Kabanata 16

109 9 0
                                    

THE PHOENIX'S WEAKNESS

THE warm rays of the setting sun hit Lis' face. Tinakpan niya ang kaniyang mukha habang hinihintay ang dalawa na makalabas ng tindahan. Dala-dala niya ang kahon ng berry sa isang kamay at pasimple ring kumakain.

Looking at the numbers on his wrist, it was still 5:45 P.M. Maaga silang nagsara dahil naubos lahat ng mga bulaklak nila kanina dahil sa isang customer. Binili lahat ito ni Hime, ang sabi ni Aryl sikretarya raw 'yon ni Mayor Cortez. Kaarawan daw kasi ng anak nito at magkakaroon daw ng selebrasyon sa Aena Tower.

"Sino ang anak ni Mayor Cortez?" tanong niya nang makalabas ang dalawa.

Aryl eyed at him. "Usisero ka talaga, 'no?"

"Nagtatanong lang, e. Bawal ko bang malaman?"

Naglakad na sila papunta sa Cell nina Cross at Pahima sa pangunguna ni Aster. Lumingon si Aster sa gawi niyang kumakain ng berry.

"Can I have one?" tanong nito. Inabot naman niya ang kahon sa kaibigan. Tumabi ito sa kaniya at kumuha ng isa.

"Oo, bawal kasi pati ako 'di ko rin alam kung sino," sagot ni Aryl, na nasa kaliwang bahagi.

"Sigurado ba kayong maglalakad lang tayo? Medyo malayo-layo ang Cell nila," sabi ni Aster at kumuha pa ulit ng isa.

"Siya naman may pakana nito." Turo ni Aryl sa kaniya.

"Okay lang 'yan. Hindi naman tayo nagmamadali, e. Ang ganda kaya maglakad sa mga ganitong oras," sagot niya habang binibilang ang mga natitirang berries.

Binaling niya ang atensyon sa mapayapang kalangitan na unti-unting napipintahan ng kahel.

Noong nasa Mythria pa lang siya, palagi siyang naglalakad sa hardin ng mansyon nila para lang makita ang mukhang umaapoy na kalangitan. There was a hint of tenderness from the clouds that he couldn't refuse to look at. Sa tagal na niyang nabubuhay, mahigit sa isang libo na rin niyang nakikita ang paglubog ng araw, ngunit hindi pa rin siya nagsasawa.

He preferred the setting sun than the rising one.

Iba ang payapang nararamdaman niya sa tuwing natatamaan ang kaniyang balat sa liwanag ng lumulubog na araw. It was as if comforting him, reminding him to rest.

"We're here."

Madilim na ang paligid nang makarating sila. Mahigit tatlumpong minuto silang naglakad bago makarating sa Cell nina Pahima at Cross. Nabubukod ito sa ibang Cell at nasa paanan pa ng bundok. Napaangat ang tingin ni Lis sa nakalululang taas ng bundok. Ang taas pala talaga ng tinalunan nila no'ng nakaraang linggo.

Nilingon niya ang dalawa na nasa likuran. Naghihintay lang si Aster sa kaniyang senyas habang si Aryl naman ay hawak-hawak na nito ang malaking palakol. Her black, double-headed axe. Ngayon niya lang napansin na may nakaungkat pa lang mga diyamante sa dalawang magkasalungat na blade. Kulay itim kaya hindi halata.

"It seems you two are ready." He turned to look at the lone Cell. Inabot niya ang nakasabit na Rosas sa kaniyang tainga. Palihim siyang naghulog ng mga alikabok na galing sa buhay ng rosas na sinipsip ng kaniyang mga daliri.

Hindi pa siya nakakakatok lumabas na kaagad ang nakabusangot na mukha ni Cross.

"Hi!" He waved at his dear friend and rival.

"Let's not do it here," sagot nito. Mabilis na nagliyab ang dalawa nitong kamao, nakahandang labanan siya.

Napangisi naman siya. It had been a while since he last tasted his fists that he couldn't help but wonder, how much did he improve for the past two years? The curiosity was strong on his mind, and the urge to test their strength from one another just kept on coming. He was overwhelmed with excitement. He might get lost in thoughts and ended up fighting Cross if he wouldn't shove this feeling away fast.

The Dissolving FlowerWhere stories live. Discover now