Chapter 6- Magical drawing

5 1 3
                                    

Dahil hanggang 2pm pa kami ay ni messaged ko na si mama na may dadating na customer 40 pcs na halaman, hindi ko na sinabi kung anong halaman dahil wala rin namang sinabi sa 'kin.

Gustuhin ko mang pumunta sa shop namin, pero hindi pwede. Ang terror ng mga prof namin sa hapon. Mga hindi dapat pinapamlampas, sayang rin ang tuition.

"Wala ba tayong meeting kay Prof Cynthia ngayon?" Pagtatanong sa 'min ni Joi na halatang wala siyang gawa at yung ka-pair niya.

"Wala, sis. Ligtas ka ngayon." Natatawa kong sabi habang nag d-drawing. Nakakainis naman kasi 'tong minor subject namin may pa drawing drawing pang nalalaman.

"Mga tao, kailan ba ipapasa 'tong drawing?" Nayayamot na sabi ko dahil hindi talaga ako biniyayaan ng talento sa pag guhit.

Mula elementary hanggang high school ko tiniis ang may drawing drawing, hindi naman ako nag architecture or interior tapos mag papa drawing? Ang taas taas pa ng standard ng prof!

"Kalma, sheelina! " Malakas na sabi ni Joi at tumawa dahil gigil na gigil raw ako .

"Next week pa naman 'yan." Kalmadong sabi niya.

Ayun naman pala next week pa. Edi bukas ko nalang 'to pagpapatuloy.

Dumating na ang prof namin sa elective, akala ko sandali lang siya mag tuturo sa 'min pero napapa extend. Kung kailan naman gusto kong umuwi ng maaga tska siya nagpapa extend. 

Palihim kong minessaged si James. 

ssarellano: Hi, babii. I'm sad, hindi kita makikita. Nagpapa extend yung prof namin sa elective. 

Malungkot kung tinipa ang mga 'yun at sinend sa kaniya bago makinig uli sa prof namin. 

My phone vibrated sinilip ko siya, at sa gulat ko ay nag reply agad si James.

jdflores: Hey, it's okay. Nandito na kami sa flower shop niyo :) 

jdflores: My name is not babii, so quit calling me babii. 

I smiled on the latter part, mukang pinagbigyan niya lang ako kagabi dahil pagod siguro siya sa mga plates niya. 

Kahit boring siyang magturo ay pilit ko paring makinig dahil ang hilig niyang magpa surprise quiz. 

"May naintindihan ka ba?" pag tatanong sa 'kin ni Kath habang papunta kami sa car park. Nagiging hobby ko na rin yata ang kumain sa car park, kahit hindi naman talaga ako ganoon ka-hilig kumain. Sadyang masarap lang ang panlasa ko kung libre ang pagkain. 

"Ano balak niyo sa pasko?" tanong ni Ayciee habang hinihintay ang order namin. 

"Punta ako sa farm namin sa tagaytay." sabi ko sakanila at tumayo dahil lumabs na ang order number namin sa screen. 

"Hindi pa ako nakakasubo kinuha mo na aagd yung fries!" pag rereklamo ko at tumingin  sa paligid, napa tingin sa 'kin ang mga tao kaya hininaan ko na lamang ang boses ko at umupo. 

"Paalala lang wala tayo sa palenke." Mas lalo ko siyang siniko dahil hindi naman pang palenke ang boses ko!

"Akala ko ba atat na atat kang umuwi?" Sabi sa 'kin ni Kath, habang kumuha namana ko ng fries at inilagay iyon sa ice cream. 

"Hindi ko rin naman maabutan yung crush ko." Malungkot na sabi ko, dahil anong oras na rin naman, sigurado akong nakauwi na sila. 

Akala ko ay ligtas na ako sa kanila, hindi ko pala naikwento sa kanila kung paano nangyari na na alam ko yung socmed niya, at nakilala ko ang mga kaibigan niya. Hindi ko naman masasabi na kaibigan ko sila, dahil ilang beses lang naman kami magkita. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now