Kabanata 12

143 14 1
                                    

HIS RIVAL, THE RED-HEAD

"COME again-ka!" Lis waved at the customer with his lips smiling wide. A new Rose tucked on his left ear as his new medium.

"Itigil mo nga 'yang kaka-ka mo, Lis," said the Daisy beside the door.

He looked at the pot of Daisies. "Why?"

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yan, e."

"Really?" sagot niya at napanguso.

"Dati kasi hindi pa ganito ang mga kasuotan nila kaya mahirap makilala kung anong klaseng mga magician sila kaya gumagamit sila ng mga salita na makapagbubukod sa kanila sa ibang mga magician," paliwanag ng Daisy. "Pero dahil 'yong si ano, hindi ko kilala kung sinong mayor 'yon, wala pa ako no'n, e. Nagpatupad daw ng patakaran na gumawa ng damit sa ganiyang disenyo at obligado silang suotin 'yon para hindi mahirapan ang isa't isa na alamin kung anong magician sila. 'Yong iba nakasanayan nang gumamit ng ganiyang mga salita kaya nagsasalita pa rin sila ng ganiyan. 'Yong iba naman wala na."

"Ah. I see." He nodded. Kaya pala hindi nagtaka ang mga nakausap niyang magician kahapon dahil okay lang pala. Akala pa naman niya kailangan talagang magsalita ng ganoon.

"That's a really good information, Flora," dagdag niya sabay thumbs-up.

Tumayo muna siya sa kinauupuan at pumasok sa loob para kunin sa Invisible File ang Vege Sal na pinadala niya kay Aster kanina. Nagugutom na siya. Pagkatapos niyang kunin iyon mula sa kaibigan, naglakad na kaagad siya sa palabas. Nakangiti siyang bumalik sa kaniyang puwesto habang kumakain nang mapansin ang isang babae na nakaupo sa isa sa mga stool ng flower shop.

Dalawang stool ang espasyo nilang dalawa. Magkaharap sila ngunit hindi yata siya napansin ng babae. Nakayuko ito at abalang magsulat sa dala-dalang maliit ngunit makapal na kuwaderno. Hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil sa makapal na bangs. Mahaba at matuwid din buhok nito.

His eyes scanned the color of her cloth.

A brown magician.

"Ah, hi?" bati niya sapat lang para marinig ng babae.

Napatigil naman ito sa pagsusulat pero hindi tumingin sa kaniya.

Nilapitan niya ito at pormal na binati ang babae, ang mga kamay sa likod at bahagyang yumukod. "Good morning, miss. Can I help you with something?"

Hindi sumagot ang babae.

"Do you want to look at our shop? Or you're here to buy something?" 'Or maybe you just wanted to sit by?' Idadagdag niya sana pero baka masiyadong straight forward ang mga salita niya.

Napangiwi naman siya dahil hindi pa rin sumagot ang babae at nanatili lang na nakayuko. Was she mute? Baka mahiyain o baka naman snob lang at ayaw talaga siyang kausapin?

"What are you writing?" usisa niya. Sinubukan niyang silipin ang kuwaderno.

The woman reacted, hugging it and preventing him from seeing the contents. Umangat ang tingin ng dalaga at doon niya lang naaninag ang nababahala nitong mukha.

She looked anxious, so he distanced himself, but he refused to look away. Hindi mawala ang tingin niya sa mga mata nito. The other eye was a normal brown. Pero ang kaliwang mata nito ay napalibutan ng kulay abo.

"S-sorry. Bawal ba ako u-umupo rito?" She stuttered and almost whispering.

Parang naiiyak ang boses nito kaya mabilis siyang umiling.

"Oh, it's fine. You can sit there." Flashing his smile at the girl, he tried to leave a friendly impression. That he was harmless and she didn't need to be afraid.

The Dissolving FlowerWhere stories live. Discover now