Kabanata 24

96 9 0
                                    

PROPOSAL

"NO. I didn't say yes to you."

Naglalakad na sila palabas ng tindahan habang si Violet naman ay tinatawanan siya. "Wala ka nang magagawa. I already set you up," sagot nito habang may ngising tagumpay.

"Really, huh? So, did you plan our wedding all night? Even the venue? Ako na lang ba ang kulang?"

"Oo, ikaw na lang. Kaya sinundo na kita." She winked at him.

"How could you?" Palm on his chest, he acted as if he was shocked. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso at kunyaring galit na tiningnan ang babae. "Hindi mo puwedeng ipilit sa akin ang bagay na ayaw ko!"

Sinakyan naman ng babae ang pagkukunwari niya at tinaasan siya ng kilay. "Oh, believe me, I can, and I will. You can't say no to me, Lis. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Kapag sinabi kong magpapakasal tayo, magpapakasal tayo! Understood?"

Isang maliit na tawa ang tumakas sa kaniyang bibig hanggang sa sinundan din ng babae. Nabalot ang kanilang pagitan ng maliliit nilang mga hagikhik. Hindi niya inakalang makakikilala siya ng makakasabay niya sa kalokohan. Nilingon niya ang gawi nito, 'di napansing napako na pala ang tingin niya sa mukha nito.

"Seriously, where are we going?"

"At my place. Aena Tower," sagot nito. May ngiti pa rin sa mga labi, ngunit sa pagkakataong ito, may nag-iba.

Pinagmasdan niyang magbago ang ekspresyon ni Violet. Ang kaninang magaan at inosenteng mukha ay naging madilim at seryoso. Tumigil ito sa paglalakad at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay.

"Lis, please, marry me." Wala na ang mapaglaro nitong tingin. This time, her voice shed with plea.

"Why?"

"It's because of my father." Luminga-linga ito sa paligid at muling tiningnan siya. "Let's talk in private. Masiyadong maraming magician."

Hinila siya ng babae papalapit hanggang sa magkadikit na ang kanilang katawan. Bahagya siyang nagulat nang hawakan nito ang magkabila niyang pisngi.

"Are you going to kiss me?"

Pinisil nito ang kaniyang balat. "'Pag nalasing siguro ako, oo."

"You look drunk to me."

Violet closed her eyes, showing her long lashes. He wanted to touch it. When she opened them, her purple orbs glowed. She whispered inaudible phrases that made his vision spun. Pumikit siya upang tanggalin ang pagkahilo ngunit sa pagbukas ng kaniyang mga mata, nasa loob na sila ng isang kuwarto.

"Where are we?" he murmured. "How did you do that? Is that your spell?"

"It's from my mother. My attribute is quite useless."

Sumilay sa kaniyang paningin ang napakalaking glass window. Doon niya lang napagtanto na nasa itaas sila ng Aena Tower.

"This is my room."

Pinagmasdan ni Lis ang kabuohan ng kuwarto. Nagkalat sa sahig ang iba't ibang mga libro. Kung gaano ka-ube ang kulay ng mga mata nito ay ganoon din ang buong pader, pati na ang magulo nitong kama. Sumusuot ang liwanag sa kurtina na nakatakip sa glass window. Nasisilaw siya sa kintab ng mga bote ng pabangong nakaparada sa gilid nito.

"Your room looks like you." He glanced at the purple ceiling. "Chaotic."

Naglakad ito papalapit sa kama at umupo sa dulo. "I was locked up here since twelve."

"What?" Napalingon siya sa gawi nito.

"I'm 441 now, and I'm still stuck in here. I would probably be stuck here forever," sabi nito habang pinaglalaruan ang malambot nitong kamay.

The Dissolving FlowerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt