#BWChapter3

44.1K 1K 85
                                    

Kanina ko pa tinitignan ang ATM card ni Ginoong Elias matapos niya akong iwanan dito sa labas ng ospital. Hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagkatiwala niya ito sa akin. Like hello, pera niya ito at hindi naman kami magkakilala.

XXXX XXXX XXXX 1124

ELIAS S VILLAVICENCIO

Villavicencio

Hinaplos pa ng daliri ko ang pangalan niya sa card. Dahil legal pala ang kasal namin kaya kung tutuusin ay isa akong Villavicencio. Pero hindi pa rin sapat na rason ito para gamitin ko ang pera niya dahil mali ang marriage certificate na ito umpisa pa lang. Bahala na. Pinangako ko naman na babayaran ko ang utang ko sa kanya.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa isang ATM. Muli kong sinulyapan ang card ni Elias bago ito ipasok sa machine. Tinipa ko na ang password niya sabay pindot ng balance inquiry. Wow, ang daming zeros.

Zero

Zero

Point

Zero

Zero

Zero

Comma

Zero

Zero

Five

Wow. Totoo nga ang sinabi niya sa akin na hindi niya ako kailangan kidnapin dahil marami siyang pera. At totoo nga ang pinagmamayabang niya na kaya pa niya akong bilhin sa mga magulang ko. Ngayon lang ako nakakita ng isang savings account na naglalaman ng Five Hundred Thousand pesos o 500,000.00. Dahil nasa maximum deposit value siya, for sure ay marami siyang savings account bukod dito kaya ang lakas ng loob niyang ipahiram sa akin itong card niya.

Sino ba talaga itong lalakeng nasa marriage certificate ko? Oo, hindi nga siya pekeng tao pero hindi lang siya basta-bastang lalake. Paano siya nakilala ni Atty. Tres para idamay dito sa plano ko?

Kinancel ko agad ang transaction kaya iniluwa na ng machine ang card niya. Kinuha ko naman ito at inilagay sa bulsa ko. Lumapit naman ako sa isang guard na naka-station sa emergency room.

"Ahmmm, excuse me?" Sambit ko sa guard kaya napatingin siya sa akin. "Pwede ko ho bang mahiram ang cellphone niyo saglit? Isa po kasi akong madre, at kakalabas ko lamang ng kumbento kaya wala akong ganyang gadget. Nasa loob pa kasi ng emergency room ang nanay ko kaya kailangan ko lang sabihan ang aking mga kapatid sa lagay ng aming ina."

"Ah, sister, sige po." Taranta niyang sagot sabay kuha ng cellphone niya sa bulsa niya at ini-abot ito sa akin.

Nginitian ko naman siya. "Salamat. Mabilis lang po ito."

Binuksan ko na ang cellphone niya at agad na nagtungo sa browser app niya. Wala man akong cellphone pero may ideya naman ako kung paano gamitin ito dahil sa triplets ni Ginoong Jorg na sina Lila, Nina, at Lisa na laging may dalang tablet kapag dinadalaw ako sa kumbento.

Tinipa ko na ang pangalan ni Ginoong Elias sa search bar ng browser. Ang daming results agad ang lumabas. Hindi nga siya ordinaryong lalake. Agad kong pinindot ang unang article, at doon ako nagkalinaw kung sino nga ba talaga siya.

Elias Villavicencio has achieved great success at a very early age. A true example of hard work and dedication, he has ascended the ranks to become the Chief Financial Officer (CFO) of Suarez-Villavicencio Enterprise at the age of 30. Though talented, Elias is no stranger to the world of business, with both his grandfather Jake Suarez and his father Edward Villavicencio having a long and successful lineage in the business world, building their financial empire from the bottom up.

Elias was always a math whiz, and his brilliance, combined with a sharp eye for numbers and patterns, made him a natural in the stock market. He became a stock broker at the age of 21, and soon he was making millions in profits. What started as a way to make extra money to support himself, Elias soon made a career out of it. His knack for understanding the market, along with his natural resourcefulness and business savvy, made him the perfect choice to be the CFO of Suarez-Villavicencio Enterprise.


Hindi ko na nagawang tapusin pa iyong article dahil tumataas na ang mga balahibo ko sa mga nababasa ko. Ibinalik ko na ang phone sa guard at muling tumambay sa waiting area sa labas ng emergency room.

Bachelor Wifey (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon