vi. alien love

1.7K 61 8
                                    

TAEHYUNG'S P.O.V

" Babay na Jungkookie! Heejung! Choonhee! Aalis na kami ni Hoseok-hyung! Bye bye! " sabi ko habang hinihila si Hoseok-hyung paalis ng bahay nila Jungkook.

" Babay! " -Hoseok

" Sige mga hyung, ingat kayo. Bye. " sabi ni Jungkook habang kumakaway. " Ingat kayo. " sabi naman ni Choonhee.

" Bye mga appa! Ingat kayo~ Bye bye! " sabi naman ni Hee, kumaway na lang kami ni Hoseok hyung at naglakad na paalis. Anong oras na kami nakaalis don. Nakipaglaro pa kasi ako kay Heejung eh. Ehe ehe.

" Ano ba 'yan, nung oras na oh. Hinihintay na siguro ako ni Namjoon sa dorm. " sabi ni Hoseok hyung habang nakatingin sa relo niya. Problema ng mga single. Walang sariling bahay. Hahaha.

" Ako din kaya! Sa dorm naman ako umuuwi ah! " sabi ko, hehe. Di ako single, pero sa dorm ako nauwi kasi di pa naman kaming mag live in ni Hyonmin. Ayaw pa naming mag live in.

At isa pa, hindi ko pa nare-reveal sa fans ko o sa media na may girlfriend ako. Hahahaha, pasikreto kami ni Hyonmin.

" Oo nga pala no, hahaha, my bad. " sabi ni hyung, tahimik na lang kaming naglakad hanggang sa pumara kami ng taxi.

" Yah, Taehyung, patingin nga ng itsura ni Hyonmin. " sabi ni hyung, kinuha ko 'yung cellphone ko at pinakita 'yung wallpaper ko. Ahehehe, selca ni Hyonmin and wallpaper ko.

" Wow. Ang cute ha. Hahaha, galing mo din. " sabi ni hyung at nakipag-apir sakin. Huehue. Ako pa. Gwapo kasi akong alien.

" Tell me about her. Hahaha. " sabi ni hyung, umiling ako. Ayoko nga. Hahahah.

" Mamaya na sa dorm, hahaha. " sabi ko. Ayoko dito, baka ipagkalat pa ni manong 'yung mga narining niya. Hahahaha.

xx

" Hyung we is home! " sabi ko pagkapasok namin ni Hoseok hyung sa dorm. Naabutan naman naming tahimik na nanonood si Namjoon-hyung. Lungkot ng badjao na 'to eh.

" Welcome home " malumbay na sinabi ni hyung, di manlang niya kami tinignan! Wala sa mood si hyung. Hayaan na lang natin 'yan. Nagluluksa parin 'yan, nagsisi na ginawa niya ang lahat ng 'yon kaya ayan wala na sila ni Rona.

Hindi na nga pala nagta-trabaho si Rona samin bilang make-up artist, instead doon siya sa café na pinatayo nila Choonhee. Sikat nga pala 'yung café na 'yon kasi ang mag-asawang Jeon ang may-ari. Hahaha.

" Yah, Namjoon, okay ka lang? " tanong ni Hoseok hyung kay Namjoon hyung. Tinignan lang ni Namjoon hyung si Hoseok hyung, " Sa tingin mo bang okay lang ako? Halata namang hindi eh. "

Nakaupo lang ako dito sa may sofa at nakikinig sa usapan nila hyung, echosero ako kaya ayan. " Mag move on kana kasi, Joon. Wala rin namang mapapala 'yang pagluluksa mo eh. Hindi mo naman mababalik si Rona sa'yo kapag nagganyan ka. " Well said hyung. Nice one.

" Oo nga eh, alam ko 'yon. Ang mahirap kasi dito, hindi ko kayang mag-move on kay Rona, I still can't let her go— "

" Pero pinakawalan mo na si Rona eh. " sagot ko naman, umeepal na si alien. Puro matitino na lalabas sa bibig ko. Wooh.

" Kung hindi mo siya kayang pakawalan, ba't mo pa ginawa 'yun hyung? Alam kong mahirap talaga mag-move on kasi ang tagal mong nagkagusto sakanya. High school pa kayo diba? Talagang mahirap 'yon. " sabi ko sakanya, lumungkot na naman yung mukha ni Namjoon-hyung.

" Mahirap talaga, I still want her, hindi ko lang magawang sabihin sakanya na mahal ko parin siya, I'm scared that maybe she moved on and forgot about me. I don't want to be rejected by the person who loved me once. " sabi ni hyung. Ayoko sanang magpatawa pero nagdudugo ilong ko. Tapos puro hugot. Hays. Ganyan talaga pag-brokenhearted.

Bangtan Daddies 2Where stories live. Discover now