#BWChapter27

41.7K 1.1K 218
                                    

Ilang araw matapos naming mailibing si nanay ay nanatili lang ako sa bahay. Ako na lang ang mag-isang nakatira rito sa bahay. Dito ko naramdaman ang pag-iisa. Tama si nanay, kaya niya ako inaalala ay dahil kapag nawala na siya ay mag-isa na lang ako sa buhay dahil ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya nang pamilya. 

Parating naman na ang anak ko kaya hindi ako tuluyang magiging mag-isa. Paminsanang dinadalaw ako ni ate at ni Sanaya o ni Luna. Pero, dahil may kanya-kanyang pamilya na sila ay saglit lang ang mga pagdalaw nila sa akin.

Sa totoo lang, gusto ko nang i-text si Elias para may makasama na rin ako. Kahit lagi niya akong binu-bwisit ay napapasaya naman niya ako. Simula noong nag-usap kami ay hindi na siya nagpakita pero lagi niya akong pinapadalhan ng pagkain sa umaga, tanghali, merienda, hapunan at maski midnight snack.

Kasalanan niya talaga kapag tumaba ako!

Kinakain ko naman kasi masarap ang mga pagkain na pinapadala niya. Minsan, luto niya iyong iba, iyong iba naman ay in-order na lang niya. Gets ko naman dahil may trabaho pa rin iyon. Swerte pa rin ako sa kanya dahil inaasikaso pa rin niya ako.

Napahimas naman ako sa maumbok ko nang tiyan. Ang bilis niyang lumaki. Apat na buwan na lang ay mailalabas ko na siya. Pero, hindi ko pa alam ang gender niya dahil sa ika-fifth month pa raw para sure. Excited na akong makita at makilala ang anak ko.

Bandang hapon naman ay bumisita sa akin si ate. Dumiretso siya sa bahay matapos niyang lumabas sa trabaho niya. Alam kong inaalala niya ako dahil buntis pa rin ako. Kaya ko naman ang sarili ko, mabagal nga lang akong kumilos sa mga gawaing bahay pero kaya naman.

"Hindi ka ba nalulungkot dito mag-isa?" Tanong sa akin ni ate habang pinagsasaluhan namin ang pinadalang merienda ni Elias.

"Nalulungkot." Honest kong sagot. "Ang laki na ng pinagbago ng bahay na ito. Noong mga bata pa tayo, sobrang ingay at gulo ng bahay na ito. Ngayon, puro ala-ala na lang ang naiwan rito."

Kita kong nagpigil ng ngiti si ate. "Bakit ba kasi ayaw mong pauwiin dito ang asawa mo? O, umuwi ka na sa kanya? Lucia, h'wag mo ng patagalin ang mga bagay na kaya niyo naman ng pag-usapan na dalawa. Sinasayang niyo iyong mga araw na dapat ay magkasama kayo."

Si ate ang bilis lumambot ng puso kay Elias. Porket na bilhan lang ng aircon sa bahay niya, pabor na siya agad kay Elias. Dati naman ay galit siya sa asawa ko. Itong si Elias binubudol ang pamilya ko sa yaman nila.

"Hindi naman kasi maganda ang simula namin kaya baka nagkakagulo lagi? Ewan." Sagot ko naman. "Parang natatakot ako na baka may mangyari na naman na hindi maganda kaya mas okay pa kung magkahiwalay kami ng lugar."

Matagal akong pinagmasdan ni ate habang nakangiti siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinaplos 'yon. "Lucia, hindi gulo iyan, pagsubok 'yan sa pagsasama niyo. Alam mo sa love, hindi lang siya basta emosyon, desisyon din siya, Lucia. Ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mag-work kung ano'ng mayroon sa inyo. Hindi laging masaya ang pag-ibig, lahat ng emosyon ay mararamdaman mo. At masaya akong nararamdaman mo 'yan dahil ibig sabihin, nagmamahal kang tunay. Desisyon mo na lang kung papanatilihin mo ang pag-ibig sa kanya."

Matagal naman akong nanahimik---pinagmasdan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Oo, gusto ko naman na siya. Pero...paano ako? Ano'ng kasiguraduhan ko na ako na talaga ang mahal niya at wala ng Paula sa puso niya? Isang dekada silang nagmahalan, ate."

"Lucia," Tumayo naman si ate at naupo sa tabi ko. Inakbayan pa niya ako. "Sigurado ako na wala ng Paula sa puso niya. Tanggap na niya ang nangyari pero may mga bagay lang talaga na mabagal ang proseso sa pagbitaw pero hindi ibig sabihin ay hindi pa tapos magmahal. Hindi na iyong tao ang matimbang kung hindi ang mga ala-ala na lamang. Lalo na kung sinasabi mo ngang dekada ang pinagsamahan nila. Iyong mga bagong tao sa buhay nila, iyon ang nakaka-tulong sa paglimot nila sa nakaraan dahil lumilikha ito ng mga bagong memories---at ikaw iyong bagong tao na iyon na pupuno ng mga bagong memories sa kanya."

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now