Kabanata 37

70 6 0
                                    

THE UNDERWATER COUNCIL

LIS changed his clothing into his usual get up, a black robe and black pants. Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nakasabit sa pader ng kuwarto. Napansin ang mapungay niyang mata. Nangingitim din ang ilalim nito. He shrugged it off before walking out of the room and going back to the control room.

May maliit na lamesang nakalagay sa gitna ng control room. Nakaupo ang tatlo sa gilid habang si Shio naman ay nakatayo sa dulo at may nilalatag na papel. Sinilip niya iyon at isa itong mapa.

"This is our route. We are currently here." Turo nito sa mga malilit at putol-putol na linyang ginuhit nito. Binuksan nito ang sling bag na dala at may kinuha na isa pang papel. "This is the blueprint of the council."

It was a two-storey building. Nahahati ito sa iba't ibang seksyon. Sa pinakababang palapag nandoon ang entrance. Sa ibabaw naman ang mga laboratory.

The blueprint was familiar to Lis. Ito ang nakita niya no'ng nabasa niya ang journal ni Pahima. Walang pangalan ang nakalagay sa journal kaya ngayon lang din niya nawari na ang council na pala ang tinutukoy nito. She had been in the council, yet she wasn't even aware of it.

"Listen. The council is run by three officials: the chief of Mythria, the mayor of Faegika, and the leader of our district, Doctor Lucatha. Kahit pa pantay ang kapangyarihan na mayroon sila, si Doctor Lucatha ang palaging nangunguna sa lahat. Siya ang humahawak sa mga Z-gene at nangunguna sa mga research." Seryoso siyang tiningnan ni Shio. "He is someone that we should abolish first before the treaty. But as much as possible, we need to avoid seeing him until our plan to rescue Aryl's sister will be accomplished."

"Why not? Isn't he just a human?"

Tumahimik naman saglit si Shio bago nagsalita. "He is a human equipped with technology. Don't think about messing with him kahit pa higit na mas malakas kayo sa kaniya. Lalo na ikaw, Lis." Nagulat siya nang bigla siyang tinuro. Ngayon niya lang din napansin ang pagiging kabado ng mga mata nito. "Huwag na huwag kang magpapakita sa kaniya."

Tumango naman siya kahit medyo naguguluhan siya sa reaksyon ng mukha nito. Parang kanina lang sobrang sabik ito pero ngayon, namumutla na ito.

"Pagkatapos nating makuha ang kapatid mo, Ate Aryl, bumalik agad tayo sa Nebula Soris."

"But I want to know more about the council," saad niya at inabot ang mapa.

"We'll do that, but first, we need to bring the experimented to safety, okay?" Bumuntonghininga ito. "Kuya Lis at Ate Violet, please don't get separated. Kayo rin, Kuya Sephtis at Ate Aryl."

"Bigla ka yatang naging concerned," biro niya. Naninibago siya sa tono ng pananalita ng lalaki. Nasanay siya sa maliwanag nitong personalidad kaya naman 'di niya mapigilang mag-alala.

Pinokus niya ang tingin sa mapa. May 'X' sa ibabaw nito, nagtuturo sa lokasyon ng council. Ang route na tinatahak nila ay malapit na sa Mythrian Sea, kung saan naninirahan ang reyna at hari ng mga nilalang na ipinanganak sa tubig.

Nagbakasakali siyang makita si Nativia.

At hindi nga siya nagkamali.

A gush of familiar energy rushed towards their direction. Sumalubong sa kanilang harapan ang isang sirena na nakahati sa apat ang mahabang palikpik ng buntot na animo'y nakasuot ng gown. Ang asul na asul din nitong mga mata at buhok na sumasabay sa daloy ng tubig ang nakaagaw ng pansin niya.

"Nativia! My queen!" bati niya rito at kumaway pa.

Namilog ang mga mata nito pero mabilis ding kumunot ang noo at pinagkrus ang mga braso.

The Dissolving FlowerWhere stories live. Discover now