Chapter 29- Birthday Surprise (part two)

2 1 3
                                    

"You're wish is my command. Happy Birthday, Shee." Napalingon ako at halos mabitawan ko ang sandok nang makita ko si Shenia sa harapan namin. Hindi rin mapigilan ang iyak ng mga magulang namin. 

We reunited!

Lumapit ako sakaniya para yakapin siya at hampasin siya. Baka kasi nanaginip lang ako. 

"Pota ka. Bakit ngayon ka lang." Natatwang sabi ko habang pinipigilan ang pag tulo ng luha ko. 

"Sorry ha. May pinag ipunan lang." Sabi niya at tinapik tapik ang mga balikat ko. Bumaling siya kila mama at papa bago niya bigyan ito ng ngiti. Unti unti siyang humakbang papalapit sakanila para yakapin. 

Tumulo ang luha ko, agad ko din naman itong pinahid. It's more than five years. Antagal naming hindi nagkikita pero ito ang ganda niya pa rin. 

"Ano na. Iiyak nalang ba tayo?" pang aasar ko sakanila at kinuha ko ng plato si Shenia. Katabi niya si mama. 

"Nakaka miss naman ang luto mo, ma." sabi ni Shenia nang matikman niya ang tuyo. 

"Nakaka miss ang filipino food 'no? Ano nasan na 'yung pinag mamalaki mong american food?" Mayabang na tanong ko sakaniya pero tinawanan niya lang ako. 

"Kaya pala can't be reach ka nung isang araw." I smirked.

I miss smirking at her. Iba sa pakiramdam na sa call lang kami nag aasaran.

Halos buong barangay ang dumalo sa bahay namin. Hindi naman ganoon ka bongga ang handaan pero andaming inimbita ni mama, dahil nga kaarawan namin ni Shenia at umuwi pa si Shenia ngayon. Halos bawat bisita siyang tinatanong kung may boyfriend na ba kami lalo na si Shenia dahil ilang taon rin hindi siya nagpa kita. 

Kahit ganoon pa rin ako sinalubong ni Shenia may alam naman pala sila mama. Hindi talaga sinabi para ma surprised daw ako. 

"Ano? kapagod ba mag salita?" sabi ko sakaniya nang maupo siya sa tabi ko. 

"It's very hot in the Philippines." sabi niya kaya kinuha ko ang pulang pamaypay ko sa may kusina.

Nang lumabas ako Akala ko ay namamahiga na si Shenia sa couch namin, pag lingon ko sa tagiliran ay nasa duyan siya. Umupo ako sa kailang duyan at inabot sakaniya ang pamaypay. 

"Inaantok ako. Nakaka antok dito." Natatawang sabi niya nang abutin ang pamaypay. 

Nag kwentuhan kami ni Shenia habang papalubog ang araw. Habang ang mga bisita namin ay nasa loob nag kwekwentuhan. It's the best birthday, so far. 

Kinuwentuhan niya ako kumusta ang mahaba niyang flight. Nakakatakot raw pero safe naman daw siyang nakarating at may pogi daw na piloto. 

Captain Salazar raw. Ang familiar lang. Sadyang marami talagang Salazar. 

Pinapasok na rin kami ni mama dahil medyo malamok na at konti na rin ang bisita. 

"Oh. Bakit ngayon ka lang?" naka paymawang na sabi ko nang pumask si Kiko. Mukang hindi pa rin siya makapaniwal na umuwi si Shenia. 

"Gago si Shenia ba talaga 'yan? Gago ang puti. Nakak puti ba sa minnesota?" sabi niya nang lumapit siya sa 'min. 

"Ilang taon ang lumipas pero bakit hindi pa rin kayo nag de-developan ng feelings?" pangaasar niya pabalik. 

"Iba ang gusto ni kiko." nakangising sabi ko at marahang tinakpan ni Shenia ang bibig niya. 

"For real?" hindi makapaniwalang sabi ni Shenia. 

"Happy Birthday to you, happy birthday to you," halos lahat kami ay nagsi tahimikan nang makaranig kami ng kanta. At dahan dahang lumabas si Aycie, kasama sila James. Hawak hawak ni James ang cake habang ang iba ay may iba't ibang bitbit. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now