na naman niya ako ng mga kung anu-anong marital law na 'yan! Pero sabagay, may girlfriend man siya pero mas makapangyarihan ang kasal namin sa mata ng batas.

"Ano, kasi, ahmmm, dito magpapalipas ng gabi si ate para bantayan si nanay." Pasabog kong balita sa kanya.

Napakurap siya na tila mabagal ang pagtanggap niya sa mensaheng sinabi ko. "Do you mean to say that we will share a bed?"

Umiling ako agad. "Sa lapag ka matutulog."

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ganyan ba ang tinuturo sa kumbento ng pagtrato mo ng bisita?"

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now