Chapter 8- You and I

6 1 7
                                    

Todays a sunday, so I don't know kung ano yung pinag sasabi ni James na magkikita kami sa bukas na pinag sasabi niya. Nag hinatay ako nung 24, pero hindi ko naman siya nakita.

"Hoy bumangon bangon ka na diyan." Malakas na sabi ni Shenia habang inalsan ako ng kumot. Iminulat ko ng bahagya ang mga maa ko habang yamot na yamot ako sakniya. 

"Mahal na prinsesa bangon na, may bisita kang naghihintay." Sabi niya at pinag krus ang braso habang ang mga labi ko ay smangot na simangot pa rin sakaniya. 

"Wag mo akong simangutan diyan, nag hihintay si James sa baba." Bigla akong napabangon ng wala sa oras at hinipo ang mukha ko kung may mga muta o panis na laway ba ako. 

"Aba maligo ka na, anong tinatatayo tayo mo diyan?" masungit niayng sabi sa 'kina t tinulak ako  palabas sa kwarto ko, aagd ko naamn siyang pinigilan. Pero tinawanan lang ako at tinulak ako papunta sa banyo. 

"Pucha? Ano 'yun?" sabi ko sa sarili ko at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Binuhasan ko ng tubig ang mukha ko para magising ako ng tunay at  bumaba ako para tignan kung nandoon ba talaga si James o pinag loloko lang ako ng kapatid ko. 

"Hoy anong sinasabi-" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang lumingon sa 'kin si James habang ang mga mata ko ay lumaki at narinig ko ang mahinang tawa ng pamilya kong nakaharap kay James. 

Pucha naman!

Agad akong tumaas at mabilis na naligo. 

Ito ba yung sinasabi niyang see you tomorrow? Wala man lang sinabi anong oras. Kung sinabi niya edi sana naka gown na ako dito!

Nag suot ako ng high waist  jeans at ang ka o-order ko lang nung nakaraang linggo. Yung yellow checkered na crop top. Bumabagay naman sa 'kin. 

Mahinhin akong bumaba sa hagdan. Parang prinsesa ako kung maglakad. Nang bumaling ako kay Shenia ay kitang kita ko ang ngsisi sa kaniyang mukha. Halatang inaasar ako. 

"Wow ang prinsesa." She exaggerated and looked at me, I gave her a smirked. 

"Mauna na po kami." Magalang na sabi ni James, habang tinignan ko siya? Pwede naman pala siya mag tagalog, masiyado pa kaming nagkakahirap hirap dito. 

"Bye" malanding sabi ko para asarin lalo si Shenia. 

Akala ko ay ihahatid kami nila mama hanggang gate lang pero hindi ko namn inakala na sasama rin sila sa 'min?! at talagang naupo pa si papa sa passenger's seat!

Tinignan ako ni James sa rear mirror at bahagya ko siyang nginitian. 

"Akala ko ba may pirmahan kayo?" pagtatanong ko kay mama na katabi ko. 

"Oo nga, ihahatid kami ni James sa tagaytay. tas yung kapatid mo na ang bahala tumingin sa tindahan." sabi niya ng mahinahon habang nakatingin sa bintana. 

Ma, balang araw mabibilhan ko rin kayo ng sasakyan. 

Nag kwentihan sila papa at James habang papunta kami sa tagaytay, hindi ko naman sila maintindihan dahil puro klase ng bahay ang mga pinag uusapan nila. Minsan yung sasakyan o kaya kung ano nalang ang makita nila sa paligid. 

Bago pa man makbaba si papa ay tinanguan ni papa si James. Parang nagkaroon sila ng silent conversation. 

"Sheelina, dito ka na sa unahan. Nakakahiya naman kay james at mag mumukha siyang driver." Sabi ni papa at nginisian ako. Nakangiti akong pumasok sa passsenger's seat niya at tinignan siya. 

"Saan tayo pupunta?" sabi ko sakaniya habang nakatingin siya sa kalsada. 

Ayaw ma lang magkaroon kami ng eye contact. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now