Kabanata 8

173 16 0
                                    

A CELL TO STAY IN

"FINALLY, makakakain na rin ako!" masiglang saad ni Lis habang nakasunod sa matanda. Kasalukuyan silang umaakyat sa hagdanan papunta sa Cell nito.

Cell ang tawag sa tahanan ng mga magician. Ito'y nakapaloob sa mga gusali. Inakyat nila ang gusali na katabi lang ng makipot na daan kanina at ngayon ay nasa ikatlong palapag na sila.

Bawat palapag ay may iilang mga Cell, depende ang dami nito sa laki at taas ng gusali. Tansya ni Lis ay mga nasa sampu ang mga Cell bawat palapag na inaakyat nila.

"Tanda—"

"Cortez, bata-ka."

"Lis na lang din po, 'di na ako bata, e." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Anong materyales po ba ginawa niyo bakit ganito ang mga gusali?"

"Ano sa tingin mo-ka?"

"Hmm. Maybe—uh—trees?" hula niya habang iniikot ang tingin sa paligid. He could hear faint voices from the buildings. Dead voices. Napahawak siya sa barandilya. Kakaiba ang tekstura nito sa hagdan. Malambot ito habang ang hagdan naman ay matigas.

"Tama ka," sagot nito nang makarating sila sa ikaapat na palapag. Nagtungo si Cortez sa ikalawang Cell. Mabilis silang sumunod.

Lis nodded. So, he was right. The trees used to make the buildings were huge, perennial trees. Kaya rin siguro wala siyang makitang mga higanteng puno rito. Ang hindi niya maintindihan kung bakit parang jelly ang anyo nito. Wala siyang makitang mga troso na nakakabit.

"Si Patriate ang bumuo sa mga gusali na ito gamit ang kaniyang spell."

"He made these alone?" gulat na tanong niya habang si Aster naman ay nakikinig lang sa kanila.

Sa pagkakaalam niya, kumukuha ng enerhiya ang mga magician sa kanilang katawan. At kung ikukumpara niya sa dami ng mga gusali ang katawan ng isang magician, kamatayan ang aabutin nito.

"Hindi ko alam. Wala pa ako no'ng nandito si Patriate sa Faegika-ka." Nagkibit-balikat ang matanda at inabot ang busol ng pinto. "Tuloy kayo-ka."

Lis exclaimed as he stepped his feet inside. Ang akala niya'y parang jelly rin ang mga kagamitan nila pero mali. Katulad lang ito sa mga gamitan nila sa Mythria. Lalo pa siyang namangha dahil ang mga pader sa loob ay hindi gawa sa jelly kundi mga kahoy. These were the voices he had heard earlier. The trees were invisible from the outside.

Malaki rin ang espasyo ng kuwarto. Sa kanan niya ay may nakahilirang dalawang pinto. Sa harapan nila ang salas at sa kaliwa naman mukhang daanan papuntang kusina.

"Umupo kayo-ka." Gamit ang tungkod, tinuro nito ang direksyon ng maliit na sofa. Kuminang ang dulo ng tungkod nito at naglikha ng pulang usok. Nang mawala na ang usok, doon lang naaninag ni Lis ang nadagdag na dalawang sofa sa tabi ng maliit na sofa kanina.

"Whoa!" Umupo na si Lis habang 'di pa rin mapigilan ang sariling maaliw. Marami siyang gustong itanong kay Cortez tungkol sa Faegika, at higit sa lahat, tungkol sa mga black magician.

"Cortez—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang ituro ni Cortez sa kanila ang tungkod nito. Kagaya kanina, may lumabas na pulang usok. Bahagya pa siyang nataranta dahil akala niya'y inatake sila ng matanda ngunit binago pala nito ang kanilang kasuotan.

"Wo-ho! Ang galing!" Itinaas niya pa ang dalawang braso upang makita ang suot niyang pulang balabal. Mahigpit ang kapit ng sleeve nito sa kaniyang braso. Sinuot niya ang hood na napakalaki na kayang ikubli ang buo niyang mukha.

"Thank you, Cortez," aniya.

"Thank you," saad din ni Aster.

Umupo si Cortez sa harapan nila at ngumiti. "S-genes. Ang lakas din naman ng loob niyong baliin ang treaty at pumunta rito-ka." Ang kaninang mukhang nakangiti ay napalitan ng pagtawa na para bang naaaliw sa kanila.

The Dissolving FlowerWhere stories live. Discover now