Chapter 5- The seed will start to grow

3 2 3
                                    

"Sheelina!" Sigaw sa 'kin ni mama, kaya nag dabog ako habang pababa. Ang aga aga mang iistorbo sila ng tao?!

"Ano?!" Sabi ko habang masama pa ang loob, dahil ginising gising pa 'ko. Sabado naman ngayon wala kaming pasok.

"Magbantay ka, pupunta kami sa kasal." Sabi ni mama habang kumakain ng umagahan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Shenia gising nakaligo na bihis na. Mukang may lakad 'to ah.

"May research kami, wag kang judgemental diyan." Sabi agad ni Shenia at pinag patuloy ang pagkain. 

"Ang ire-research namin ay yung mga iba't ibang soil na gagamitin sa gumamela." she said and shrugged. 

Nakakainis, may pa shrugged shrugged pa siyang nalalaman. 

Naligo ako dahil wala naman akong choice. Sinuot ko ang floral blue long dress na binili ko sa shopee nung 11.11 buti at dumating agad ito. Nag dala rin ako ng ibang notes sa accounting para habang nag hihintay ng customer ay, may iba akong gagawin. 

Nauna na silang umalis kaya ako na ang nag lock ng pinto at gate. 

Nagtataka ako dahil ang aga aga pa ay andami na agad nakapila sa labas ng shop namin. Ano ba sila tambay at walang magawa sa buhay? 

Binuksan ko ang shop namin, at inilagay na ang signage na we are open. Agad pumasok ang mga tao sa loob?! 

Anong kalokohan nila ngayon?! 

Pucha isa lang namana ko dito ngayon. Sana naman walang mag nakaw. 

Pumunta ako sa counter upang pagmasdan nila. "Asan yung daisies niyo?" tanong ng isa naming customer. Tinuro ko yung mga daisies na naka organized per color. 

"A bouquet of daisies with roses." sabi nung iang customer, ipapa customize niya ang boquet na 'yon. 

"Yung mga magpapa customize po ng bulaklak pumila kayo dito, at isulat sa papel. Take note, matatagalan po ang orders niyo dahil marami pong customers. Uunahin ko po muna yung mga bibili na agad. Salamat." Sabi ko sakanila at sa gulat ko ay wala pa ring umaalis?!

Halos pito yung nag bayad ng hindi customize na bouquet of flower kung ano yung nasa display yun na. 

Sinimulan ko na yung pag babalot sa customized bouquet of flower nila, pero bakit halos lahat sila ay tulad tulad?!

"Daisy month po ba ngayon bakit parang halos lahat kayo yun ang binili?" Natatawang sabi ko at binigay sakanila. 

"Nakiki uso lang po kami." sabi nung batang lalaki na palagay ko ay high school lamang ito. 

Gusto ko mang usisain pa, pero may mga customers pa na dumating. 

Pashet, bakit ngayon pa sila Shenia gagawa ng research nila sa gumamela. 

"Dito ba 'yun?" narinig kong sabi ng isang customer. 

"Oo nakalagay La Hacienda Flower shop. "Sabi nung isa at tinuro ang pangalan ng shop namin na nakalagay sa labas. 

"Mag sasabi na nga lang si A ng flower shop hindi pa sinabi kung saan banda sa plilipinas." sabi nung isa at napakalmot sa ulo. 

"Hi, how do I help you?" pag bati ko sa customer na kararating lang at ngumiti ako ng ayos sa kanila. 

Pinakita nila yung picture ng bulaklak. Kumunoot ang noo ko, the picture looks so familiar, so as the venue. 

Ganitong ganito ang mga bulaklak na inorder ng ibang customer kanina.

Nag bukas rin naman ako ng socmed pero bakit ang outdated ko masiyado?!

Influencer ba yung bulaklak na binigyan ni James nung nakaraang araw? siya lang kasi ang customer ko na bumili ng ganoong customized boquet, e. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang