Kabanata 7

169 17 0
                                    

THE THIEF

GUTOM. Ang salitang kanina pa nagpabalik-balik sa isipan ni Lis. Umaga na at 'di pa sila nakapag-umagahan. Bigla niya tuloy naalala ang mga katulong niya. Ganitong oras siya dinadalhan ng umagahan.

"Hay!" Bagsak ang balikat niya habang naglalakad. Lalo lang siyang nagutom nang masulyapan niya ang isang tindahan na nagtitinda ng mga prutas.

"Nabanggit ba ni Zebrion kung anong magician si Cortez, master?" tanong ni Aster na naglalakad sa likuran niya.

"Hindi," sagot niya, ang mga mata ay nasa mga prutas pa rin. Tumigil siya sa paglalakad at lumapit doon. Inilapat niya ang kamay sa pader na parang jelly at natatakam na tinitigan ang mansanas na nasa loob.

"Master?" Naramdaman naman niyang lumapit din si Aster. "What are you doing?"

"Hindi ka ba nagugutom? Gutom na ako," reklamo niya. Sakto namang tumunog ang kaniyang tiyan.

"Ginusto mo 'to, 'di ba? Panindigan mo."

Mabilis naman niya itong sinimangutan, inirolyo ang mga mata at ibinalik ang tingin sa mansanas. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya makukuha 'yon. Kung bibili siya, 'di naman siya nagdala ng Meo (Rise's currency). Kung magpapakita naman siya baka gulo lang ang abutan nila.

E, kung nakawin na lang kaya niya?

Kaagad siyang napailing sa naisip. Hindi siya pinalaki ng magulang niya para magnakaw. How could he even think of that as an option? Hay! Epekto yata ng gutom.

'Sorry, Mama.'

"How long are you going to stay there? We need to find Cortez first," tawag ni Aster.

Nabuhayan naman siya sa naisip niya. Kung mahahanap nila ang lalaking nagngangalang Cortez, puwede siyang manghingi ng pagkain sa lalaki. Sana nga lang ay mabait itong Cortez. Sana. Sana. Sana. 'Di niya mapigilang magdasal. Gutom na gutom na talaga siya.

Napunta ang tingin ni Lis sa mga halamang nakaparada sa kaniyang paanan na kanina pa nagdadaldalan.

Three young Chrysanthemums. Rinig na rinig niya sa isipan ang mga usapan nila. Mukhang ang may-ari ng tindahan na ito ang may-ari din ng mga halaman.

"Hey, Flora!" bati niya. Pansin niya namang nagulat ang mga halaman dahil sa kanilang pagsinghap.

"S-sino iyon?"

"Hala! Rinig mo rin? Akala ko ako lang, e!"

Magtataka na sana siya dahil parang hindi siya nakikita ng mga halaman nang maalalang nakakubli nga pala sila. Muntik na niyang tampalin ang kaniyang noo sa katangahan.

"I'm in front of you. You can't see me though." Marahan niyang hinawakan ang maliit at gutay-gutay na hugis ng dahon sa isa sa mga Chrysanthemum. Nasa loob ito ng paso.

"Sino ka? P-paano mo kami nakakausap? Hindi ka magician, 'no?" humiyaw ito. Napangiwi naman si Lis sa tinis ng boses nito.

"What are you doing?" Aster asked.

Nilingon niya ang kaibigan. "I'm talking to them." Turo niya sa mga bulaklak at muling ibinalik ang atensyon sa kanila.

"Paano mo naman nasabi na hindi ako magician?" Pinitas niya ang isa sa mga dahon nito.

"Aw! Masakit 'yon ah!"

"Hindi naman kasi nakakapag-usap sa amin ang mga magician, e!" sagot no'ng isa na katabi lang ng bulaklak na kinuhanan niya ng dahon.

Mahina siyang tumawa. "Sorry. I'm Lisianthus. Lis will be fine. And yes, I'm not a magician."

"You are Lis?"

The Dissolving FlowerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant