vii. strict daddy

1.8K 71 6
                                    

JUNGKOOK:

" Buti nakaalis na sila hyung. " sabi ko pagkaalis nila hyung. Akala ko di na sila aalis eh. Si Jimin-hyung nahuli pa kaming naghahabulan ni Choonhee dito eh.

" Hala, appa bakit? Hahaha. Ayaw mo na ba sakanila? " naglolokong tanong ni Heejung.

Oo. De joke. Mahal ko mga hyung ko no. Alam mo yung minsan na sobrang close nila sa'kin, yung tipong ayaw na nila ako iwan? Hahaha. Gwapo ko kasi e.

" Daddy, baka nags-self praise ka na naman sa isip mo ha. " sabi ni Hee habang palipatlipat ng channel. Alam talaga niya eh no.

" Half Koreana half alien ka ba, 'nak? " tanong ko sakanya, tinignan niya lang ako saglit tas tumawa.

" I'm too pretty to have an alien blood. " sabi niya, may pa-english english pang nalalaman 'tong batang 'to eh. " Tsaka, mana ako sa tatay ko eh. Hahaha. "

" Nang-aasar ka ba, Hee? " tanong ko, with a bit serious tone. Panakot sa bata? Yung tono ng boses mo

" Di po daddy. " biglang bawi naman niya eh. Hahaha, natakot. Hays.

" Akala ko nangaasar ka eh. " sabi ko, ngumisi na lang siya at patuloy parin sa paglipat ng channel. Nakakahilo na ah.

" Wala ka bang balak na tumigil sa kakalipat ng channel? Di ka pa ba nahihilo? " tanong ko sakanya, busy talaga sa kakalipat ng channel eh.

Walang magawa sa buhay 'to.

" Wala po. Nakakaboring ngayon. "

" Tapos mo na mga homework mo? " tanong ko sakanya, tumango siya. Nakasimangot siya ngayon habang palipat-lipat ng channel.

" Ba't nakasimangot ka? " tanong ko

" Wala akong mapanood na matino eh. " sagot naman niya habang humiga sa sofa, sakop na niya yung mahabang sofa.

" Patayin mo na lang kung ganyan. " sabi ko sakanya, pinatay niya nga yung tv tas tinitigan ako saglit bago siya tumayo at binuksan yung stereo.

" Makikinig ako sa mga kanta niyo appa. " sabi niya habang naghahanap ng album doon. Ano kayang pipiliin niyang album?

Bigla namang nagpatugtog 'yung intro ng 'In the Mood for Love' naming album. 'Yan? Hahaha. Nice choice though.

Umupo na si Heejung sa sofa at nakikisabay sa rap ni Yoongi-hyung. Nginingitian ko siya kasi feel na feel niya yung rap psh.

Nag-play naman 'yung 'I NEED U'. Tas eto na naman si Heejung, feel na feel niya yung pagkanta. Hahahaha.

" Galing niyo mag-acting sa MV niyo nan appa, hahaha. Nasagasaan ka diyan diba appa? " tanong ni Heejung

" Oo. Ang galing talaga namin mag-acting no? Hahaha. " sabi ko, self-praise ba ito? Somehow. Hahahaha. Pagbigyan.

" Oh? Is that I NEED U I hear? Naks, nagt-throwback. " sabi ni Choon habang palabas ng kusina, dumerecho siya sa may sofa at sinakop yung mahaba since walang nakaupo doon.

" Si Heejung eh. "

" Ganda kaya ng album na 'yan. " sabi ni Heejung habang sinasayaw 'yung kanta. Feel na feel niya talaga eh, oh. May head bang pang nalalaman eh.

" Oo nga eh, 'yan yung pinakapaborito kong album ng Bangtan. Ah, Hee, isa si Jungkook sa mga nagsulat ng outro niyan. Hahaha. " sabi ni Choon, proud ako no. Wooh. Nagsulat ako ng kanta, kasama ko sila Jin-hyung diyan.

Bangtan Daddies 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora