iii. daddy suga's junior

2.3K 72 12
                                    

SUGA:

" Yeobo, I'll go now. Take care of Yoonjae for me. Thank you, love lots. " sabi ni Lena tas binigyan ako ng goodbye kiss sa cheeks pati na rin si Yoonjae.

" Bye bye Yoonjae! Ppoppo! " sabi ni Lena tas nagpapakiss kay Yoonjae. " Bye bye! Yeobo alis na ko. "

" Bye yeobo~ Ingat ka. " sabi ko. Umalis na talaga siya. Naiwan na naman ako kay Junior ko. Gulo na naman 'to. Wahahaha.

" Yah, Yoongi-junior. Anong gusto mong gawin ngayon? " tanong ko sakanya, nakaupo siya ngayon, naglalaro ng laruan niya. Inignore niya lang ako. Hays, babies.

Nilapitan ko naman siya at pinanood lang siyang maglaro. Tinignan niya ako saglit tas nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Kaya minsan ayaw ko sa bahay eh, ako nagbabantay tapos wala naman kaming ginagawa. Wala eh, mahal ko si Lena kaya ko ginagawa 'to. Hahaha, big words.

" Yah, Yoongi-junior, gusto mo kumain? " tanong ko sakanya, hahahaha, kala mo naiintidihan eh. Hays. Tinignan niya lang ako tas naglaro ulet. Snob 'yung anak ko.

Kumuha ako ng mansanas kasi nagugutom ako eh, pagkakuha ko ng mansanas umupo na 'ko sa sala tas nanood ng TV.

Nakita siguro ni Yoonjae 'yung mansanas kasi bigla siyang lumapit sa'kin e. " Hng, Appa! "

" Gusto mo Jae? " tanong ko tas tumango naman siya, omo. Hahaha, nakakaintindi din pala. " Sabi mo ayaw mo. "

" Eunngg! " sabi niya, ayan na paiyak na si junior. " Wait lang, junior. " sabi ko tas tumakbo sa kusina para hati-hatiin yung mansanas para makain niya ng ayos.

Pinuntahan ko na siya tas pilit niyang kinukuha sa'kin, " Juseyo. " sabi ko tas sinumod niya ako, 'yung kamay niya parang nanghihingi na.

Para naman may galang siya. Diba? Binigyan ko na siya ng isang bowl ng mansanas. Paborito niya 'yan e.

" Say 'thank you', Jae. " Personal talent ng anak ko, mang-snob. Saya.

Nanood na lang ulit ako ng TV kasi ang boring talaga eh, nalipat ko naman 'yung channel sa kung saan Pororo pinapalabas.

" Oh, Yoonjae, si Pororo oh. " sabi ko tas tinuro 'yung TV, tingin naman siya agad. " Sino 'yan, Yoonjae? "

" Ttololo! " Tororo? Huh? Bulol. Hahaha. Hays. Di ko na lang nilipat 'yung channel kasi nage-enjoy na sa panood si junior.

Matawagan nga si Jimin. Si Pandak. Hahaha para maingay naman dito sa bahay. Video call para masaya.

" Yoonjae, halika dito. Tawagan natin si Uncle Liit-este si Uncle Jimin mo. " sabi ko tas kinalong siya.

[" Hi hyung. Na-miss mo agad ako? "]

" Wag ka feeling. Yoonjae say 'hi' kay uncle. " kumaway naman si Yoonjae sa camera.

[" Hi Yoonjae~ Uwah. Gwapo ah. "]

" Mana sa tatay eh. "

[" Ganda kasi ng nanay mo no, Yoonjae? "]

" Tatay nga. "

[" Oo na lang, ba't ka nga pala napatawag? "]

" Bisitahin mo si Yoonjae, para may maingay naman sa bahay. Nakakayamot eh. "

[" Ahahaha, di ba nag-iingay si junior mo? "]

" Di eh. Tahimik siya. "

[" Hahahaha, sige, isasama ko si Hoseok-hyung. "]

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now