Chapter 3- Journal Entry

10 1 8
                                    

So, James was his name. Pero bakit mukang pang play boy ang pangalan? Sinimangutan ko yung babaeng tumawag sakaniya na James. Hindi man lang sinama ang surname, edi sana makikita ko na ang socmed account niya.

"Oh bakit ka simangot na simangot?" Ayciee asked me while we're eating fries,  tapos na kasi ang laban ng ust. Balak na namin umuwi, pero sayang naman kung uuwi agad kami.

"Nalaman ko na kasi yung pangalan ng crush ko." Malungkot kong sabi, na para bang hindi ko ma balance balance ang trial balance.

"Nakita mo?!" Gulat na tanong ni ayciee sa 'kin. Mahina aking tumango at nag order ng ice cream. Pam pa lubag loob man lang.

"Oo, narinig ko sabi ng kaibigan niya."

"E hindi kasi sinama yung surname  sayang lang at baka hindi ko na uli siya makita. Ang layo naman ng lalakbayin ko. Espanya papuntang katipunan!" Pag rereklamo nang dumating ang ice cream ko at agad ko naman itong nilamon.

"Oh ang puso" umaktong parang nahulog pa ang puso ni Ayciee. Kayamot.

"Dapat maging masaya ka ngayon. Natupad na ang isa sa pangarap mo." Kath tried to cheered me up, and ordered another fries.

Kumakain ka at nag kwekwentuhan nang may pumasok na mga customers kaya mas lalaong umingay ang paligid. Napatingin rin naman sa 'kin ang mga kasama ko, at kitang kita ko ang paglalaway ni Ayciee nang pumasok ang curhs ko at ang mga kasma niya!

Tinignan ko siya na para bang kakagatin ko siya ng wala sa oras. 

"Siya?!" gulat na niya at muntikan pang madura ang iniinom niyang lemonade! Maingat akong tumango dahil baka may makakita sa 'min at mabasa ang utak namin. 

"Sino mga naka blue, siay ang magbabayad ng bills." nakangisng sabi nung babaeng naka yellow na shirt at tinignan ang crush ko dahil naka blue siya ngayon. 

Tumayo si Ayciee at umupo sa tabi ko. Pinag krus ko ang mga braso ko at inirapan siya. 

"Dalawa ang naka kulay na asul sis. Sa 'kin yung basketball player." mahinang sabi niya at siniko at. 

I sighed in relief. 

"Oo, tapos lalaki." Sabi nung isang babae na naka asul rin ang suot na damit. 

My crush hide a smirked from them using the gulaman.

Ang cute! pakshet!

"Oo, tapos ang pangalan Richard Tyson Aguila." Sabi nung babaeng pamilyar sa mata ko. Parang nakita ko na siya, at hindi ko lang maalala kung saan. 

"Akala ko si James ang pinaparinggan." natatawang sabi nung babaeng naka asul rin ang damit habang nag po-pony siya. lahat sila- pati ako ay nakatingin kay James. 

Kunware, close kami para tawagin siyang James. 

Alam kong tatayo siya, kaya tumayo na rin ako. Kunwareng mag o-order ako. Pero hindi ko aaklain na mag o-order ako ng tunay. 

"Isa nga pong fries, at kwek-kwek" sabi ko at gustuhin ko mang mag hilamos  ng mukha dito sa kahihiyan, ay pinigil kong hindi gawin. 

Pakshet, yung wallet ko!

Lumingon ako sa table ng mga kasama ko para magpa tulong sa sitwasyon na ito. Gusto ko mang sabihin na icancel ang order ko, ngunit nakakahiya naman lalo na nasa likod ko lang ang crush ko. 

Nakakainis naman kasi, nag order ako  kahit wala naman akong dalang pera dito! Gusto ko lang naman lumandi kaya tumayo ako naki order. 

E-excuse ko sana ang sarili ko para kuhanin ang bag ko nang tumikhim ang lalaking nasa likod ko. Shet masiyado na ba akong natatagala dito sa pila?!

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now