#BWChapter30

46.4K 1.1K 120
                                    

"Congrats annulled na kayong dalawa." Hatid na balita ni Tres para sa amin ni Elias.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi bilang mapag-biro rin siya gaya ni Elias. Pero, mukhang totoo nga dahil kita ko ang papel na hawak niya. So, natuloy ang annulment? Kung kailan okay na kami ni Elias!

"Ah," Ang tanging naisagot ni Elias sa annulment namin.

Hindi ko inaasahan na 'yon lang ang sinabi niya. "'Yan lang talaga ang reaksyon mo? 'Ah'? Kasi ano? Binata ka na ulit? Makakalandi ka na sa iba? Grabe ka! Matapos mo akong buntisin—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang mabilis akong halikan ni Elias sa labi ko. "Relaks, okay? Hindi pa tapos si Tres."

Napahawak naman ako sa ibaba kong labi. Ano ba 'to. Hindi ako sanay sa public display of affection. Bigla tuloy akong nahiya sa harap ni Atty. Tres.

Napangisi lang si Atty. Tres at napa-iling. "Ex-Sister Lucia ha, remember, Gad is watching us. Ang landi mo na."

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa pang-aasar ni Atty. Tres. E, kung hindi ba naman ako nilandi ng pinsan niya ay hindi ko rin matututunang lumandi! Ikaw rin naman ang nagdala sa aming dalawa rito!

"Tresmiro..." Sita naman ni Elias sa kanya.

"So," Sambit ni Atty. Tres habang natatawa at binubulatlat ang mga papeles na hawak niya. "Miss Lucia Ashford ex-Villavicencio and Mister Elias Villavicencio, all properties and assets, whether acquired before or during the marriage, are considered conjugal property under the Family Code. This means that the conjugal properties are divided equally among you."

Ha? E, wala naman akong property at assets? Wala akong ambag sa conjugal property na ito! Hindi ba parang lugi si Elias dahil mahahati ang yaman niya sa akin?!

"Elias purchased a condo with four bedrooms for a sum of 20 million pesos. In addition, he owns cars that have a total value of 10 million pesos. He also has cash assets amounting to 50 million pesos. Furthermore, he holds investment assets valued at 34 million pesos." Pagpapatuloy ni Atty. Tres.

Napangaga na lang ako sa yaman ni Elias. Gusto kong kausapin si Paula ngayon. Pa'no mo nagawang lokohin ang lalaking may ganitong yaman?! Mga tao 'di marunong sa praktikal, puro sarap na lang nasa isip!

Kaya pala wala siyang pake sa card na binigay niya sa akin dahil barya lang sa kanya ang five hundred thousands na laman n'on. Tinitipid ko pa ang sarili ko dahil nahihiya akong gastusin ang pera niya pero milyon-milyon pala talaga ang kinikita niya.

Napatingin naman sa akin si Atty. Tres. "Meanwhile, si Lucia, ang total assets niya ay...wala. Wala kang valuable assets para mapabilang sa conjugal property."

Sinamaan ko naman siya nang tingin. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Wala akong naipon sa buhay ko. Hello, madre ang trabaho ko. Hindi naman ako sumasahod. Umaasa lang kami sa donasyon.

Pero, tama naman siya, wala naman talaga akong assets, e. Tas biglang mahahati 'yong assets ni Elias?! Parang hindi naman ata tama iyon. Gan'on ba talaga ang family code ng batas natin?

"This means, Mr. Elias Villavicencio and Ms. Lucia Ashford," Pagpapatuloy ni Atty. Tres. "the total net worth you possess is approximately 114 million pesos. Given that this will be equally split between you two, each of you should receive a conjugal property worth 57 million pesos. Could you please specify how you would like this division to be carried out?" Tanong ni Atty. Tres sabay baba niya ng mga papeles na hawak niya.

May say ba ako rito? E, lahat ng ito ay pera ni Elias. Parang siya lang dapat ang may karapatan na mag-decide.

"Well," Napatingin naman kami ni Atty. Tres kay Elias nang magsalita siya. "Please proceed with transferring the condo and 37 million pesos in cash assets to Lucia's name, which totals to 57 million pesos. The remaining assets, which include the cars, the investment assets, and the rest of the cash assets, will be mine."

Bachelor Wifey (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon