#BWChapter6

46.1K 1.1K 388
                                    

Pagbukas ko ng pinto ay tumigil ang mundo ko. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. "N-nay?"

Napakurap lang si nanay habang nakatingin sa may likuran ko. Mahabaging D'yos, nakatingin si nanay kay Ginoong Elias. Napalingon naman ako kay Ginoong Elias, kita ko rin sa mga mata niya na nagulat siya sa presensya ni nanay. 

Sinubukan ni Ginoong Elias na ngitian ako sabay tingin kay nanay. Yumuko pa siya ng kaunti para magbigay galang sa nanay ko. "G-good morning po."

Napatingin naman ulit ako kay nanay na napatingin din sa akin. Hindi pa rin maalis sa mukha niya ang presensya ni Ginoong Elias sa kwarto ko. "'Nay, bakit po kayo tumatayo sa kama n'yo?"

Sinubukang ibuka ni nanay ang bibig niya pero walang salita ang lumalabas dito. Sinubukan niyang tumingin sa kaliwa niya sabay turo sa kung ano man. Muli naman siyang tumingin sa akin. "U-umalis na ang ate mo..."

Sasagot pa sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay ko. Kita ko ang pagpulupot ng kamay ni Ginoong Elias sa kamay ko. Iyong malaki at mainit niyang kamay ay sinakop ang maliit kong kamay.

"Good morning po, Mrs. Ashford." Sambit ni Ginoong Elias kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko ang ngiti niya sa nanay ko. "I know I'm coming across as that all-too-familiar cliche of someone suddenly meeting his in-laws for the first time. Perhaps this is too late, but please allow me the chance to introduce myself. My name is Elias Villavicencio; I'm your daughter's husband." Pagpapakilala ni Ginoong Elias sa nanay ko sabay tingin sa akin. "My wife---Mrs. Lucia Ashford-Villavicencio."

Bagsak ang dalawang balikat ko sa mga sinabi ni Ginoong Elias. Isa lang ang ibig sabihin nito, mahihirapan na akong maayos ang pekeng kasal na ito.

.

.

.

.

.

"Hello, nanay..." Bati ni Ginoong Elias kay nanay nang magkaharap na sila sa lamesa habang ako ay busy sa kusina para magluto ng agahan.

Nabi-bwisit na ako sa sitwasyon. Imbes na mapigilan ko ang paglala ng kasinungalingan ko pero heto, umabot pa kami sa ganitong sitwasyon na makikilala siya ni nanay.

Pero kita ko ngayon si nanay na maganda ang ngiti kay Ginoong Elias. Masaya siya na akala mo ay wala siyang iniindang sakit. Ito naman kasi ang gusto niyang mangyari. Ang makita niya akong settled na. Kahit ang totoo ay kasinungalingan lang ang lahat ng ito.

"Natutuwa akong nakilala rin kita sa wakas, Elias." Sagot pa ni nanay. "Sa kwento lang ni Lucia kita naririnig. Hindi ko lubos maisip na may nag-iisang lalake ang magpapabago sa desisyon ni Lucia na mag-madre."

Lumapit ako sa kanila dala na ang niluto kong sinangag at daing na bangus. Wala akong choice kung hindi tabihan si Ginoong Elias habang nasa harapan ni nanay. Gusto ko sanang sagutin si nanay na wala pang nagpapabago sa isip ko dahil madre pa rin naman ako na nagpapanggap na may asawa.

Tinignan naman ako ni Ginoong Elias sabay ayos ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "I honestly didn't see this coming, 'Nay." Sagot niya kay nanay habang nakatingin pa rin sa akin. "She immediately had me awestruck. Her grace and elegance held me spellbound. She truly is one of God's answered to my so many prayers. Kaya hindi ko na po siya pinakawalan pa at siniguradong kulong na siya sa pagmamahalan namin sa harap ng simbahan at ng D'yos."

Gusto ko siyang taasan ng kilay dahil ano ba 'tong mga pinagsasabi niya kay nanay! Wala naman sa usapan namin 'to! Pero ang galing niyang magpanggap, mukhang kapani-paniwala na may gusto talaga siya sa akin. Galawang bolero.

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now