Chapter 26- Not so ready

1 1 1
                                    

" 'kay rami naman, niyan." sabi ni mama nang ilapag ko ang paper bag na puro sweets ang binigay ni James. Nag post rin ako kanina ng sweet blue roses habang ang view ay ang mga ulap. 

"Galing kay James 'yan, ma. Hinatid niya ako sa paliparan." Namilo ang mga mata nila nang banggitin ko ang paliparan. 

"Para daw hindi na ako matraffic at mabilis ang transportasyon. Yung kaibigan ko, namin ni James dati. Yung asawa niya piloto siya nga yata yung may ari nung sky waze. Ayon ni libre ako ng flight." Pag papaliwanag ko habang inilalabas ko ang malibag ko para malabhan na. 

"'kay yaman nga naman nila." Sabi ni Mama at kumuha ng kutsilyo para hiwain yung cake. Na miss niya rin kumain ng cake at iba pang matatamis. Dahil tuwing okasyon lang kami nakaka kain ng mga ganiyan ka garbo. 

"Masarap siya." sabi ni mama habang tumatango tango. Sila ay nag de-desert na, ako ay kakain pa lang ng hapunan.

"Fhalla's Treats" pagbasa ni papa sa pangalan ng pastry. 

"Kay Thala po 'yan. Siya ang may ari ng pastry na 'yan. Pati yung pizza na inorder ko dati. Isa na po siyang CEO ng mga pagkain." Natatawang sabi ko nang mag ring ang phone ko. Kahit ayaw ni papa na sagutin ko ito dahil nasa harap kami ng pagkain, baka raw kasi cliente kaya sinagot ko na. 

[hello? Sierra. NUmber mo ba talaga 'to? o pinag loloko lang ako ni James?] Bungad na sabi ni Ashey nang sagutin ko ang tawag. 

"Uh, hello. Ashey." sabi ko at lumunok dahil na nguya nguya pa ako nang sagutin ko ang tawag niya. Nakarinig ako ng pag hinga niya sa kabilang linya. 

[Ano, pwede ba mag shooting sa botanical garden niyo? May teleserye kasi kami. E garden date ang naiisip nung bida...]Sabi niya na palaga ko ay may inaasikaso pa. 

[Naka ready naman na yung kontrata. Pwede ka ba puntahan bukas? Tapos basahin mo yung kontrata. Magdadala na rin ako ng abogado para sure talaga.] She said while talking to someone else. Nakarinig rin akong may inuutusan siya. 

"Sige. Bukas nalang nandoon lang naman ako." Sabi ko dahil tapos na naman kaming mag deliver kila Mrs. Flores. Kaya tambay muna ako botanical garden namin. 

"Sino 'yun?" pagtatanong ni papa nang makabalik ako sa upuan. 

"kliente po. Pupunta daw siya bukas, pero wala namang sinabing oras." sabi ko at tipid na ngumiti. 

"Naku h'wag na tayo umasa dahil baka manloloko lang 'yan. Sa tagal na natin nakakatanggap ng ganiyang tawag." pag tukoy ni papa. Hindi ko na sinabing si Ashey 'yun, hindi rin naman ako sigurado kung pupunta ba talaga siya bukas. 

Nang gabing iyon, halos buong gabi akong nakangiti at nakatingin sa sweet blue roses, buong araw akong nagulat dahil sa pakana ng squad. lalo na si Ayciee! Dahil saknaiya nag kita kita kami, kahit sandali lang. Natulungan pa si Mang Nielo. Nakasaya pa ako sa eroplano. Andaming nangyari sa isang araw. Ang alam ko lang ay sumaya ang puso ko. 

It wasn't bad opening up your emotion. 

Parang gumaan ang loob ko nang sabihin ko Ayciee. Kahit malikot siya at ang ingay pag sektro at sensitive yung topic lagi mo siyang maasahan. Hindi siya nakakalimot kahit ilang taon ko nang ghinighost siya. Hindi ko rin naman kasalanan na minsan ay mahina ang signa sa 'min. 

Kinabukasan ay tanghali na akong na gising alas dies. Tinirhan ako nila mama ng pang umagahan. Tuyo ang ulam namin at itlog. Kahit tinatamad akong bumangon at kumilos ay pinili kong maligo dahil pagagalitan ako ni mama kung hapon na ako dadating. 

Naka tanggap ako ng message galing sa socmed ni kiko. 

naguekiko: operasyon na ni tatay. 

naguekiko: Nakaraos rin. Successful ang operasyon ni tataty, Hihintayin nalang namin siyang gumising. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now