Kabanata 31

77 8 1
                                    

THE LAST BEGINNING

"GRABE! Ang init!" sigaw ni Violet. Malapit na nitong mapunit ang binigay na pamaypay ni Hulyo.

Si Lis naman ay nasa likuran ng babae at nagpapahangin din dahil nasira na ang sa kaniya. Namumula na ang kaniyang balat, pakiramdam niya'y sasabog na rin ang kaniyang ulo sa init.

Their groans made their journey to the H-district loud. Nakasunod sila kay Hulyo at Hon habang lumilipad. Mabilis na ang lipad nila pero ang init pa rin talaga.

Tuluyang nawasak ang pamaypay ni Violet sa bilis ng kanilang lipad.

"Malayo pa ba?" sigaw ni Aryl habang nakahawak sa braso ni Aster. Nasa harapan niya ang dalawa.

The two became closer since last night. Narinig niya rin kaninang umaga na Sephtis na ang tinawag ni Aryl kay Aster.

Napasingkit ang mata ni Lis. Ano kaya nangyari sa dalawang ito kagabi?

Nangangati na ang labi niya para magtanong. Pakiramdam niya kasi ay may nakaligtaan siya. Siyempre nais niyang marinig sa bibig ng kaibigan mismo kung may namamagitan na ba sa dalawa. O baka nga sila.

Palihim niyang ginamit ang kaniyang Dissemination Spell at kinonekta kay Aster.

"Did something happen between you two, huh, Sephtis?"

"None of your business, master."

Napaismid naman siya. Ang damot naman ng isang ito. Magpapakuwento lang, e.

"Malapit na tayo!" narinig niyang sigaw ni Hulyo kaya muling napabalik ang kaniyang tingin sa unahan.

Sa dulo ng kaniyang bisyon, may nakikita siyang napakatangkad na pader na gawa sa metal. Sobrang taas. Pabilog din ang kahabaan nito kaya hindi niya makita ang bawat dulong gilid. May mga matutulis na bagay ang nakapalibot sa tuktok nito na para bang mga gumagapang na tinik.

"Let's go down!"

Sumunod sila sa baba at nang makalapat nawala na ang init na nararamdaman niya. Ang kaniyang tinatapakan ay hindi na disyerto kundi gawa na sa matigas na lupa at mga bato.

"Thank you," sabi niya kay Hulyo at Hon na halos hindi na niya maaninag pa ang mga mukha.

It was the same of what happened to Zeby.

Tumango naman si Hulyo bilang sagot, tumalikod na at lumipad paalis. Pinagmasdan nila ang dalawa hanggang sa mawala ito nang tuluyan sa kanilang tingin.

Napalunok muna si Lis bago lingunin ang higanteng tarangkahan sa harapan nila. Ang taas na kahit siya mismo ay 'di niya maaninag ang ibabaw. Nagmukha lang silang mga insekto sa napakalaki at kumikinang sa tingkad na pader. Walang kahit anong ingay ang maririnig sa kabilang parte. Dahil na rin sa kapal ng pader imposible talagang marinig niya ang tunog sa kabilang bahagi.

Naglakad siya papalapit at nilapat ang kamay sa pader. Ang nagraragasang sabik sa tuwing nakakadiskubre siya ng mga panibagong bagay ay pinuno ang kaniyang puso. Nais niyang pigilan ang sariling mapangiti ngunit huli na, kumurba na ang kaniyang mga labi.

'Finally. The H-district. The land of humans.'

"Wala ka bang planong gumalaw r'yan?"

Napabalik siya sa kaniyang diwa nang may kamay na humila sa kaniyang braso.

Nakatingin pala sa kaniya ang tatlo at naghihintay sa kaniya. Masiyado siyang nawiling pagmasdan ang pader kaya nakalimutan niya tuloy na may kasama pala siya.

"Are we going to fly?" Aster or should he say Sephtis, asked.

"Yes." He nodded in response. Wala naman kasi siyang ibang nakikitang daanan para makatawid sila.

The Dissolving FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon