Chapter 4- Lost with the new friend

5 2 0
                                    

Umayos ako ng dapa habang nakatitig ang mga mata ko sa phone.

Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako naka abang sa phone ko.

Pucha, I'm getting my hope too high, hindi naman niya ako ime-message kaya bumba na muli ako sa at pumunta sa kusina. 

"Buti may last customer pa." sabi ni papa habang nakain kami, agad tumingin sa 'kin si Shenia at lumaki ang mata.

Tumingin siya sa 'kin na para bang may alam siya, na para bang nakita niya kung sino ang last customer namin.

"Oo na, gwapo." Sabi ko at tumingin sa kurbyetos ko at mahinang pinag laruan ang kanin. Pero agad rin naman akong sinuway ni mama, kaya mabagal na lamang akong kumain.

"Hindi ko naman tinatanong kung sino. Pero sinabi mo na, sige ikwento mo na" inilay niya ang mga kamay niya sa direksyon ko na mag kwento na raw ako.

"James Flores yung nag bayad. Pero para sa kapatid niya yung biniling bulaklak." Maikling sabi ko, akala ko makakaligtas na 'ko pero nag tanong nanaman ang walang kapagurang tanong ng kapatid ko.

"Siya ba yung sinasabi mong crush mo?" Pag tukoy niya muntikan pa akong mabulinan sa tanong niya. Mabagal akong tumingin sa mga magulang ko na nakatingin sila sa 'kin nag hihintay ng sagot.

"Oo." Mahinang sabi ko at tumango. Pinag patuloy ko ang pagkain, pero ubod ng tanong pa rin sa 'kin ang kapatid ko. Habang ang mga magulang namin ay naka tingin sa 'kin nag aabang lagi ng sagot.

Parang 'di na pamilya, ah.

Lumipas ang mga araw nang hindi ko na nakita ang crush ko. Kahit tumambay tambay pa ako sa flower shop namin ay wala pa ring nangyayari.

I smirked while laying my head in the counter while I'm scrolling my socmed through my phone. I saw his story, finals na pala sa uapp. It was just a picture what's probably in front of him. Ang hilig niya siguro sa basketball?

Looking at his profile.

jdflores
Nozeke is busy with his plates- Lux in Domino.

2, 458 followers  58 following

I smirked upon stalking his profile. Ang famous naman niya, out of  2, 458 followers 58 lang ang fina-follow niya.

Muka akong tanga kakatingin sa profile niya, ngumingitu ngiti pa akong nalalaman dito. Pucha, ganito ba talaga pag hindi ka crush ng crush mo?!

Napa tayo ako sa gulat nang ma pindot ko ang like button na post niya years ago! Nyeta, nakakahiya!

Tumunog ang bell sa pintuan, kaya kahit muka akong tanga dito dahil sa gulat ay tumingin pa rin ako kung sino ang customer.

Pucha, kaka pindot ko lang mg like button tapos nasa harap ko na yung ni-like kong photo?!

Hindi ko alam ano ang ginawa ko sa past life ko, para mangyari ang mga bagay bagay. Parang hindi ko naman deserve!

Agad akong tumalikod, at nag ayos ng buhok. Kinapa kapa ko pa yung mukha ko baka may kung ano mang dumi.

"Good Afternoon, Sir. How do I help you?" I told him and tried to maintain my nervous smile. Parang hindi ko na kakayanin pa!

I saw how his facial expression changed. He looked so confused. Ganito ba ako ka mukang-tanga sa harapan niya?

"Ahm" sabi niya at humawak sa batok at tumingala na para bang nag iisip kung ano ang sasabihin.

Cute.

"For congratulatory flower." He told me, and shrugged.

He always shrugged, napaka mysterious niyang tao. Ang hirap na nga niyang hagilapin dahil ang layo ng katipunan sa espanya, tas dumagdag pa 'tong pa-mysterious niya. Ang hirap kausapin, ang hirap niyang landiin.

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now