Chapter 33- No rush

3 1 4
                                    

Sinundo nila James si Ashey sa airport before the day of Thala's bar grand opening. I was not able to come with them dahil umuwi ako sa ilocos. Nag leave ako ng isang linggo lang naman para tulungan si Shenia. Busy rin ang mga magulang ko sa negosiyo namin. 

Thala understood me very well. She understand why I can't come. She has always been like that. Lagi siyang maintindihin na tao. 

"Shee!" sigaw ni Shenia kaya napa takbo ako sakaniya. Hindi pa naman due. Next month pa nga, e.

"Paki kuha ng santol."pag utos niya sa 'kin, kaya napa simangot nalang ako. Akala ko naman kung ano dahil kung maka sigaw akala mo na kung ano ang nangyari. 

Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay dahil maya maya ay dumating na si kiko may dalang isda. 

"Na e excite na 'ko kung ano ang kalalabasan ng anak mo." Sabi ko sakaniya habang nag wawalis. Ang arte niya lang ngayon gusto malinis ang paligid. Wala nga akong makitang alikabok dito, e. 

Maya maya ay dumating si Kiko may dala dalang isda. "Fresh from the sea?" pag tatanong ko habang hawak hawak ang walis. 

"Nakakapagod. Ganito pala ang isang buntis." Kiko chuckled. 

"Tanga bakit natakot ka yata?" natatawang sabi ni Shenia at hinayang silang dalawa nalang muna ang mag usap. 

Ngayon din bridal shower ni Eisen pero hindi ako makapunta dahil busy rin ako dito sa 'min. "Shenia, dalhan ko lang ng lunch sila mama. Si kiko muna ang mag babantay sa 'yo." Sabi ko sakaniya at handa na 'kong lumabas ng bahay. 

Kahit tirik na tirik ang araw ay nag lakad ako. Ayaw ko rin naman mag aksaya ng pamasahe at masiyado pang maaga. Ayaw ko rin umuwi agad. 

"Ano 'yan?" papa asked and looked at the lunch box. 

"Sinigang na bangus. "wag na kayo mag reklamo. 'Yong panganay niyo naman ang request niyan." Sbai ko at umupo sa harapan nila. Alam kong gusto na nila ako pauuwin dahil kay Shenia. Ngayong malapit na siya manganak ay maselan siyang tao ngayon. 

"Pa, kalma. Nandoon naman si kiko. Nag dala pa nga ng isda, e." I shrugged as they started to eat. 

"Anong isda?" pag usisa ni mama. 

"Tulingan." mahinang sabi ko. Nang maka sampung minuto ako dito ay umalis na rin ako para naman mapanatag sila na may kasama si Shenia. Bala may iba pa siyang cravings kaya tinext ko nalang siya. 

Buti nalang at wala dahil wala akong dalang pera ngayon. 

Nagulat ako nang bumusina ang isang kialal kong sasakyan sa tabi ko at binuksan ang binata. "Ang init init nag lalakad ka."

"Anong ginagawa mo dito?" pag tatanong ko kay Ayciee. Hindi naman thursday ngayon para puntahan ako o mamasiyal siya. 

"pake mo ba. Sa 'yo ba 'tong lugar?" She said sarcastically and let me in inside her car. 

"Ano kailan ba balak mo bumalik sa manila?" She said while driving.  

"Sa isang araw pa naman." Sabi ko at humikab. Hindi naman ako 'yong buntis pero ako 'yong inaantok. Pagka rating namin sa bahay ay dumiretso na 'ko sa kwarto ko at natulog. Nakaka antok pala ang pag lalakad sa initan. 

Naalimpungatan ako sa ingay, laging nangingibabaw ang ingay ni Shenia at Ayciee, kaya maya maya ay bumangon na rin ako. 

"Ang ingay ni-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si James sa harapan ko. Nag mimiryenda sila. Ni hindi man lang ako ginising na nandito si James! Hindi naman first time na makita niya ako ng walang ayos, pero nahihiya pa rin ako. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now