#BWChapter16

47.7K 1K 117
                                    

Lumipas pa ang ilang mga araw na naging kasama na ata sa routine ko ang pakikipagtalik kay Ginoong Elias. Minsan sa umaga paggising namin o pag-uwi niya sa gabi. Iyong sinasabi kong one chance lang ay nauwi sa maraming chances. Lagi ko na lang sinasabi na last na 'yon pero sa tuwing nagsisimula na siyang maglambing sa akin ay napapaamo na lang niya ako.

Na-try na namin sa kusina at sa sala dahil wala si nanay kaya malaya naming nagagawa ang mag-sex. Maski nga sa kotse niya ay nasubukan na namin pero ayoko roon dahil ang hirap kumilos, at baka may makakita pa sa amin. Mamaya ay mag-trending pa ako nito na isang madre ang kinarat sa loob ng kotse. Chariz!

Sa mga araw na nagdaan ay halos makalimutan ko na iyong pagpapawalang-bisa sa kasal namin. Nalimot ko na nga rin na aksidente lang ang kasal namin. Halos sa bahay na kasi siya nakatira na parang isanasabuhay na talaga namin ang buhay mag-asawa. Talagang bina-byahe niya papunta sa amin kahit ilang oras ang pagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang umuwi rito sa amin e, wala naman kaming air-con o engrandeng bahay, hindi tulad sa mansion nila.

At habang tumatagal ang pagsasama namin ay mas nakikilala ko pa siya. At habang nakikilala ko siya ay mas lumalalim ang kung ano man ang mayroon sa amin na mahirap ipaliwanag.

"Ano?!" Bulalas ni Luna. "Hindi ka man lang niya pinagpi-pills?"

Magkakasama kami nila Sanaya ngayon mag-agahan sa isang coffee shop. Ngayon-ngayon ko lang na-e-experience ang ganito dahil ang tagal kong nakulong sa kumbento. Ang tanda ko na pero ngayon ko lang nagagawa ang ganito. 

"Gan'on naman talaga." Singit pa ni Sanaya. "Hindi rin naman ako pinag-pills ni Jorg dahil gusto nga niya akong mabuntis agad. S'yempre ako lang ang may gusto mag-pills. Gan'on talaga ang lalaki sa unang baby. Kating-kati ka buntisin. Sa next baby na 'yong may pag-pills n'yan. Baka gan'on din si Mr. CFO, gusto ng magka-baby kay Lucia para wala ng kawala."

"Oy Sanaya," Singhal ni Luna kay Sanaya. "Requirement sa scholarship ang mag-pills. Pero tama ka naman, sa Italia ay binuntis ako agad ni Hugo. Pero kasi gusto namin ang isa't isa." Sabay tingin ulit sa akin ni Luna. "Pero kayo ni Elias mo? Sigurado ka ba sa kanya?"

Masaya ako sa dalawang ito dahil pinanindigan sila ng lalakeng mahal nila. E ako, ginawa lang akong kalaguyo ni Ginoong Elias. Paulit-ulit kong sinasabi sa kanila na may girlfriend si Elias na ginagamit lang n'on ang katawan ko. 

Nagkibit-balikat naman ako. "Malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya ginagawa ko ito. Ipit kami sa sitwasyon namin dahil hindi kami makahanap ng magandang rason panlaba sa korte para mapawalang-bisa ang kasal namin."

"Base sa mga kwento mo, sure akong walang girlfriend 'yan." Singit ulit ni Sanaya. "Ex lang 'yang sinasabi niya dahil kilala ko ang pamilya niya somehow. Though pamilya lang ni Atty. Tres ang kilala ko. Sigurado naman akong gusto ka ni Elias. Ikaw 'yong gustong buntisin dahil ikaw ang gusto niyang panagutan."

Lagi na lang ganito ang naririnig ko na kesyo gusto ako ni Ginoong Elias. Iyon din naman din ang nararamdaman ko base sa mga kinikilos niya. Biruin mo, sa mga nakalipas na buwan ay halos maging maglive-in na kami sa bahay. Maski nga rin ako ay nagtataka kung may jowa nga ba talaga siya. Pero ayokong mag-assume, unless manggaling talaga sa kanya na wala naman talaga siyang jowa at gusto niya talaga ako.

"Baka gusto niya lang akong idagdag sa listahan na gustong buntisin tas iiwanan." Sagot ko naman.

Dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Paula. Nag-e-exist si Paula. Kaya ako hinanap ni Ginoong Elias dahil papakasalan na niya si Paula. Dahil sa huli ay siya pa rin ang nagmamay-ari kay Ginoong Elias. Nakokonsensya pa rin ako kay Paula dahil sa nangyayari sa amin ni Ginoong Elias. Alam kong makasalanan na ako ngayon at handa na akong pagbayaran ang mga pagka-kasala ko.

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now