Kabanata 11

178 17 1
                                    

THE FLOWER WHO LIKES TO SHIP

PUMASOK na si Lis sa loob ng flower shop. Magsasalita na sana siya nang mapansin ang mga tingin ni Aryl. Huminto siya sa pintuan at sinundan ang mga titig nitong nakapokus sa kaniyang kaibigan—kay Aster na abalang pumutol ng mga bulaklak na tinuturo ng customer.

'Oh-ho? What is this?'

Palihim siyang ngumiti at saka dahan-dahang nagpunta sa counter. Tinabihan niya si Aryl at bumulong, "Kung titingnan mo lang, walang progress na mangyayari."

Napaigtad si Aryl matapos niyang magsalita. Halatang ngayon lang siya napansin dahil sa nagtataka nitong mga mata. Sinalubong niya ng ngisi ang babae.

"Ikaw ha!" Mahina niyang siniko ang braso nito.

"W-what? Anong ako?" kabado nitong tanong, 'di makatingin nang diretso sa kaniya. Parang magnanakaw na nahuli sa akto at nag-iisip ng puwedeng palusot.

"Kalmahan mo lang, Aryl. Baka biglang matunaw kaibigan ko kakatitig mo."

"Hindi ako nakatitig sa kaniya!" Itinulak siya nito. "Huwag ka ngang dumutdot. Ba't ka ba kasi pasok nang pasok dito? Doon ka sa labas."

Napahagalpak siya ng tawa dahil sa reaksyon nito. Lalo tuloy siyang ginanahan na asarin ang babae dahil namumula na ang noo at mga pisngi nito. Nilingon niya si Aster ngunit mabilis ding binalik ang tingin kay Aryl. Kay Aster tapos kay Aryl ulit.

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa naisip. "May potensiyal."

"Ano bang pinasok mo na naman dito?" Halata sa boses nito ang pagkairita.

"Gusto kitang makausap," sagot niya. Inalis niya muna sa isipan ang plano niyang tuksuhin at paglapitin ang dalawa. "I heard rumors."

Mabilis na kumunot ang noo ni Aryl. "And? Huwag mo sabihing nangialam ka?"

"How can I not? I heard your name." He trailed off. "And about your sibling." He looked at her with a straight face. "Tell me about it."

"No," mabilis nitong sagot at tinalikuran siya. Ngunit pansin niya kung paano tumaas ang balikat nito. He hit some facts.

"Tell me."

"Sabi ng ayoko nga! Bakit ba napakapakialamero mo?" Humarap ito sa kaniya. Salubong ang mga kilay at nakakuyom ang mga kamao. Muli niyang naramdaman ang kakaibang enerhiya na naramdaman niya kagabi. Malice. Pure malice. She was warning him to stop.

Pero imbes na makinig ay ngumisi lang siya. Nanatili lang siyang kalmado. "Don't snarl at me, miss."

"Then don't interfere with my life." Mariin ang bawat salita nito.

He pouted. "Hindi mo talaga sasabihin?"

"Hindi ka ba talaga titigil?" Muling tumaas ang boses nito. "You're invading my privacy!"

"Okay," sagot niya. "Hindi na kita pipilitin."

Kita niya sa mukha ng babae ang pagkalito sa biglaang pag-atras niya. Pinagmasdan siya nito nang may pagtataka. Ngumiti naman siya. Ang pinakamatamis na ngiting kaya niyang ibigay. Matamis ngunit may halong pang-aasar. Wala pang isang segundo, napalitan agad ng ngisi ang kaniyang ngiti.

Pinagkrus niya ang mga braso bago nilingon ang gawi ni Aster. "What can you say about my butler?"

Hindi niya sinulyapan si Aryl sa kaniyang tabi pero ramdam niya ang nagtataka nitong tingin.

"At bakit napunta sa kaniya ang usapan?"

"Sabi mo ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa kapatid mo kaya si Aster na lang. Total naman nahuli kitang nakatitig sa kaniya kanina," mapaglaro niyang sabi habang hindi pa rin inaalis ang ngisi sa mga labi.

The Dissolving FlowerOnde histórias criam vida. Descubra agora