Chapter 23- Still, mahiwaga.

6 1 6
                                    

"Buti natanggap mo ang text ko." Bungad na sabi ni papa nang hintayin ako sa gate. Lumabas rin si mama nang marinig ang boses ko.

"Sheelina, kaya mo ba sa maynila? Baka maligaw ka-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya si James. Lumabas rin pala sa kotse niya.

Tumikhim si mama at tumigin kay papa ganoon rin ang ginawa ni papa. Hindi malaan kung ano ang kanilang gagawin o ano ang kanilang sasabihin.

"Good Afternoon po, Mr and Mrs. Arellamo." Magalang na sabi ni James nakita ko ang mga gulat ni mama sa kaniyang mga mata.

"Isasabay po ako ni James papuntang maynila. Dahil doon rin ang punta niya." Sabi ko at bahagyang ngumiti. Alam kong kulang ako sa kwento...

"Nakapag tanghalian na ba kayo?" Pagtatanong ni mana pero ang mga mata niya ay nakay James.

Tumango ako at nakita kong tumango rin si mama at bahagyang tumingin kay James.

"Mabuti siguro kung umalis na kayo dahil baka gabihin kayo sa daan." Sabi ni papa dahil talagang sila na ang nag ayos ng bag ko mga damit ko, at ang mga iba pang kailangang dalhin sa maynila.

"Paki ingat ang anak ko." Sabi ni papa kay James! Pucha, makikisabay lang naman akong papunta sa sa maynila.

"Nako- salamat naman at isasabay mo ang anak namin. Ilang taon na rin kasi kaming hindi nakakapunta sa maynila. Baka maligaw pa si Sheelina." Sabi ni mama at ngumiti, nakita ko ang pag siko niya kay papa.

"No worries. Mr and Mrs. Arellano." Sabi ni James at bahagyang ngumiti. Kinuha ko ang pag na inihanda ni papa at bibitbitin saya iyon papunta sa sasakyan ni James nang kuhanin niya 'yun at siya na ang nag lagay sa sasakyan. Kumaway ako kila mama at papa bago sumakay.

"Uh, thank you uli." Naiilang na sabi ko, kahit pwede namang casual kaming mag usap ay nababaguhan pa rin ako.

"Naging friendly ka." Bulong ko na hindi ko inaasahan na maririnig niya 'yun kaya mahina siyang tumawa at pinaharurot na ang sasakyan.

I'm not really good at the road, at ilang taon na rin akong hindi nakaka biahe. Mahaba habang biahe ito, kaya minsan ay tumitingin ako kay James alam kong pagod siya...

"Are you everyday travelling from manila to la union?" I asked.

"Hindi lagi. Ngayon ngayon lang, dahil may project ako sa la union." Sabi niya habang nag mamaneho.

"Kahit malayo ang projects mo?" Namamangha kong tanong dahil nakaka alis siya ng maynila. Hindi lang iyon ang workplace niya.

"Yup, mostly sa around manila to cavite lang. Hindi ko lang matanggihan ang project ko sa la union dahil lola ko na ang nag sabi." I nod my head and looked at the road. It's been a while since I saw this wonderful view. Ang mga bahay, habang nag lalaro ang mga bata sa labas.

"Do you want to take a rest?" I asked. Dahil halata naman sa mga mata niya ang pagod.

Nakakapagod naman talaga manila to la union, halos araw-araw.

"Do you know how to drive?" His brows furrowed. "Hindi.." pag iling ko.

"Pwede naman tayo mag stop over muna. Tapos kain tayo." Pag suggest ko.

"I'm good. Baka gabihin pa tayo." He rest assured that we'll get to manila early.

I looked at the bag papa prepared for me. I saw some food, and smile. Buti naman at naisipan nilang padalhan ako ng pagkain.

"Do you like some?" Pag alok ko sa tuna pie

"Sige." Maikli niyang sabi at inabot ko sakaniya ang tuna pie.

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now